NAYAH's POV
Kasalukuyan akong naglilinis sa sala noong bumaba ang lima. Oo, sabay-sabay talaga silang nagsibabaan.
"Yah! Umalis na ba sya?" - mahinahon na tanong ng isa sa kanila.
Si sir Francis 'to, sya lang naman 'yung mahilig mag-'Yah!' e.
"A, kanina pa po, mga sir." - sagot ko naman.
"Buti naman." - sabi naman nung kasunod nya.
Bigla silang lumapit sakin lahat.
"Miss Nayah, pasensya ka na sa ginawa nung babae kanina." - sabi nya habang nakayuko.
Pansin ko lang, bakit hindi nila tinatawag na mama si ma'am Eleanore? Seryoso? Isa lang ang tumatawag noon sa kanya ng ganun?
"A, ayos lang po 'yun, si---" - putol kong sabi.
"Ayos lang kung aalis ka na, maiintindihan namin. Sige na, shooo!" - sabi naman nung isa.
Tsk. Sir Francis?!
"A, sir, kung sino man po kayo, pasensya na po pero hindi po ako aalis. Nakausap ko po kasi si ma'am Eleanore at naiintindihan ko po sya." - sabi ko at nginitian ko sya.
Napatingin naman sakin ang isa sa kanila, parang si sir Peter ata.
'Yung nagsalita naman ay inirapan lang ako. Tss. So gay!
"At kung iniisip nyo na aalis na ako dahil doon, hindi po. Matibay ata 'to o!" - sabi ko at tinaas ko pa ang braso ko para ipakita ang muscle ko kahit wala naman talaga.
"Ano 'yan? Stick?" - pang-asar nya.
Nagtawanan naman 'yung tatlo habang 'yung isa ay tahimik lang na nakatingin.
Sinamaan ko lang ng tingin 'yung nagsalita.
"Baket?! Akala mo naman malaki ang muscle mo! If I know, magka-level lang tayo!" - sabi ko naman.
"Hahahaha! Barado ka talaga pagdating kay babe, Franz!" - SIR JOHN!
May iba pa nga bang tumatawag sakin ng babe? Tss.
"Gusto mo ikaw ang una kong tusukin ng stick ko?" - sabi ko naman kay sir John.
Tumahimik naman sya.
"Sorry, babe!" - sir John at naka-peace sign pa.
"Tss." - nasabi ko lang.
"O, o, ano na naman 'yan?" - biglang dating ni Marvin.
"Nandito ka pa pala kuya Marvin. 'To kasing si Francis, miss Nayah at John, naglalaro na naman hahaha." - ewan ko ba kung sino.
"Love triangle hahaha!" - 'yung isa pa.
"Tss. Makikipag-love triangle na lang ako, sa monkey eating alien pa? Ewww!" - sabi ko na parang nandidiri pa.
"Yah! Para namang gusto ko sa duwendeng pader! No way!!!" - sigaw naman nya.
"So, okay lang ako sayo, babe?" - sir John sabay akbay at kindat pa.
Tinanggal ko naman ang kamay nya.
"Isa pa tutusukin na talaga kita!" - sabi ko naman.
"Hahaha! Osige na, tama na 'yan! Nga pala, kaya ako nandito, sabi kasi ni manang Josie tulungan ko kayong lima sa pamimili ng damit nyo." - singit ni Marvin.
"Bakit po, kuya Marvin? Anong meron?" - isa sa lima.
"Oww! Nalimutan nyo na? Acquaintance party sa saturday diba? You have to attend, masaya doon." - Marvin.