CHAPTER 11

575 34 3
                                    


Maagang nag handa para sapag pasok si EDWARD. Gusto nya sya ang mauna sa kanila. Pag karating nya sa school ay umupo sya malapit sa pathway. Ilang sandali pa, dumating na si MARYDALE kasama nito si FENECH.

"Goodmorning EDWARD" bati ni FENECH dito.

"Goodmorning din" ganting bati nito pero sa kanya nakatingin.

"MAY, mauna na kayo sa classroom, pupuntahan ko lang si Ma'am CORA" wika ni FENECH.

"Samahan na kita" anya nya dito, ayaw nya maiwan kasama si EDWARD.

"Hindi na, ako na lang" tanggi nito.

Pagkaalis ni FENECH, nagbaling sya ng tingin kay EDWARD nakatingin ito sa kanya.

"Tara na ma-late na tayo" yaya nya dito. Tumayo na ito at sinundan syang mag lakad. Magkasabay na sila ng tawagin sya ni LUIS.

"MARYDALE" tawag nito sa kanya.

"HI LUIS" bati nya dito.

Binati nito si EDWARD pero heto na naman ang mga tingin ni EDWARD na matatalim, kung nakakamatay lang ang tingin ni EDWARD kanina pa bumagsak si LUIS.

Lumapit si EDWARD kay LUIS tila may ibinulong hindi nya marinig dahil mahina iyon. Nakita na lang nya ngumiti ito.

"Let's go MARYDALE" yaya sa kanya ni EDWARD.

Paglingon nya kay LUIS kumaway na lang ito, na curious sya sa sinabi ni EDWARD kaya tinanong nya ito.

"Anong sinabi mo kay LUIS???? Tanong nya dito.

"Nothing" matipid na sagot nito. Hindi sya naniniwala sigurado sya may sinabi ito kay LUIS.

Nakangiting pinag mamasdan ni LUIS si MARYDALE at EDWARD habang papalayo, napailing na lang sya sa sinabi ni EDWARD. "DUDE, distansya" bulong nito sa kanya. Tila may pagbabanta ang tono nito.

"Ihahatid kita mamaya" anya ni EDWARD sa kanya. Napatingin sya dito.

"Kasabay ko si FENECH"

"May pupuntahan si FENECH, si CHRISTIAN at si YONG may practice, kaya sasabay ka sakin mamaya"... wika nito, pagtapat sa kanya ay bahagya pa nitong pinisil ang ilong nya. Pumasok na ito sa classroom at naiwan syang naka tayo sa harap ng room. Naninibago talaga sya kay EDWARD. Simula ng nalaman nito na gusto nya 'to ay nawiwirduhan na sya sa mga kilos nito.

Sa lunch break magkakasabay sila kumain sa canteen. Masaya silang nag kwentuhan ng mapadaan si LUIS.

"LUIS sabay ka na sa amin" yaya nya dito.

"Ok lang ba EDWARD???" tanong nito

Napatingin si MARYDALE kay EDWARD nagtataka sya bakit kailangan nito mag paalam pa kay EDWARD kung pwede.

"OO naman pwede" si MARIDALE ang sumagot.

"Yeah, sure" matipid na sagot ni EDWARD.

"Dito ka LUIS" yaya ni MARYDALE dito.

Tumingin muna ito kay EDWARD bago sumagot.

"Tabi na lang kami ni FENECH, ok lang ba FENECH???" tanong nito kay FENECH.

"Sure, ok lang gusto mo share pa tayo sa upuan eh" sagot naman ni FENECH

Ang kire talaga ng kaibigan nyang ito. Basta PAPA mabilis pa sa alas 4 ang sagot.

May na hahalata na sya kay LUIS ahhh, tila hindi na ito dumidikit sa kanya, samantalang dati lagi ito tumatabi sa kanya. Napatingin sya kay EDWARD, nakatingin ito sa kanya. May kakaiba talaga dito.

Pagkatapos ng klase nila hinatid sya ni EDWARD hanggang sa bahay.

"What's bothering you"??? tanong nito ng mapansin kanina pa sya tahimik.

"Nothing" maikling sagot nya dito. Kahit ang daming gumugulo sa isip nya. Bumaling sya dito at tinanong si EDWARD di talaga sya mapakali.

"Anong sinabi mo kay LUIS???"" tanong nya dito.

"Here we go again", anya nito. Kinuha nito ang headset at mabilis na sinuksok sa tenga nito. Wala syang oras para pag usapan si LUIS.

NApasimangot na lang si MARYDALE sa tinuran nito.Mukang wala itong balak sabihin sa kanya. Si Luis na lang ang tatanungin nya.

"Sige na, pumasok ka na, gabi na".. anya nito sa kanya.

"Goodnight BABE".. dagdag pa ni EDWARD..

"Babe, Babe ka dyan"....anya nya dito sabay irap.

"I know kinilig ka" pang aasar pa nito sa kanya.

"Hindi ako kinilig, Umuwe ka na nga"... pagtataboy nya dito, agad na syang tumalikod, kasabay ng pag talikod nya isang matamis na ngiti ang kumawala sa kanyang labi. Napahigpit ang hawak nya sa kanyang bag, sa sobrang pigil nya sa nararamdaman.

Pag pasok ni EDWARD sa kotse naka ngiti si Mang Tony ang driver nila.

"Sir kayo yata ang kinilig ehhh".. anya nito sa kanya.

Tiningnan lang nya ito.

"Ay sorry sir"... dagdag pa nito at pinaandar na ang sasakyan.

MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon