Nag eenjoy sya sa company ni LUIS nitong mga huling araw lagi silang magkasama, at dahil wala ito ganu kakilala sa school nila, naisipan nya itong itour. Bagamat hindi sila mag kaklase, dahil mag kaiba sila ng Course, ipinakilala nya ito sa mga kaibigan. Tutuong masaya sya pag kasama si LUIS, pero hindi nya maiitanggi na namimis nya si EDWARD, ni minsan hindi na nya ito kinausap. Sa pag iwas nya lalo lang tumitindi ang pag mamahal nya dito. Oo kaya nya itong iwasan pero hindi nya kayang iwasan ang nararamdaman nya para dito. Habang tumatagal lalo lang nya itong nagugustuhan.
Tila malalim naman ang iniisip ni EDWARD hindi sya pumasok ngayon, nagpunta sya sa ILOG para makapag isip, Araw araw nyang nakikita si MARYDALE na masaya kasama si LUIS at nasasaktan sya. Nasasaktan sya makita itong masaya sa iba. Nakaupo sya sa malaking bato, kailangan nya kausapin si MARYDALE ng masinsinan bago sya bumalik ng manila. Napag pasyahan na nyang bumalik na lang ng manila. Kesa mahirapan at masaktan lang sya. May napansin syang babaeng papalapit, at kahit malayo pa ito alam na nya kung sino. Si MARYDALE, agad sya kumubli sa malaking bato, alam nyang iniiwasan sya nito kaya ayaw mu na nyang magpakita, baka pag nakita sya nito ay hindi na ito tumuloy, kahit sandali lang gusto nya ito pag masdan.
Umupo si MARYDALE sa gilid ng ilog, malinaw ang tubig nun kaya naman kita nya ang repleksyon nya sa tubig. Para syang baliw na kinakausap ang sarili.
"HOY ikaw MARYDALE, talaga bang ipinanganak kang tanga, diyos ko naman mag kakagusto ka lang dun pa sa may jowa" anya nya sa sarili na tila sasagot ang kausap.
"Naging tanga ka na nuon, bakit kailangan mo ulit ulitin, hindi porket libre eh aaraw arawin muna" dagdag pa nya. "Marami naman dyang iba bakit dun pa, bakit dun ka pa nag ka gusto, bakit????? Tanong nya sa sarili at nilakihan pa ng mata ang repleksyon sa tubig.
Sa isang banda, nagtataka nman si EDWARD, marahil ang tinutukoy nito ay si LUIS dahil ito ang lagi nitong kasama.
"Bakit MARYDALE ENTRATA?????? BAKIT kay EDWARD pa, BAKIT sa KANYA ka pa nag kagusto, napaka dami na ngang tanga sa mundo dumagdag ka pa".. anya nya na binitawan ang batong hawak dahilan para lumabo ang tubig...
Nagulat si EDWARD sa narinig nya tama ba ang narinig nya, binanggit nito ang pangalan nya, SYA ang gusto ni MARYDALE. Dahan dahan syang lumapit dito.
Nang muling luminaw ang tubig nakita nya ang lalaking nakatayo sa tabi nya, tiningnan nyang mabuti ang repleksyon nito sa tubig, tila ayaw nyang maniwala na si EDWARD ang katabi nya. Nag angat sya ng ulo naka ngiti ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito??? Kanina ka pa ba dyan???" tanong nya dito.
Tumango lang ito, at ngumiti.
Tatayo sana sya ng muntik na syang ma OUT BALANCE buti na lang at nahawakan sya ni EDWARD kung hindi ay sigurado syang mahuhulog sya sa ILOG. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya. Naaamoy na nya ang mabangong hininga nito, halos hindi na sya humihinga, bahagya nitong inilapit ang bibig sa tenga nya.
"Narinig ko ang lahat" anya nito sa kanya kahit mahina ay rinig na rinig nya dahil sa lapit nito sa kanya. Bahagya nya itong tinulak. Naglihis sya ng tingin.
"Gusto mo ko???" tanong nito sa kanya.
Akala ba nya narinig nito lahat, bakit tinatanung pa sya nito. Tiningnan nya ito, nakangiti parin ito sa kanya.
"Narinig mo naman lahat di ba, kailangan paulit ulit" anya nya dito. Nakangiti parin ito sa kanya.
Bahala na si BATMAN oi, alam na nito na may gusto sya dito.
"Oo gusto kita, Iniiwasan kita hanggat kaya ko pa, Kase alam ko naman imposible na magustuhan mo rin ako, may girlfriend ka na di ba.." Lahat ng lakas ng loob kinuha na nya para sabihin dito ang nararamdaman nya. Total alam naman na nito kaya wala syang choice.
"GIRLFRIEND"????? anya ni EDWARD na nagtataka.
"OO GIRLFRIEND, Yung babaeng kasama mo sa simbahan, Yung babaeng kayakap mo sa plaza, Yung babaeng tumawag sayo kaya agad ka umalis sa picnic. Yung GIRLFRIEND mo" saad nya dito.
Bahagya napangiti si EDWARD.
"You mean KRISTINE,????? MY SISTER"nakangiting wika ni EDWARD.
"OO nga yung GIRL-------------------------" di na nya natuloy ang sasabihin ng mag sink in sa utak nya ang sinabi nito.
"SISTER" anya nya sa kanyang isip, napakunot ang noo nya. Napatingin sya dito. Nakangiti lang ito sa kanya.
Napaktay na, nung mga oras na un gusto nya tumalon sa ILOG o kaya ay bigla na lang maglaho dahil sa hiya na nararamdaman.
Lahat ng lakas ng loob nya nawala, at napalitan ng hiya, tila wala na syang mukhang ihaharap dito. Sa isang banda nakaramdam sya ng tuwa. At least my chance kahit medjo maaga pa tila may isang bahagi ng puso nya ang umaasa.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?