CHAPTER 17

762 37 17
                                    


"Oh bakit parang ang lungkot mo"

"Ay PUSA" anya nya ng magulat ng bigla na lang mag salita si LUIS, hindi nya napansin ang pag lapit nito.

"Anong problema don't tell me may LQ kayo ng jowa mo???" dugtong nito.

"Wala nuh" maikling sagot nya.

"Wala eh bat ganyan kahaba ang nguso mo"... anya pa nito.

"Si MARCO kase".....

"Teka si EDWARD ang jowa mo, pero si MARCO ang pinoproblema mo???, wait ahhhhh masyado mahaba ang buhok mo"... pabirong wika ni LUIS.

Nagbuntung hininga muna sya bago sumagot.

"Bumalik na sya".. maikli nya sagot.

Tila nagulat si LUIS sa narinig.

"Teka bumalik na ang EX BOYFREND mo????, so PAST versus PRESENT parang ganun???" nagtatakang tanong nito.

"Hindi, hindi ganun, walang ganun.. walang PAST, PRESENT.. May iba na syang girlfriend ngayon." Halata sa tinig nya ang lungkot.

"Oh may iba na pala, eh bakit parang apektado ka parin"...

"Hindi ako apektado" pag mamaang maangan nya.

"Talaga ba.???" Tila ayaw nitong maniwala sa sagot nya.

"Kaunti siguro". Mahina sagot nya.

"Kaunti na lang ang kulang ganun..hehe" napangiti pa si LUIS na nakatingin sa kanya.

"Alam mo MARYDALE, kahit paulit ulit mo sabihin na nakalimutan mo na sya, naniniwala ako na nandyan parin sya sa puso mo, kaya kahit anong gawin nya maapektuha at maapektuhan ka parin, hindi dahil sa mahal mo pa sya o may nararamdaman ka pa, kundi dahil, naging parte sya ng buhay mo. Bagay na hindi mo pwedeng kalimutan." Nasa tono ni LUIS ang pag aalala sa kaibigan.

"I know kaya mo yan, wag ka masyado mag padala sa nararamdaman mo, at sana wag ka ring maging unfair kay EDWARD"... dagdag pa nito.

Napatingin sya dito.. Tama si LUIS hindi sya dapat magpadala sa nakaraan, Ayaw din nyang maging unfair kay EDWARD. Mahal nya si EDWARD walang question dun.. nadadala lang sya ng nakaraan..

"salamat kase lagi kang nandyan" baling nya dito.

"Sus anung salamat may bayad yun nuh, libre mo ko sa canteen." Nakangiting wika ni LUIS.

"Sige ba, basta yung mura lang ah..hahaha" anya nya dito. Sabay na nila tinungo ang canteen.

"HI BABE"... bungad ni MARYDALE kay EDWARD pagkasagot nito ng phone.

"Ahm busy ka???" tanong nya dito.

"Hindi naman, bakit namiss mo na ako".. nakangiting sagot ni EDWARD.

Hindi sumagot si MARYDALE, pero napangiti sya sa tinuran nito.

"Ahm, daan ka sa bahay mamaya."wika nya dito.

"Sige, namiss mona talaga ko" nakangiting anya ni EDWARD.

"OO na po, na miss na kita, I LOVE YOU BABE". Wika ni MARYDALE.

"I LOVE YOU BABE". Sagot ni EDWARD pagkatapos nun, binaba na nya ang phone.

Tapos na mag prepare ng dinner si MARYDALE, gusto nyang ipagluto si EDWARD, gusto nyang bumawi dito.. Ilang sandali pa ay dumating na ito.

Hinalikan sya nito sa pisngi at inabot ang dalang bulaklak.

"Wow may paganito ka pa ahhhh." Anya nya sabay amoy sa mga bulaklak.

"Tara kain na tayo, nag handa ako ng food" dagdag nya dito.

"Wow ang sweet naman ng girlfriend ko" nakangiti si EDWARD kay MARYDALE.

Nagsimula na silang kumain. Nang mag tanong ito.

"Nasan sila LOLA LUDY"?? tanong nito

"Nandun sila kila TITA" sagot nya dito.

"So tayo dalawa lang dito" nakangiting wika ni EDWARD.

"Naku EDWARDO, wag mo ko ngitian ng ganyan." Pinipigil nya ang pagngiti.

Tiningnan nya ito, nakangiti parin ito sa kanya.

Pagkatapos nila kumain naupo sila sa may terrace. Nakasandig ang ulo nya sa balikat ni EDWARD.

"BABE, tungkol kay MARCO" pagsisimula ni EDWARD.

"Hindi mo kailangan sabihin sakin kung hindi ka pa ready napag usapan, pero sana dumating yung time na kaya muna pag usapan" dagdag pa nito. Napatingin sya dito.

"Sorry, sa naging reaksyon ko, nung nakaraang araw. Nabigla lang talaga ko, hindi ko akalain na mag kikita kami." Malungkot nya sagot.

"Si Marco, bahagi na lang sya ng nakaraan ko, nakaraan na ayoko ng balikan, nakaraan na kahit kailan hindi na mababago pa, pero pwede naman kalimutan". Dagdag pa nya dito.

Hinawakan ni EDWARD ang kamay nya. Hinalikan sya nito sa pisngi.

"Ikaw na ngayon ang MAHAL ko, Ikaw na ngayon ang gusto kong makasama." Saad pa ni MARYDALE. Thankful sya at nakilala nya si EDWARD.

"I love you BABE"anya ni EDWARD sa kanya.

Sabay nila tiningala ang kalangitan, punung puno ng bituin tila nakangiti ang mga ito sa kanila.

MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon