Pagdating ni EDWARD sa bahay nila, inabutan nya si MARCO. Nakatingin lang sya dito, pero walang emosyon makikita sa mukha. Gusto nya itong suntukin, pero may bahagi ng utak nya na nagsasabi, gusto nya itong pasalamatan,siguro marahil kung hindi nito iniwan si MARYDALE, hindi magiging sila. He likes MARCO para sa kapatid nya, alam nya mahal nito ang kapatid nya.
"EDWARD" tawag nito sa kanya.
Nilingon nya ito.
"I just want to say SORRY" anya nito.
"Tingin ko hindi ka dapat sakin humihingi ng sorry, mukang kay MARYDALE mo kailangan humingi ng tawad". Wika nya dito, at nag patuloy na sya sapag lakad.
Napaisip naman si MARCO sa sinabi ni EDWARD marahil panahon na para makapag usap sila ni MARYDALE... Panahon na para malinawan ang lahat.
Pumayag makipag kita si MARYDALE kay MARCO nang tawagan sya nito. Naghihintay sya sa loob ng restaurant ng makita nyang papalapit si MARCO. Pinapakiramdaman nya ang kanyang sarili, kung may nararamdaman pa nga ba sya kay MARCO. Bigla syang napangiti dito. Sigurado na sya ngayon na okay na sya. Nakangiti itong lumapit sa kanya.
"Hi" anya nito. Bumeso pa ito sa kanya.
"Hi din" ganting bati nya dito.
Matagal silang nag usap, seryoso sila pareho. Hindi naman madali kalimutan ang nakaraan nila, lalo pa at totoong minahal nya ito. Naiintindihan din naman nya na di nito kayang talikuran ang sariling pamilya, siguro marahil hindi lang talaga sila nilaan para sa isat isa.
"I hope na maging katulad ulit tayo ng dati" anya ni MARCO.
"Yan ang hindi ko maiipangako sayo MARCO, Ok na tayo, pero sana wag na tayo maging katulad ng dati." Sagot nya dito.
Nginitian lang sya nito. Atleast naayos na nila kung anu man ang mayroon sa kanila at para maging fair din sya kay EDWARD.
Si EDWARD na ngayon ang mahal nya, Si EDWARD na ngayon ang gusto nyang makasama, Si EDWARD na ang masasabi nyang THE ONE.
Hinatid sya ni MARCO pag katapos nilang kumain.. Bumaba sya sa kotse nito, agad din naman itong umalis pag ka baba nya. Napansin nya may nkahinto sasakyan sa tapat ng bahay nila. Alam nya kung kayninu sasakyan yon, Kotse yun ni EDWARD. Lumabas ito sa Kotse ng mapansin palapit na sya. Nginitian nya ito. Gumanti ito ng ngiti pero, kita sa mga mata nito ang lungkot, bagya kumunot ang noo nya.
"Babe", Tawag nya dito. Niyakap sya nito at hinalikan sa noo
"Na-Miss kita" anya nito sa kanya.
"What's wrong??, may sakit ka ba.? Tanong nito kay EDWARD.
"Wala, namiss ko lang ang JOWA ko". Sagot nito sa kanya.
Napangiti sya dito.
"Gusto mo pumasok sa loob" tanong nya dito.
"Hindi na, gusto lang kita makita. Aalis na din ako". –EDWARD
Kumunot ang noo nya, Ngumiti sya dito.
Hinalikan nya ito sa pisngi...
"Goodnight"anya ni MARYDALE.
"Goodnight din BABE", pasok ka na sa loob.
Hinintay nya muna makapasok si Marydale sa loob ng bahay bago sya umalis...
Kanina ng makita nya ito bumaba sa kotse ni MARCO. Nakaramdam sya ng selos, selos na may kasama takot... Natatakot sya na baka biglang balikan ni MARCO si MARYDALE. Natatakot sya na baka hindi lang sya ang masaktan. Na baka pati ang kapatid nya ay masaktan din.
Bahagya sya napailing, napadukdok sya sa manibela. At napa pikit. Hindi nya hahayaan mangyare yun, hindi nya hahayaan na masaktan sya. May tiwala sya kay MARYDALE may tiwala sya sa pagmamahal nito.
Naglalakad sa pathway si MARYDALE ng gulatin sya ni LUIS.
"Bat parang nag lalakad ka sa buwan"?? tanong nito sa kanya.
Hayyyy napabuntong hininga sya, "Nag- aalala ako kay EDWARD"
Halata sa mukha nya, ang pag aalala dito.
"Bakit anung nangyare sa kanya.'?? Muling tanong nito.
"I know somethings wrong, pero ayaw nya sabihin.. he said he's fine pero di ako naniniwala."
"Hayaan mo na lang muna sya, sasabihin din nya sayo yun, baka ayaw lang nya mag alala ka". -LUIS
"Tingin mo"???
Tumango ito.
Hinagod nito ang ulo nya, parang KUYA na ang turing nya kay LUIS.
Nakaupo sya sa bench ng mapadaan sila FENECH kasama si CHRISTIAN.
"ATE MAY, bat nandito ka". Tanong nito sa kanya.
"Hinihintay ko si EDWARD kanina ko pa sya tinatawagan pero di sya sumasagot."
"Baka mag kasama sila ni YONG" –Christian..
Ilang beses parin nya ito tinawagan pero hindi parin ito sumasagot..
"Anu ba EDWARD sumagot ka naman"....anya nya sa sarili..
"FINALLY sumagot ka rin, kanina pa kita tinatawagan." Bungad agad nya dito ng sagutin nito ang telepono.
"Bakit??" maikli tugon ni EDWARD.
Napakunot ang noo ni MARYDALE tila nararamdaman nya wala ito sa mood.
"May problema ba"?? tanong nya dito.
"Nothing," –EDWARD.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng muli mag salita si EDWARD.
"I have to go, tatawagan na lang kita mamaya". Saad nya dito. Hindi na nya hinintay na makapag salita si MARY DALE agad na nya pinindot ang end botton ng telepono.. Hindi sya pumasok ng araw na yon, wala sa mood ang katawan nya, gusto lang nya ay manatili sa bahay.
Hindi nya alam kung bakit ganuon ang pakikitungo nya kay MARY DALE, gayong alam nya wala ito kasalanan kung may nararamdaman man syang takot.. Takot na baka mawala ito sa kanya, takot na baka masaktan lang din nya ito. Ayaw nya maging dahilan ng pag iyak nito. Pero bakit parang kahit anu gawin nya bakit parang tila sa huli masasaktan at masasaktan lang din nya ito..
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?