Chapter 4

810 34 1
                                    

Naglalakad si MAYMAY papunta kila FENECH ng magulat sya sapag pitpit ng kotse.

"Ay Pusa"anya nya na halatang nagulat. Huminto ang kotse at bumaba ang isang Lalaki.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya" pag hingi nito ng paumanhin. Matagal nyang tinitigan ang lalaki, ito yung lalaki sa simbahan.

"Miss" anya nito ng mapansin na natulala sya.

"Ok lang" maikling sagot nya.

"ahmm alam mo ba kung saan ang daan papunta sa ilog???" Nanatili syang nakatingin dito, bahagya itong ngumiti ng mapansin nakatulala na naman sya.

"Miss I'm asking you??" pag uulit nito.

"ahhh sorry, pagdating mo sa kanto, kanan tas diretso lang tas may makikita kang sign board" pagpapaliwanag dito.

"I hope you don't mind pero pwede mob a ko samahan?," bahagya syang nagulat sa sinabi nito. Para syang na hipnotise sa mga ngiti nito at bigla nalang syang tumango. Pinag buksan sya nito ng pinto ng kotse. Tila wala parin sya sa sarili, iniisip nya bakit ang bilis nya sumama dito. Nang mapag tanto nya ay malapit na sila sa ilog, kinapa nya ang dala nyang bag, naghahanap sya kung ano ang pwede nyang ipang laban dito kung sakali mang gagawan sya ng masama. Sa kasamaang palad wala laman ang bag nya kundi panyo at cellphone. Halata sa mukha nya ang pag aalala, kinuha nya ang cellphone at tinext si FENECH pero naalala nya wala syang load. Napansin naman ni EDWARD na parang di mapakali ang babaeng kasama nya.

"Are you ok"?? tanong nya dito.

Hindi sya sumagot pero halata sa mukha nya ang takot.

"Don't worry Miss wala akong gagawin masama sayo," anya nito ng nakangiti. Hindi sya sumagot, tinitigan lang nya ang gwapo nitong mukha.

Narating na nila ang ILOG agad itong bumaba sa KOTSE at parang bata na tuwang tuwa. Hinubad nito ang suot na sapatos at tila bata na lumusong sa ilog. Nakangiti lang syang pinag mamasdan ito.

"Come here, "yaya nito sa kanya. Ngunit umiling sya. Naupo sya sa malaking bato na naroon, at pinag masdan lang ito.

Ilang sandali pa ay umahon na ito at bitbit ang sapatos na tinungo ang kinauupuan nya.

"This place is very beautiful, peaceful, sariwang sariwa ang hangin, ang linis ng tubig, ang swerte nyo dahil may ganitong kagandang lugar sa bayan nyo". Anya ni EDWARD halata sa mukha nito ang saya.

"Tama ka, kaya naman pag may problema ako dito lang ako pumupunta, kami ng mga kaibigan ko" wika nya sabay tingin dito, hindi nya alam na nakatingin na pala ito sa kanya kaya naman nag tama ang paningin nila. Nakangiti ito sa kanya.

"By the way kanina pa kita kasama, pero I don't know your name. Im EDWARD" anya nito na nilahad ang kamay.

"I'm MAYMAY" sagot naman nya dito, na tinanggap ang kamay, may kung ano syang naramdaman ng maglapat ang kanilang kamay, tila na kuryente sya kaya naman agad syang nag bawi.

"Ahmm ngayon lang kita nakita sa lugar namin, Turista ka ba??? Tanong nya dito.

"Sana for vacation lang, but I"ll stay here and hindi ko alam kung gaano katagal" tila nalungkot ito.

"Sana magustuhan mo dito samin" anya nya dito ng nakangiti.

"Sana, but I'm happy that I have a friend here" wika nito na tumingin sa kanya.

Nagtagal pa sila sa ilog hanggang mag hapon, nag kwentuhan lang sila, tila walang katapusang kwentuhan. Kakakilala palang nya dito pero tila gumaan agad ang loob nya dito, may kung anung meron sa lalaki na 'to na hindi nya maipaliwanag.

"I hope someday makapunta din dito si KISSES for sure magugustuhan nya dito".. halata nya ang lungkot nito. Naisip nya siguro ito yung babaeng kasama nya sa simbahan, at yung kayakap nito sa plaza. Bigla nya naalala na may usapan sila ni FENECH.

"OH my GOD" anya nya na napahawak sa noo.

"Kailangan ko ng umuwi' dagdag nya dito.

"Ngayon na"?? tanong nito na nadismaya.

"OO" sagot nya dito.

Hinatid sya nito hanggang sa bahay nila.

"Thank you for your time." Anya nito sa kanya. Nginitian lang nya ito at agad na bumaba sa kotse.

Nakita nyang nasa labas ng gate nila si FENECH at masama ang tingin nito sa kanya, paktay na sya, lagot sya dito.

"So may paghatid, close na agad"? anya nito na nkahalukipkip ang dalawang kamay.

Nginitian nya ito, mukhang kailangan nyang magpaliwanag ng bonggang bongga sa kaibigan.

"Nag pasama kase sya sa 'kin sa may ilog, tas di ko namalayan ang oras, nakalimutan ko na magkikita pala tayo." Pagpapaliwanag nya dito.

"Wow nakalimutan, eh nung tinawagan kita papunta ka na samin diba."???

"Oo kaya lang nakasabay ko sya sa daan at saka"... nahinto sya sa pagsasalita ng mapansin todo depensa sya, teka bakit ba sya nag papaliwanag dito..

"Teka nga muna, at bakit ba ko nag papaliwanag sayo ng bonggang bongga" tanong nya na nakasimangot.

"Aba malay ko sayo." anya nito. Na nag peace sign, napailing na lang sya dito..


MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon