Napansin naman ni MAYMAY na nakatingin sa kanya ang lalaki, nagbaling sya ng tingin. At itinuon ang pansin sa iba.
"Ang ganda nun ohh" turo ni FENECH sa bag na gawa sa abaka.
"FENECH bilin mo na ang bibilin mo, at baka gabihin tayo sa daan". Anya nya dito.
"Magtitingin lang kami ni YONG sa banda dun ahhh, dito na lang tayo magkita kita" saad ni CHRISTIAN.
"OK ingat" anya naman ni FENECH.
Naglibot na sila ni FENECH, nagpunta sila sa ibat ibang tindahan, marami talagang ipagmamalaki ang bayan nila. Mula sa magagandang tanawin pati na rin sa mga produkto na mismong mga nakatira dito ang gumawa. Simula sa mga pangdisplay sa bahay hanggang sa souvenir at mga delicacies talagang maipag mamalaki ang bayan nila..
"How much is this??" tanong ng babaeng katabi nya. Paglingon nya ay nag tama ang paningin nila ng lalaki sa simbahan.
"100 pesos po" sagot ng tindera.
"EDWARD, gusto ko nito, its so cute".. anya ng babae dito. Naglabas ng wallet si EDWARD at binayaran ang hawak ni KRISTINE na keychain. Nakatingin parin ito sa kanya, habang papalayo ang mga ito.
"Teka di ba yun yung cute sa simbahan kanina, sinusundan ba nya ko"...nagulat sya ng biglang magsalita si FENECH.
"Wag kang masyadong ambisyosa, nakita mo na nga kasama yung GIRLFRIEND eh" anya nya kay FENECH.
Sinimangutan sya ni FENECH, bakit parang may pag ka bitter ka sa pagkakasabi mo ng "girlfriend"??? tanong nito sa kanya.
"Hala sya oi, grabe bai, san nanggaling yun"... pag mamaang maangan nya.
"Diyan ohhh sa butas ng ilong mo",pag aasar pa nito.
"Di ko nga yun kilala eh" wika nya na inilihis ang tingin.
"Bakit kailangan ba kilala mo bago ka mag ka gusto"??tanong nito sa kanya.
"OO dapat kilala mo muna". Sagot nya dito.
"OH eh di tara magpakilala tayo," pinigilan nya si FENECH ng makita nyang susundan ang lalaki.
"Huy FENECH tumigil ka nga nakakahiya ka na, mamaya marinig tayo nyan eh"... pagbabawal nya dito
"Sus anu naman kung marinig tayo, eh gusto mo lang namn na mag pakilala,....MAYMAY".. tawag nito sa kanya ng mapansin naglalakad na sya palayo dito.
Pagkatapos nilang bilhin ang kailangan ni FENECH ay kumain muna sila at napag pasyahan umuwi.. malapit na din mag gabi, mahirap ng gabihin sa daan. At baka mapagalitan sya ng LOLA LUDY nya.
Hinatid sya ng mga ito sa harap ng bahay nila, simple lang ang bahay nila. May gate na kawayan ang harap. Ang bahay naman nila FENECH ay malayo lang ng 3 bahay ang pagitan. Sa kanilang 4 si CHRISTIAN ang medyo nakaka angat sa buhay. May sariling business ang pamilya nito, at sa kanila rin ang tricycle kaya naman pag kailangan nila ng sasakyan ay may magagamit sila.
Isang lingo bago ang pasukan, Sinulit nilang magkakaibigan ang bakasyon. Nagpunta sila sa tabing ilog at nag picnic, naligo rin sila sa dagat. Talaga namang walang mapaglagyan ang kasiyahan nya kapag kasama ang mga kaibigan nya.
"Malapit ng magsimula ang klase".. pagsisimula ni FENECH.
"Kaya dapat sulitin na natin ito" mabilis namang wika ni YONG.
"Bukas sa may burol naman tayo pumunta" anya ni CHRISTIAN.
"Hala sila oi, ipapaalala ko lang nuh, mag kakaklase parin po tayo, araw araw parin tayong magkikita" napa kamot sya ng ulo sa tinuran ng mga kaibigan, parang isang taon silang hindi magkikita. Nagkatinginan silang apat at nag tawanan.
Kung may "relationship goals" may "friendship goals" at yun ay yung samahan nilang apat. Walang pwedeng umapi isa man sa kanila dahil sigurado reresbakan nila. Marami na silang pinag daanan at marami narin silang pinag samahan, sa hirap man o ginhawa, sa saya man o lungkot. Lagi silang nanjan para sa isat isa.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanficKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?