Habang nag aaral si MARYDALE sa kanyang silid, ay pilit pumapasok sa isip nya si EDWARD. Tila may nakaraan ito na bahagi sya, parang nakita na nya ito dati, parang matagal na nya ito kakilala.Ipinikit nya saglit ang kanyang mata, at nag concentrate para syang manghuhula na gumagawa ng ritwal, "Marydale, resultan yan ng araw na araw na pag sama mo kay FENECH" anya nya sa sarili. Gabi na ng mapagpasyahan nyang matulog, niligpit na nya ang gamit at, inayos ang kanyang kama. Inaantok na sya, medyo napagod din sya sa unang araw ng klase nila.
Kinaumagahan, maaga syang naghanda para sapag pasok sa eskwela.
"MARYDALE ENTRATA" sigaw ni FENECH dito. Nilingon nya ito
"Kailangan talaga sisigaw" anya nya dito.
"Kanina pa kita tinatawag, napagod na ko kakasigaw, bakit ba parang wala ka na naman sa sarili.
"Napanaginipan ko na naman sya" anya na dito.
"Na naman" sagot nito sa kanya. Tumango lang sya. Kahit hindi nya ikuwento ng buo alam na ni FENECH ang tinutukoy nya.
Palagi na lang nya kase napapanaginipan ang isang lalaki, medyo blurd ito sa panaginip nya, kaya hindi nya alam kung sino ito, pero sa panaginip nya ay parang kilalang kilala na nya ito. Kaya tuloy lagi syang curious kung sino ito.
"Hindi kaya may stalker ka"? wika ni FENECH
"Ayan ka na naman sa mga ganyan mo, FENECH.. yung mga pag iisip mo ng kung anu ano. Tinatakot mo na naman ako".halata sa tono ng boses nya ang takot.
"Ang OA nito stalker lang sinabi ko dami na agad comment". Wika nito sa maarteng tinig.
Hindi nila napansin ang pag lapit nila CHRISTIAN at YONG sa kanila, kasama na nito si EDWARD.
"goodmorning"bati ng mga ito sa kanila.
"Goodmorning din" bati ni FENECH, "HI EDWARD" dagdag pa nito na nag pa cute.
Ngumiti lang sya sa mga ito. Naglakad na sila papunta ng room wala parin syang kibo, nasa isip parin nya ang lalaki sa panaginip. Bigla syang napangiti, ng maisip na baka yun na ang nakatadhana sa kanya. Bahagya nyang pinalig ang ulo, para na syang si FENECH kung mag daydream.. Napansin nyang nakatingin sa kanya si EDWARD, may kakaiba talaga sa lalaki na to, mahilig tumitig.........sa kanya. Nagbaling sya ng tingin, ayaw nya makipag titigan dito.
"MAY samahan mo muna ko sa cr" anya ni FENECH. Tumango lang sya at binaybay nila ang daan papunta sa cr.
"May napapansin ako dyan sa EDWARD na yan" napatingin sya dito seryoso ang mukha ni FENECH.
"Ano yun"tanong nya dito.
"Palagi syang nakatingin sayo, ilang beses ko na syang nahuhuli tinitingnan ka" anya nito na tinitigan ang kanyang mukha.
"Wala naman kakaiba sa mukha mo, bukod sa maganda ka lang sakin ng bahagya," dagdag pa nito. Inirapan nya lang ito.
"FENECH, wag na natin gawan ng issue yung tao may GIRLFRIEND na nga eh"maikling sagot nya dito. Ayaw nya mag isip ng kung anu ano dahil baka mali lang sya, pero kahit na sya mismo ay napapansin ang palaging pag tingin ni EDWARD sa kanya.
Kung may iba man itong pakay, pwes sorry na lang ito. Hindi sya yung tipo ng tao na agad na fall lalo na at may girlfriend na. pero pag naiisip nya ang gwapong mukha nito, Sorry LORD pero lagi sya natutulala, ang ending tuloy para syang si FENECH kung mag day dream.
Araw ng sabado, napagpasyahan nilang magkakaibigan na magpicnic sa tabi ng ILOG, palagi nilang ginagawa ang ganun lalo na pag walang pasok. Nauna sila ni FENECH inayos nila ang mga pagkain dala, pamaya pa ay dumating na sila CHRISTIAN at YONG kasama ng mga ito si EDWARD, talagang kabilang na talaga sa grupo nila si EDWARD. EDWARD smiles at her, heto na naman po ang mga ngiti nito. Tila sya natutunaw sa mga titig nito, siniko sya ni FENECH ng mapansin natulala sya.
"huy yung bibig mo isara mo ng bagya." Bulong nito sa kanya.
Nahiya naman sya ng bagya sa tinuran ng kaibigan.
"Ate MAY may kulang pa ba?" tanong ni CHRISTIAN sa kanya.
"wala tayo uling, ako nalang ang kukuha, ayusin nyo na lang ung para sa iihawin natin" anya nya dito..
"EDWARD samahan mo si ate MAY" wika ni YONG. Tumingin muna ito sa kanya tila hinihintay kung ok lang na samahan nya ito.
"Tara EDWARD" yaya na nya dito.
Habang naglalakad sila, hindi nya napansin ang palaka.
"Ay palaka" anya nya na nagtatalon, sa sobrang takot nya napayakap sya kay EDWARD.
"EDWARD may palaka, yung palaka".. lalo pang humigpit ang yakap nya dito. Nang mahimasmasan sya ay agad syang kumalas dito, nakangiti lang ito sa kanya. Bahagya syang nahiya, tila kumain sya ng buong kamatis dahil alam nya namumula na ang pisngi nya.
"Ngayon alam ko na na takot ka sa palaka" anya nito sa kanya na tila nang iinis pa. Tiningnan lang nya ito ng masama
"Ay palaka" dagdag pa nito ng nangaasar. Binilisan nya nag lakad hindi dahil naiinis sya kundi ang lakas ng tibok ng puso nya, siguro dahil sa kaba at takot dahil sa palaka. Ohh dahil kay EDWARD
Hinabol sya nito. "Joke lang" anya nito.Masaya silang nag picnic sa ILOG, parang ang tagal na nilang kilala ang isat isa. Well sila oo pero si EDWARD na halos isang lingo lang nilang nakasama ay parang matagal na nila kakilala, masaya din itong kasama, mahilig mag patawa, mabait at gentleman.. Halos lahat ng katangian ng isang lalaki na gusto nya ay na kay EDWARD na. Masaya silang nagtatawanan ng mag ring ang cellphone ni EDWARD agad nya ito kinuha at sinagot.
"Hello" anya nito sa kabilang linya.
"Hi EDWARD where are you, nandito na ako sa bahay.??? Saad ng nasa kabilang linya.
"Really"?? tanong nito na di makapaniwala halata sa mukha nito ang saya. Agad na nito binaba ang cellphone.
"Guys I have to go" pagpapaalam nito.
"Aalis kana bakit". Tanong ni maymay dito.
"Yes I need to go home, KISSES is waiting for me". Sagot nito sa kanya.
Pagkasabi nun ay agad na ito umalis. Hindi nya alam, pero bigla syang nalungkot, sobrang espesyal nung KISSES nayun kay EDWARD makikita mo sa mga mata nito ang saya. At nasasaktan sya sa pakiramdam na yun hindi nya alam kung bakit, pero tila may nakaraan na nag uugnay sa kanila ni EDWARD. Kaya ganun nalang sya ka apektado.
Ipinag patuloy naman nilang magkakaibigan ang pag sasaya sa picnic. Napansin ni FENECH na parang nag iba ang mood nya kaya ng lapitan sya nito ay tinanung sya nito.
"Ok ka lang frend???" tanong nito sa kanya.
Nginitian lang nya ito.
"Selos ka nuh"???
"Bat naman ako mag seselos" naglihis sya ng tingin dito.
"Naku nakita ko na yung ganyang pag mumukha, two years ago".
Tiningnan nya ito ng masama
"SORRY" anya ni FENECH. Lalo tuloy sya nawala sa mood, ayaw na ayaw nya ibinabalik ang nakaraan, lalo na at hindi maganda.
"SORRY na," muling sabi nito
"Wag na kase nating ibalik pa ang nakaraan nayan pag PAST, PAST na". Sagot nya dito. May mga bagay talaga sa nakaraan na nakaraan na lang.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?