NAYAH's POV
"ATE NAYAAAAAHHHH!!!" - masiglang salubong agad sa amin ni Marlia pagkakita pa lang nya samin sa gate.
Lumuhod naman ako para mapantayan sya.
"Angel!!! Na-miss kita!" - balik ko namang bati sa kanya sabay hawak sa magkabila nyang balikat.
"Aymityu din po!" - sabi nya ulit at ki-niss pa ako sa pisngi.
"Ang sweet mo talaga. Heto o, may pasalubong ako sayo."
Pinakita ko sa kanya ang mga chocolate at ice cream na dala ko.
"Waaa~ thank you po!!!" - sabi nya.
Hinawakan naman nya ang kamay ko saka ako hinila papasok sa loob ng bahay nila.
Tumingin muna ako sa apat na kasama ko bago tuluyang makapasok.
In fairness, yayamanin din sila. Puro salamin ang nakikita ko e. Saka halata din naman kay Marvin na bigatin ang pamilya nila hahaha.
Pero nakakatakot lang, baka mamaya kasi makabasag kami dito. Mahirap na wala pa naman akong pambayad kung sakali. -,-
May lumapit naman sa amin na isang babae na nasa edad 30 na siguro.
"Ma'am, akina po muna 'yung mga dala nyo. Ilalagay ko lang po sa kusina." - sabi nung katulong siguro nila kagaya ko.
"A, hindi na, ate. Ako na lang po ang magdadala doon. Saan po ba ang kusina nyo? Hehehe." - tanong ko naman.
"Ate, laro po tayong barbie! Meron po akong six dolls doon." - singit naman ni Marlia saka tinuro ang parang sala nila.
Hinihila pa nya ako papunta doon.
"Sige na po, ma'am. Ako na po dyan." - 'yung katulong ulit.
Ngumiti na lang ako saka inabot na sa kanya ang mga paper bag na dala ko. Wala na akong magagawa e.
"Salamat po." - nasabi ko lang.
Ngumiti lang din sya saka naglakad na papunta siguro sa kusina.
Pero tinawag nya talaga akong ma'am? Medyo nakakailang lang dahil parehas lang naman kami ng trabaho e.
Pumunta na kami sa sala ni Marlia at kinuha nya ang isang box na lalagyanan nya ng mga laruan saka ipinakita sa akin ang mga barbie nya.
"Wow, ang dami naman!" - nasabi ko lang.
Noong bata ako ni hindi ako nakapaglaro ng ganyan. Sumasapat lang kasi ang kita ni tatay noon sa pang-araw-araw naming gastusin kaya hindi na rin kami nabibili ng mga ganto.
"Pero dalawa lang tayo, Marlia, hindi natin sila magagamit lahat." - dagdag ko pa.
"Ummm... pili na lang po tayo ng two, tapos 'yun na lang po ang i-play natin." - sagot nya.
"E, kawawa naman ang ibang hindi mapipili sa kanila. Dapat lahat sila laruin natin para fair."
"Tig-three na lang po tayo." - suggestion naman nya.
"Mukhang mahihirapan tayo doon." - sabi ko naman.
Teka, nasan nga ba 'yung apat? Nakapasok na ba sila? Sakto naman na pagtingin ko sa papasok ng sala kung nasan kami ni Marlia, dumating 'yung apat.
*TING!*
Agad naman na may pumasok na ideya sa isip ko. Sigurado akong matutuwa si Marlia doon.
"Alam ko na! Sige, angel, pili ka na ng iyo. Si Princess Belle ang akin a." - sabi ko sa kanya.
"Isa lang po pipiliin ko?" - tanong nya.
Tumango naman ako.
"Oo, tig-isa na lang tayo." - sabi ko nang may malawak pang ngiti.
Tumayo na ako at lumapit kila Marvin.
"O, Nayah, kamusta naman kayo ni Marlia?" - tanong agad ni Marvin.
Hindi ako sumagot. Medyo yumuko lang ako at nag-pout.
Go, Nayah! Go, Nayah! Konting acting lang, kaya mo 'yan!
"Bakit, babe? May problema ba?" - tanong din ni sir John.
Tumango lang ako at mas nag-pout pa. Wala na akong pakialam nung tinawag nya akong babe, ang mahalaga lang sa ngayon ay ang masolusyunan ang problema namin ni Marlia.
Pero sana naman tumalab itong ginagawa ko sa kanila.
"Yah! Ang pangit mo 'pag naka-pout!" - singit naman nung isang alien.
Napatingin naman ako dun sa unggoy.
Tinignan ko lang sya ng masama at nagpatuloy lang sa pag-pout. Diko na sya pinatulan, kailangan ko rin sya e.
"Ano bang problema? Bakit malungkot ka? Diba kanina lang masaya pa kayo ni Marlia?" - sunud-sunod na tanong ulit ni Marvin.
"Ano kasi, maglalaro kasi kami ni Marlia ng barbie." - simula ko.
Nakayuko ako habang sinasabi ko 'yun.
"Wala namang problema doon, babe, a? Ayaw mo ba ng barbie? Ako kasi gusto ko sila." - sir John na nagni-ningning pa ang mata habang sinasabi 'yun.
Napakunot lang ang noo ko.
Tss. Naririndi na ako sa kaka-babe nito. Konting-tiis na lang, Nayah! Konti na lang.
Pero, gusto daw nung playboy alien ang barbie? Ibig sabihi---
"Pero hindi ako naglalaro nun, babe. Hindi ko kasi nilalaro ang mga babae." - dagdag pa nya.
Tss. Akala ko naman madali ko syang mapapapayag.
"Talaga lang ah? Hahaha." - mapang-asar pang sabi ni Marvin.
"Oo no!!!" - sir John.
Napailing na lang ako saka ipinagpatuloy ang sinasabi ko.
"'Yun nga kasi, kasi kula---" - putol kong sabi.
"Tss. 'Yun lang pala. Palibhasa tomboy ka kaya ayaw mong maglaro ng barbie!" - pang-asar ulit nung unggoy.
Isang malakas na buntong-hininga naman ang pinakawalan ko.
"Pwede ba patapusin mo muna akong magsalita? At hindi ako tomboy, okay?!" - medyo gigil naman na sabi ko pero nakangiti pa rin ako.
"Tss." - nasabi lang nya.
Okay! Isang malakas ulit na buntong-hininga bago magsalita.
"Anim kasi 'yung total na barbie ni Marlia." - tuloy ko.
"E, ano naman kung anim?" - pamimilosopo naman nung unggoy.
Konti na lang talaga! Nayah! Konting-tiis pa! Magpigil ka pa!
"E, dalawa lang kasi kami ni Marlia. Kulang pa ng apat na tao para sakto sa bilang ng manika."
"Teka, babe, parang hindi ko yata gusto ang binabalak mo a!" - parang nakahalatang sabi naman ni sir John.
"Bakit? Para naman kay Marlia 'yun e. Sige na, please??? Pumayag na kayo~!" - pagmamakaawa ko naman.
"Tss. E, ano nga ba ang gusto mong mangyari?!" - tanong nung unggoy.
Slow rin 'to kung minsan ne?
Okay! Nayah, be ready! Siguradong magugulantang ang mga ito kaya maghanda ka!
"'Yung apat pa na natitirang barbie..." - putol ko.
Tumingin muna ako sa kanila. At ayun, abang na abang talaga sila sa susunod kong sasabihin.
"... ummm... pwede bang... ano... kayo ang... maglaro?" - pagtatapos ko.
Awtomatikong napalaki naman ang mga mata nila.
"Ano?!" - Marvin.
"No way!" - sir John.
"Di ako bakla!" - sir Francis.
"Are you crazy?!" - sir Peter.
-----
Author's note: Your votes and comments will be much appreciated by the author. You can follow her also! Tenchuuu!
![](https://img.wattpad.com/cover/122105916-288-k712696.jpg)