Chapter 3

45 6 0
                                    

NAYAH's POV

"O, Nayah, bakit nakabusangot ka dyan?" - tanong ni manang.

"E, manang, 'yung alien kasing si sir Francis na 'yun, ipahiya ba naman ako sa mga kaklase nila! Sabihan na may tagos ako e wala naman!" - pagmamaktol ko.

Tumawa naman sya.

"Hahaha! Wala pa dyan ang ginawa nila sa mga nauna sayo. Biruin mo, batuhin ba naman sa mukha ng water balloon na may jobus ang isa sa kanila? Ayun, sa araw din na 'yun nag-resign. At eto pa, 'yung last, nilagyan ng mga batang iyon ng dalawang palaka ang bag nung katulong. Iyak ng iyak, takot pala sa palaka 'yung bata. Kawawa nga e." - kwento ni manang.

"Aysh! Ang sama talaga nila! Alam mo manang, kaya malakas ang loob ng mga 'yan, kasi bata pa. 17 lang po sila diba? Kaya diko maparusahan, 19 na kasi ako, nasa legal age na, mahirap na baka ma-report pa ako ng child abuse. Pero kapag 18 na sila, pwede na 'yan parusahan ng batas! Naku, kung di lang talaga ako mabait, ire-report ko na 'yan sa DSWD e!" - panggagalaiti ko.

Natawa ulit sya.

"Konting pasensya pa, hija, titino rin 'yang mga 'yan!" - manang.

Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglilinis ng bahay.

-----

"Hay! Sa wakas, natapos na rin sa gawaing bahay." - sabi ko.

Paupo pa lang ako nang biglang may nag-doorbell.

*Dingdong!*

"Aysh! Ngayon pa lang magpapahinga e!" - nasabi ko naman.

Lumabas na ako at pumunta sa gate para buksan iyon kaso...

*Dingdong! Dingdong! Dingdong! Dingdong! Dingdong!*

Sunud-sunod na doorbell ang ginawa nung nasa labas.

"Tsk! Hindi lang makapaghintay?! Sino ba 'yun?" - inis sabi ko sa sarili ko.

Patakbo na akong lumapit sa gate at binuksan iyon.

*Dingdong! Dingdong! Ding---*

Nabuksan ko na ang gate at may isang alien na nasa labas ng van ang pinaglalaruan ang doorbell.

*---dong!*

Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng seryoso.

"Bakit ang tagal mo?!" - iritang tanong nya.

Huminga ulit ako nang malalim.

"Sir Francis? Okay, hindi naman po ako si flash na isang rinig lang sa doorbell ng bahay ninyo, nabuksan na agad ang gate." - sabi ko habang magkadikit ang ngipin dahil sa gigil.

Binuksan ko na ng buo ang gate para makapasok ang van.

"Tsk. Dami pang sinasabi. Tabi dyan!" - sir Francis.

Bigla syang naglakad papasok at binangga ako.

"Arrrrgh!!! Bwisit talaga!" - sabi ko.

"Hi, babe!"

Napalingon naman ako sa nagsalita. Ayun, nakasakay sya sa van. Sino? Si sir John, wala nang iba!

Hindi ko na lang sya pinansin. Sinara ko na 'yung gate pagkapasok nung van.

-----

Juice ko! Kakalinis ko palang ngayong hapon ng bahay, pagdating nung mga alien, para na namang nasa giyera 'to! Wala ba sa bokabularyo ng mga ito ang salitang kalinisan?!

Si sir Michael at sir Peter lang ata ang responsable at matured sa kanilang lima. Nasa kwarto kasi nya si sir Peter. Si sir Michael naman, nandito sa sala. As usual, nagla-laptop lang.

'Yung tatlo? Sasabihin ko pa ba? Tsk. Sige na nga.

Una, si sir John. Lahat ng magazine na nasa cabinet ay nilabas nya. Pag hindi nya nagustuhan, ibabato nya kung saan-saan at mamimili pa sya ng iba.

Pangalawa, si sir Angelo. Nakahiga sya sa sofa, nakapikit. Animo'y natutulog pero puno ng chips ang bibig kasi nguya ng nguya. Kumukuha sya sa pagkain ni sir Francis habang nakapikit kaya laglag-laglag ang chips sa sahig. Dinadakot kasi. -.-

Pangatlo? Kailangan pa ba ng introduction sa kanya? Tss. Okay! Si sir Francis. Kumakain sya habang may hawak na cellphone. Ayos na sana kasi tahimik sya kapag nakaharap sa pagkain. Ang hindi lang ayos e 'yung kalat na iniiwan nya! May balat ng tinapay, dalawang chuckie, at ilang chips ang nakakalat sa sahig.

Oo, kakauwi lang nila pero naubos na nyang lahat iyon. May alaga din bang alien sa tyan 'to? -,-

Una kong inayos 'yung mga magazine na nakakalat. Kinuha ko 'yung pinakamalapit sa akin.

Tinignan ko 'yung cover.

"F... HM?" - mahina kong sabi.

Diba pang matanda 'tong magazine na 't---

"Waaa~ dali! Dali!!! Maaabutan mo na sya!!!" - sigaw ng isa sa kanila.

"Ay kabayo!" - sigaw ko rin at nabitawan 'yung magazine na hawak ko.

Tumingin ako sa kanila. Ayun, si sir Francis pala 'yung sumigaw. Lumapit naman ako at sinilip ang ginagawa nya sa cellphone.

"Karera?" - bulong ko.

Napansin nya naman ako kaya agad akong umiwas.

"Anong tinitingin mo dyan?!" - masungit nyang tanong.

Nag-make face naman ako.

"Ehem! Ehem! Tinignan ko lang po ang dahilan ng pagsigaw nyo." - sabi ko at nagpatuloy na sa pagliligpit ng magazine.

"Tss." - sir Francis at bumalik na rin sa paglalaro.

"Miss Nayah, pwede po bang pakuha ng tubig?"

Lumingon ako sa nagsalita. Si sir Michael.

"A, opo, wait lang po." - sabi ko.

Pumunta na ako sa kusina at kumuha na ng tubig.

Palabas na sana ako nang kusina kaso biglang may sumalubong sakin kaya nagulat ako at muntik na akong madulas.

Kaso... kaso... kaso...

O.O --- ako.

-_- --- sya.

Blink. Blink. Blink.

Muntikan na akong madulas, pero nasalo ako nung gwapong alien. Hawak nya rin ang kamay ko para hindi tuluyang mabuhos ang tubig. At ano, ano mga besh!!! Naka-t-topl-less sya!!!

Omo!!! S-Sino to?

"Ang bigat mo." - sabi nya.

Bigla nya akong binitawan kaya natuloy ang pagkakadulas ko.

"Aaa-aray!" - ngiwi ko.

Ang sakit ng likod ko!!! T.T Bwisit din 'tong isang 'to! Si sir Peter ba 'to?! Napaka-sungit. Akala ko intensyon nya talagang iligtas ako, di naman pala! Tsk.

Napansin ko naman na wala na 'yung hawak kong baso sa kamay ko.

Pagtingin ko sa kanya, ayun kinuha pala nya sakin ang tubig at ininom nya 'yun.

Tss. Akala ko pa naman responsable. Hindi pala! Binabawi ko na ang sinabi ko na isa si sir Peter sa mga responsable! I hate you all! Si sir Michael lang talaga ang mabait!

Omo! Si sir Michael, nagpapakuha nga pala sya ng tubig.

Pero nandito pa 'yung UNgentle alien na 'yun e. Hihiya pa me. >///<

Hinintay ko muna syang umalis bago ko pinilit na tumayo para kumuha ng tubig.

Iika-ika tuloy akong lumakad papunta sa sala dahil sa bwisit na sir Peter na 'yun!

-----

Author's note: Your votes and comments will be much appreciated by the author. You can follow her also! Tenchuuu!

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon