NAYAH's POV
*Dingdong! Dingdong!*
"Nayah, pakibukas na nga 'yung gate." - manang Josie.
"Sige po." - ako.
Lumabas na ako para buksan ang gate.
Pagbukas ko...
"O, ikaw pala, Marvin." - sabi ko nung makita ko kung sino sya.
"Hello, haha! Nandyan ba 'yung lima?" - tanong nya.
"Oo, nasa loob. Pasok ka." - ako.
Pumasok na kami sa loob.
"Goodafternoon po, manang Josie." - bati nya kay manang.
"O, ikaw pala 'yan, hijo. Dinadalaw mo ang mga bata?" - tanong ni manang.
"A, opo, manang. Nasan po ba sila?" - Marvin.
"Hanapin mo na lang, kung saan-saan lang 'yan nagsususuot e. Hahaha." - manang.
Ngumiti lang siya kay manang.
Pumunta sya sa sala.
"Kids! I have something for you!" - sigaw ni Marvin pagdating namin sa sala.
Nilapag nya sa lamesita 'yung dalawang malaking paper bag na dala nya at nilabas ang nasa loob.
Maya-maya lang, umamoy naman 'yung mga pagkain na nilabas nya.
Awtomatikong napatakbo naman si sir Francis mula sa may garden papunta sa kung nasaan si Marvin.
"What's that smell?" - biglang tanong nya.
Napailing na lang ako.
Tss. Pagdating talaga sa pagkain ang bilis nya.
Bumalik na ako sa kusina para tumulong kay manang.
-----
MARVIN's POV
"Manang Josie, Nayah, tama na muna 'yan! Tara doon tayo sa sala." - sabi ko tapos hinila ko sila.
"Anong meron?" - tanong naman ni Nayah.
"Oo nga. Nandoon na ba ang lima?" - manang Josie.
"Basta~ At opo, nandoon na sila." - sagot ko.
Nandito na kami sa sala kung saan nandoon na rin ang lima.
"Yah! Hindi pa ba tayo kakain?" - iritang tanong ni Francis.
Natawa naman ako.
"Tss. Di makapaghintay e." - singit ni Nayah.
"Aysh! You---" - putol na sabi ni Francis.
"Hephep! Francis, Nayah, mark my words! Kung hindi kayo hihinto, sisiguraduhin ko na kayo ang magkakatuluyan. Ilang couples na ang nagkatuluyan because of my power! I'm mr. Cupid, you know?" - biro ko naman sa kanila para huminto sila.
Ayun! Nagsitahimik naman ang dalawa habang 'yung dalawa (Michael at Angelo) ay tumatawa, 'yung isa ay nakasimangot (John) at 'yung isa ay walang reaksyon (Peter).
"Hahaha. Osige na, tama na 'yan. Marvin, ano nga bang meron at bakit nagdala ka ng maraming pagkain dito?" - manang Josie.
"A, kasi po birthday ngayon ni Marlia, 7 years old na sya. Kaya tayong lahat ay magsusuot nito!" - sabi ko at nilabas ko ang party hut (?)
"Yah! I want that!" - masayang sabi ni Francis.
"Kailangan ba talaga 'yan?" - at nagsalita na nga si Peter.