NAYAH's POV
Bumalik ako sa kusina para tumulong sana kay sir Angelo.
"Sir Angelo, ayos lang ba kung tulungan na kita dyan?" - sabi ko.
"A, sige. Paayos na lang po ng lamesa, miss Nayah." - sabi nya.
Engk! Hindi po lamesa ang ibig kong sabihin, sa pagluluto po. Pero sige na nga, aayusin ko na rin 'tong lamesa.
Naglagay na ako ng plate/place mat (?) doon at pati na mga plato at baso.
Nung natapos ako, bumalik ako sa kanya.
Nasa may stove na sya, nagsisimula nang magluto.
"O, tapos ka na po agad?" - tanong nya.
Tumango naman ako.
"May... iba ka pa po bang ipapagawa?" - tanong ko ulit.
Medyo nag-isip naman sya tapos tumingin sa niluluto nya.
"A! Paabot po ng sili sa ref, 'yung red." - sabi nya.
"Okay! Hihiwain din ba?" - ako.
"Sige po. Medyo damihan nyo po a?" - sir Angelo.
"Noted!" - sabi ko at pumunta na sa ref.
Kumuha na ako ng sili at nagsimula nang hiwain iyon.
Agad kong inabot sa kanya 'yung mga sili pagkatapos ko.
"Thank you po, miss Nayah!" - sabi nya sabay ngiti.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ano ka ba, sir Angelo? Wala 'yun! Ngumiti lang kayo at maging mabait sakin ayos na! Kahit 'wag nyo nang isama 'yung menopause at monkey eating alien masaya na ako!" - medyo pabulong kong sabi sa bandang dulo.
"Anong sabi mo?! Sino 'yung menopause alien? Alam kong ako ang tinutukoy mo sa monkey eating alien!" - bigla sabi nung nasa likod ko.
Nagulat naman ako doon.
"Ha? Tanggap mo na po na monkey eating alien ka?" - gulat kong tanong.
"Tsk! Kaysa naman duwendeng pader!" - pang-iinis nya.
"Tss. Atleast hin---" - putol kong sabi nang ma-realized ko ang sinabi nya.
Bigla namang umusok ang ilong at tenga ko!
"Anong sinabi mo?!!!" - sigaw ko sa kanya.
"Yah! Sinasabi ko lang ang totoo." - sabi pa nya sabay make face, 'yung nakakainis na make face!
"Yah! Lagot ka sakin!" - sabi ko at tumakbo papunta sa kanya.
Tumakbo rin sya palayo sakin.
"Tulong! May duwendeng tumatakbo!!! Hahaha!" - sir Francis.
"Grrrrr! Humanda ka kapag nahabol kita!" - banta ko sa kanya.
Huminto sya sa may lamesa tapos kumuha ng...
"Tinidor?" - kunot-noong sabi ko.
"Hya! Ano? Lalaban ka pa? Hya!" - makulit na sabi nya.
Napatingin din ako sa lamesa.
Ayun! Kumuha ako ng kutsara.
"Akala mo ikaw lang ha?" - sabi ko rin.
Naghabulan at nag-ikutan lang kami sa lamesa at sa buong kusina. May narinig naman akong tumatawa sa gilid namin.
Nung tumingin ako, si sir Angelo pala at may isa pa syang kasama. At! At!
"Anong ginagawa nyo?" - takang tanong ko.