NAYAH's POV
Hooo! Jusmiyo, Marimar! Hilong-hilo na ako! Pano ba naman kase?! Pagkatapos akong masabak sa unang giyera, may susunod pang giyera ang naghihintay sa akin!
Gusto niyong malaman kung bakit? Gustong-gusto ko dibang sugurin 'yung DJ? Pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa! Kada susugod kasi ako, may humaharang sakin. T.T
(Flashback!)
"Sir Francis!" - sabi ko nang hilahin nya ako palapit sa kanya.
Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin ng medyo nakakunot pa ang noo.
Tss. Ibang klase rin 'tong monkey eating alien na 'to no?! Sya na nga 'yung nagpwesto sa kamay ko na para bang robot ako tapos sya pa 'tong parang naiinis! Tss.
Nagsimula na ring lumikot ang mga paa nya kaya napasabay na lang ako.
Pero naiilang talaga ako e! Ayoko nang ganto!
"Ano, pwede bang 'wag na tayong sumayaw? Hindi ako sanay sa ganto e." - sabi ko.
At saka, first dance ko 'to no! Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakasayaw ng ganto, sya ang unang nagsayaw sakin. Ni tatay ko nga hindi ko pa nakasayaw. Tss. >_<
"Yah! 'Wag ka nang maarte. Sumayaw ka na lang." - sabi naman nya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Ako pa talaga ang maarte? Aysh!" - ako.
Akmang aalisin ko na ang kamay ko pero agad nya iyong nahawakan.
"Yah! 'Wag ka ngang makulit!" - medyo pasigaw naman nyang sabi.
Tumaas naman ang dalawa kong kilay at tumingin na lang sa gilid.
"Tss. Lagot talaga sakin 'yung DJ na 'yun!" - bulong ko naman.
"Anong sabi mo?!" - tanong nya.
"Wala! Sabi ko mas mukha kang unggoy sa malapitan!" - pang-inis ko sa kanya.