"ATE MAY" Malakas na tawag ni YONG. "Si EDWARD paalis na sya ngayon" Hindi na nya natapos ang sasabihin ni YONG ng tumakbo na sya palayo, hindi nya alam kung saan ito pupuntahan. Hanggang sa dalhin sya ng mga paa nya sa tapat ng gate ng bahay nito. naabutan nya sinasara na ni MAnang Fe ang gate ng bahay.
"Manang si EDWARD po" tanong nya dito. Nag sisimula ng tumulo ang luha nya.
"Kakaalis lang nya." Sagot nito sabay tingin sa sasakyan papalayo.
Wala syang nagawa kundi ang tingnan ang sasakyan habang patuloy ito lumalayo sa kanya. Kasabay ng pag tulo ng luha nya, ay ang pag patak ng ulan...
"May umuulan umuwi kana at baka mag kasakit ka pa" anya ni Manag Fe, pero tila wala syang narinig. Hindi nya alintana ang ginaw, na nag mumula sa ulan. Mas ramdam nya ang sakit. Tila may kutsilyo na sumasaksak sa puso nya...
"MAY, MARYDALE"... naramdaman nya may humawak sa balikat nya, bahagya sya nag angat ng ulo. At nakita nya si LUIS na nakangiti sa kanya.
"Nag puyat ka na naman kagabi" anya nito. Bahagya nya pinahid ang pisngi medjo mamasa masa ito. Tiningnan nya ang suot na relo.
"Oh my god," anya nya ng Makita kung anu oras na. Mahigit ala una na, halos isang oras sya nakatulog. "Bakit hindi mo ko ginising" pagalit na anya nya kay LUIS.
"WOW, kanina pakita ginigising, eh parang sarap na sarap ka sa pagkakatulog, mukang maganda ang panaginip mo" nanunukso wika nito....
Hindi nya pinansin ang sinabi nito. mabilis nya kinuha ang mga gamit sa mesa. May meeting pa sya na kailangan puntahan.. kailangan nya umatend dahil kung hindi lagot sya sa amo nila. Sinuklay nya ngmga daliri ang buhok.
"Maganda na ba ko?, alam ko oo sagot mo, kaya thanks".. wika nya kay LUIS. Nakangiti ito sa kanya. Nag madali na nyang tinungo ang hallway,
"Bye see you later".Pagpapaalam nya dito.
Naglalakad na sya sa hallway, ng maalala ang sinabi nito. "Huh, anung maganda sa panaginip ko"?? baka bangungot, hayyyyys".. bahagya nya ining ang ulo ng mawala ang iniisip nya...
5 YEARS na ang nakakaraan pero bakit parang kahapon lang nangyare, maliwanag pa ang lahat sa panaginip nya. Bagay na ayaw na nya balikan... Pumasok sya sa meeting room nakita nya nandun na ang ibang kasamahan nya. Nag tratrabaho sya sa isang sikat na clothing brand sa pilipinas nasa marketing department sya. 2 taon na rin sya sa kumpanya, magkatrabaho sila ni LUIS at Magkasama sila sa isang department..
"Ready ka na"... narinig nya si LUIS. Umupo ito sa tabi ng table nya.
"Ready saan"?? tanong nya dito, hindi nya ito tiningnan busy sya sa pag research..
"Parang di mo naman alam, inihahanda ka na ni Boss, sa isang malaking launch, kaya nga ikaw ang pinapaatend sa meeting." Pinaikot pa nito ang upuan na tila bata nag lalaro. Tiningnan nya ito.
"Ang sabihin mo, bibigyan lang ako ni boss ng sakit sa ulo" napabuntong hininga sya, sigurado sakit sa ulo ang aabutin nya pag sya ang humawak sa nalalapit nila event.. Ibinalik nya ang tuon, sa computer...
"DAY" sabay sila napalingon ni LUIS ng marinig si CANDY. Isa sa marketing team.
"Alam nyo na ba ang chikkanes???" tanong nito. sabay bigay ng matamis na ngiti...
Hayyy na ko ito talagang baklitang ito,pag dating sa chismisan mabilis pa sa alas kwatro.
"Anu na naman yan chikka mo, fresh bayan, baka naman nilalangaw nayan"?? pag bibiro nya dito.
"Oo naman, mainit init pa. Ayon sa aking trustworthy source."bahagya pa nito inirapa ang mata.
"May bago daw hahawak sa team natin, at ang chikka super hot na fafa"...halata kinikilig pa ito.
"Si JEDA ang nag sabi sayo nyan hanu, sya ang iyong "TRUSTWORTHY SOURCE" baling nya agad dito. Kahit hindi nito sabihin ang pangalan alam na nya kung kay ninu nanggagaling ang mga chismis sa company nila.
"Ay kaloka sya ohhh, wala ka talaga alam sa showbizzz, hindi pinapangalanan ang mga source" umirap pa ito sa kanya.
Natatawa lang si LUIS sa kanila.
"Talaga, Mas HOT pa sakin"pabirong tanong ni LUIS kinagat pa nito ang pang ibaba labi.
"EWWW" anya nya sabay hampas nya ng papel. Nakita naman nya ang reaksyon ni CANDY halata nag lalaway pa ito.
"Syempre nemen weleng mes hot seyo" anya ni CANDY... hala hala anung nangyare dito. Umandar na naman ang imahinasyon ng baklita ito.
"Anyway, yun na nga ang chikka, galing daw ito sa ibang bansa. Nako Girl,mag ingat ka" pag babanta pa nito.
"At bakit aber"... nag tataka tanong nya dito.
"Malamang foreigner un, yang mga ganyan beauty ang bet na bet ng foreigner".. sabay turo sa mukha nya..
"Hoyyy, Filipina beauty ito nuh"..
"At bakit may sinabi ba ko masama echusera 'to".. sagot nito sa kanya.
"Ayy nako bumalik ka na nga dun sa desk mo". Pag tataboy nya dito.
"Bye FAFA LUIS". Ay ang landi ng bakla 'to.
"So may bago pala" anya ni LUIS sa kanya.
"Bago sakit ng ulo" sagot nya dito, "Sya nga pala. Kain tayo maya sa KOREAN RESTO, Libre mo ahhhh" Hindi na nya ito hinayaan makasagot.. dahil alam nya kokontra ito.
Natapos na ang shif nila, hinintay sya nito sa parking lot.. sosyal ito dahil nakabili na ito ng sasakyan..
"Ang tagal mo", bungad nito sa kanya.. Binuksan pa nito ang pinto sa harap.
Narating nila ang resto. Agad sya umorder. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng mag ring ang telepono nya.
"Yes FENECH", bungad nya dito.
"Ahh ganun ba, sige titingnan ko".. pag kasabi nun agad nya ibinaba ang telepono.
"Bakit tumawag si FENECH"? tanong ni LUIS sa kanya..
"AHmm wala, nag invite.." sagot nya halata iniiwasan nya ang tanong nito.
Tiningnan sya ni LUIS halata nag hihintay ng matino sagot.
"Nag invite sya sa kasal nya".. saad nya saka ngumiti ng pilit..
5 taon na syang hindi umuuwe sa kanila. Simula ng pumunta sya maynila pag katapos nyang mag aral. Hindi na sya muli pang bumalik sa Lugar nila, masyado marami masasakit na nangyare sa kanya dun, bagay na ayaw nan yang alalahanin pa.
"Hindi ka aatend" saad ni LUIS. Naka titig ito sa kanya. Patuloy parin sya sa pag kain..tila iniiwasan angmga tanong ng kaibigan.
"Check ko pa muna schedule ko, alam mo naman busy ako ngayon." Sagot nya dito.
"Owwww busy ok., sabi mo eh"sagot nalang ni LUIS kahit na alam nya na umiiwas ito... Pagkatapos nila kumain ay hinatid na sya nito sa apartment nya.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanficKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?