Prologue

118 6 0
                                    

"You're hired, miss Mallari." - mr. Carrasco.

Nanlaki ang mata ko dahil sa tuwa.

"Talaga po, sir? Waaa~ thank you! Thank you!" - tuwang-tuwang sabi ko sabay hawak pa sa kamay nya.

Natawa naman sya.

"But, please, promise me na kahit anong mangyari, don't leave the kids, okay? Wala kasi akong maiiwanan sa kanila kaya I'm so lucky that you applied." - sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Nako, sir, kailangan na kailangan ko rin po ng trabaho kaya kahit anong mangyari, kahit sobrang kukulit nila, hindi ko po sila susukuan!" - proud na sabi ko.

"Okay, then, let's sign this contract." - mr. Carrasco.

Masaya kong pinirmahan ang kontrata.

"Kailan po ba ako mag-i-start?" - tanong ko.

"Today." - sagot nya.

Napataas naman ang dalawa kong kilay.

"Nga-Ngayon? As in ngayon na po talaga?" - pag-ko-confirm ko.

Tumango-tango sya.

"Ipapahatid na kita sa bahay. Again, expect the P30,000 salary a month, okay?" - ulit nya.

"Yes, sir! Noted!" - sabi ko sabay salute pa sa kanya.

-----

"Ikaw na ba ang bagong kasambahay?" - tanong ng isang matanda na bumungad sakin.

"Opo, ma'am, ako na po." - sagot ko.

"Manang Josie na lang ang itawag mo sakin." - manang Josie.

"Sige po. Ako po pala si Nayah Mallari." - pakilala ko.

"Osige, Nayah, doon ang kwarto natin. Ilagay mo na ang mga gamit mo. Bilisan mo dahil ipapakilala ko pa sayo ang mga bata." - sabi nya.

"Okay po!" - sabi ko at nag-salute din sa kanya.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa dulong kama. Maya-maya lang din ay lumabas na ako.

Waaa~ ang laki talaga ng bahay ng mga Carrasco. No wonder kung bakit ganun na lang kalaki ang sahod ng mga kasambahay nila. Imagine, kasambahay lang iyon a! Pano pa kaya ang mas matataas na posisyon kaysa samin?

"O, halika na rito!" - tawag sakin ni manang Josie.

Pumunta ako sa sala kung saan naroon si manang.

Pagdating ko...

Kruuu... Kruuu... Kruuu...

O-kay? Bakit may mga lalaking nasa edad 17 years old na siguro dito? At! At!

Kusot ng mata...

Tingin sa kanila...

Ganun pa rin?!

Kusot ulit ng mata...

Tingin ulit sa kanila...

Bakit hindi nagbabago?!

Tumingin ako kay manang.

"Manang, duling po ba ako? Bakit po magkakamukha silang lima?" - tanong ko.

Tumawa naman si manang habang 'yung lima ay may sariling mundo.

"Hahaha! Ikaw talaga, hija. Identical twins ang limang batang ito. Sila ang mga anak ni mr. Carrasco." - paliwanag ni manang.

Nanlaki ang mata ko! Pero hindi dahil sa tuwa, kundi sa gulat!

"I-Identical twins? At anak? Akala ko po bata. P-Pero bakit po..." - ulit ko.

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon