Malakas parin ang buhos ng ulan, tila walang balak huminto. Nag cocomputer si Marydale sa kwarto nya ng bigla nawalan ng ilaw. Nag dilim ang paligid kasabay nun ay ang malakas na kulog namay kasama kidlat. Dalawa bagay na kinakatakutan nya ang dilim at kulog na may kasama kidlat. Napasigaw sya sa takot at napapikit. Kasabay nun, naramdaman nya ang kamay na humila sa braso nya at tumama ang katawan nya sa dibdib nito. Nakayakap ito ng mahigpit sa kanya.
"Its ok, im here"..bulong nito sa kanya.
Sa takot tuluyan na syang napaiyak. Hinimas pa nito ang buhok nya.. Kahit hindi nya nakikita ang mukha nito, alam nya kung sino yun. Si EDWARD ang yumakap sa kanya. Kilala ng puso nya ito. Bahagya lumuwag ang pag kakayakap nito sa kanya. Sinindihan nito ang dala lampara at ipinatong sa lamesa.
"Are you ok.? Tanong nito. Kita nya ang mapupungay nito mata. Dahil tumatama ang liwag ng lampara sa mukha nito. Tango lang ang itinugon nya dito.. Nanginginig pa ang kamay nya sa takot. Bata palang sya takot na sya sa kulog at kidlat nadala nya yun hanggang sa pag tanda. Pinahid nito ang luha nya sa pisngi..
"Iwanan ko na yung ilaw dito para di ka matakot, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka". Anya nito sa kanya.. Lalabas na sana ito ng Hawakan nya ang damit nito at hilahin, na tila bata na ayaw maiwan mag isa. Wala sya sinabi tiningnan lang nya ito. Tila nakuha naman ni EDWARD ang gusto nya sabihin. Hindi nya alam kung bakit nya ginawa iyon, pero pakiramdam nya ligtas sya pag kasama nya ito. Pakiramdam nya napapawi lahat ng takot nya pag katabi nya ito. Hindi nya alam kung saan nagmumula ang pakiramdam nya na 'yon. Ang alam lang nya gusto nya ito makasama. Ni isa sa kanila walang kumikibo.. Tila pinapakiramdaman ang isat isa.
"Matulog kana, babantayan kita." Anya ni EDWARD. Tiningnan lang nya si EDWARD.
"Siguro mas mabuti kung makakatulog na ko".. anya nya sa isip. Saka lang nya narealize kung anu ang ginawa nya, anu pumasok sa isip nya at ginawa nya yun, baka mag isip ito ng kung anu.Agad na sya humiga sa kama nya samantalang si EDWARD naman ay naiwan nakaupo. Malapit sa kama nya. Para syang bata na binabantayan.
Matagal pinag masdan ni EDWARD si MaryDale. Mukang mahimbing na ang tulog nito. Bahagya nya hinaplos ang mukha nito.. Ngayon nya mas naramdaman na miss na miss na pala nya ito. Nung una nya ito Makita, gusto nya ito yakapin, halikan. Iparamdam na nandito na ulit sya, na hindi na mangyayare ang nakaraan. Pero malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Kaya gumagawa sya ng paraan para mapansin nito, yun nga lang iba paraan ang ginagamit nya ang pahirapan ito. Hinalikan nya ito sa noo. Ito parin ang MaryDale na minahal nya, ang MaryDale na mamahalin nya. Inaantok na talaga sya, balak na nya bumalik sa kwarto nya,pero hanggang ngayon wala paring kuryente, ayaw nya iwanan si MaryDale. Kaya naman inilipat nya ang lampara sa tabi ng kama nito at nag desisyon dun na rin matulog. Siguro naman magigising sya bago pa ito magising at di na nito mamamalayan na tinabihan nya ito.
Nagising si MaryDale. Bahagya sya naalinpungatan. Kinusot nya ang mata, ng tila parang may nakatabi sa kanya. Tinitigan nya ito mabuti si EDWARD ito. Bahagya sya ngumiti. Hinaplos nya ang matangos nitong ilong. Ang gwapo parin nito kahit natutulog. "I can't imagine na mangyayare 'to" anya nya sa isip.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan nung iniwan mo ko ng walang pasabi, pero masaya ako kase bumalik ka, hindi ko man alam kung ako ba ang dahilan ng pag babalik mo o may iba na dyan sa puso mo"...anya nya dito. Hinalikan nya ito sa lips. Oo sa lips nya ito hinalikan, hindi naman nito malalaman yun eh dahil tulog ito. Yun ang akala nya na tulog si EDWARD naramdaman nya ang kamay nito na yumakap sa bewang nya. Naramdaman din nya ang labi nito na tumutugon sa halik nya. Wala sya magawa dahil mahigpit ang pagkakayakap nito sa bewang nya. Hindi sapat ang lakas nya para kumawala dito. Hanggang sa naramdaman na nya na unti unti syang gumaganti ng halik. Nadala na sya sa sensasyong hatid nito.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?