CHAPTER 13

601 40 16
                                    



Araw ng sabado, tinatamad pa syang bumangon at dahil wala naman silang pasok mas pinili na lang nyang matulog, yung tutuo antok na antok pa sya. Napuyat sya kakaisip kay EDWARD kagabi.. Kagabi nangyare ang first date nila. Ang romantic, kahit hindi yun ang first time nyang makipag date pakiramdam nya yun ang pinaka da best date ever.

Nakapikit nyang kinapa ang phone nya sa mesa katabi ng kama nya. "sino naman kaya itong nag text, ang aga pa eh" anya nya sa sarili.

Nakapikit pa ang isa nyang mata ng tingnan kung sino ang nag text.

"Goodmorning BABE, Kaen ka na.. susunduin kita mamaya.. –EDWARD"

Tila nawala ang antok nya sa nabasa, Si EDWARD nag text sa kanya, my god parang hindi pa ito tapos na pakiligin sya. Binasa nya ulit ang msg. nito na baka nag kamali lang sya ng basa. Bat sya nito susunduin san naman sila pupunta.

Nireplayan nya ito pero "???" lang.. mabilis nyang kinuha ang cellphone na ibinaba nya sa kama ng tumunog ito.

"See you later BABE".. reply nito sa kanya.

Napailing na lang sya, ang galing talaga nito mag pakilig.

Nakangiti naman si EDWARD habang hawak nya ang phone nya. Balak nyang ipakilala si MARYDALE kay KISSES dahil dadating ito ngayon.. Kagabi pagkatapos ng DATE nila, napag isip nya na sabihin na kay MARYDALE na gusto nya rin ito. Ayaw nyang tumulad kay MARCO na sinayang ang pagkakataon. Gusto na nyang aminin kay MARYDALE ang tunay nyang nararamdaman.

(Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
'di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig na kaya ito
(Pag-ibig na kaya ito)

Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan.)

Isang kotse ang huminto sa tapat ng bahay nila MARYDALE at lumabas si EDWARD sa sasakyan, mula sa bintana ng kwarto nya kita nya ang kagwapuhan nito. Naka shades pa ito ng lumabas sa kotse, simpleng polo shirt na maroon at white short na tinernuhan ng rubber shoes. WOW as in WOW sobrang gwapo nito.. inayos na nya ang kanyang sarili. Nagsuot sya ng bestida at nilagyan ng ipit ang kanyang buhok. Simple lang syang manamit pero pak na pak, maya maya pa tinawag na sya ng LOLA nya. Kilala nito si EDWARD dahil minsan na itong pumunta sa kanila at madalas sya nito hinahatid.

"MAYMAY nandito na bisita mo" anya nito sa kanya.

"Opo LA pababa na"sagot nya dito.
Mula sa hagdan, kita na nya si EDWARD na nakaupo sa sala. Nakangiti ito sa kanya.. Feel na feel nya ang pag baba nya sa hagdan ng magsalita ang KUYA VINCENT nya.

"MARYDALE, umuwe ng maaga ha, maaga hindi madaling araw" anya ng KUYA nya pero kay EDWARD nakatingin. Halata sa mukha ni EDWARD na kinabahan, natakot yata sa kuya nya.

"YES KUYA". Sagot nya dito.

Pinagbuksan sya nito ng KOTSE. Pagkapasok nila sa kotse tinanung nya ito.

"San tayo pupunta??" tanong nya dito.

"Sa BAHAY" sagot nito pero hindi sya tiningnan.

Napalingon sya dito, OH MY GOD bat sila pupunta sa bahay nila EDWARD, bigla syang nakaramdam ng kaba, mukang nahalata yata ni EDWARD na kinabahan sya kaya hinawakan nito ang kamay nya.

"Relax nandito lang ako"... anya nito sabay hawak sa kamay nya. Napangiti na lang sya sa tinuran nito.

Ilang sandali pa ay narating na nila nag bahay nito. Pag pasok pa lang sa gate ay mamamangha na sya sa ganda nito. Halata na mayaman talaga ang may ari. Pinagbuksan sya nito ng pinto at inalalayan makababa sa kotse.

Pagpasok nila sa loob ng bahay ay mas lalo syang namangha. Kung maganda ito sa labas mas maganda ito sa loob. Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila.

'"HI grandma, where are you going?? Tanong ni EDWARD dito.

"Sa kabilang village lang hijo, nandun ang mga amiga ko" sagot nito

"Ahmm by the way, this is MARYDALE" pagpapakilala nito sakanya.

"MARYDALE si grandma"baling nito sa kanya.

"Hi MARYDALE, buti at naka pasyal ka sa bahay" wika nito na nakipag beso beso pa.

"Ay Kamusta po, maraming salamat po sa pagpapatuloy" sagot nya dito.

"Enjoy the food, nagpahanda ako ng dinner, anyway kailangan ko ng umalis hinihintay na nila ako" pagpapa alam nito.

"Bye grandma, take care" si EDWARD ang nag salita.

Umalis na ito at sumakay sa kotse.

Isang tinig ng babae ang nag palingon sa kanya, mula sa hagdan mabilis itong bumaba.

"Oh my god finally, nagkita rin tayo" nagulat sya ng bigla sya nitong yakapin. Hinalikan pa sya nito sa pisngi.

"By the way I'm KRISTINE, palagi ka sakin kinukwento ni EDWARD" anya nito na nag baling ng tingin kay EDWARD. Nakita nyang nilakihan ito ng mata ni EDWARD.

"EDWARD is right, you're so BEAUTIFUL" dagdag pa nito.

"KISSES enough" anya ni EDWARD.

Inirapan ito ni KRISTINE.

"I know you're hungry, c'mon lets eat" yaya nito sa kanya hinawakan pa nito ang braso nya.

Nakakatuwa ang kapatid na ito ni EDWARD, masayahin at mabait.

"Ate MAY, sana palagi kang bumisita dito pag nandito ako". Anya nito ng makaupo na sila sa dining area.

"Sure, walang problema dun, kung gusto mo, pag may time ka ipapasyal kita sa lugar namin" wika nyang naka ngiti.

"Really??? Gusto ko yan"..anya nito sa masayang tinig.

Natutuwa naman si EDWARD na naging magkasundo ang kapatid nya at si MARYDALE. Pagkatapos nilang kumaen niyaya nya ito sa garden. Nakipag kwentuhan pa si KRISTINE dito.

"Ahmm ate MAY pasok muna ko sa kwarto, kanina pa masama ang tingin sakin ng kapatid ko gusto ka yata masolo.. hehe anya nito sabay tingin kay EDWARD.

Nginitian lang nya ito.

"Next time yung promise mo na mamamasyal ahhh" dagdag pa nito na parang bata.

"Sure no problem" sagot nya dito.

Pagka alis ni KRISTINE tinabihan nya si MARYDALE.

"Pasensya ka na sa kapatid ko, medyo makulit at saka madaldal"... wika ni EDWARD.

"OK lang nakakatuwa nga sya eh" sagot nya dito, pero hindi nya ito tiningnan, biglang lumakas ang tibok ng puso nya.

"Ahmm MARYDALE I have something to tell you". Seryoso si EDWARD sa pagkakasabi nun. Tiningnan nya si EDWARD nakatitig ito sa kanya.

"MARYDALE, can you be my girlfriend"????? tanong nito. Tila nagulantang sya sa tanong ni EDWARD hindi nya ito inaasahan, siguro meron bahagi ng puso nya ang umaasa, pero hindi nya akalain na ito na yung araw na pinaka hihintay nya, hindi nya akalain na tatanungin sya nito agad. Napangiti sya dito. Tila huminto ang oras at ang tanging naririnig nya ay ang malakas na tibok ng puso nya at puso nito.

MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon