FRANCIS' POV
Ang sakit talaga ng tiyan ko. T.T Pero natutukso pa rin ako sa mga sweet foods.
Nasa may table 4 na ako, at 'yung table namin, malapit sa mga pagkain. Nasa harap ko sila!
At sa may mga desserts pa! *Pout!* :3
'Wag nyo akong tuksuhin! *Pout!* :3
Pero naaakit talaga ako! *Pout!* :3
"Hey! Stop that! Baka hindi ako makapagpigil!" - saway sakin nung katabi kong babae.
Kumunot ang noo ko. Tinignan ko lang sya saka inirapan.
"Hahaha! Wala ka pala, friend e. Wait, tignan mo ang gagawin ko." - sabi nung isa pa.
Kaharap ko sya. Tumayo sya at naglakad palapit sa pwesto ko. Nasa likod ko sya ngayon.
"Babe, alam ko naman na ako ang type mo. Kanina mo pa ako tinitignan e." - sabi nya at inakbayan pa ako.
"Yah! Don't touch me!" - sigaw ko sa kanya.
Halatang nagulat sya at mabilis na tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"At hindi ikaw ang tinitignan ko. 'Wag kang assuming!" - sabi ko pa.
"Hahahahaha! O ano? Akala mo makaka-score ka no?" - sabi pa nung katabi ko.
"Hahaha. Tama na nga 'yan! Simulan na natin ang activity, okay? Let's introduce ourselves na lang." - 'yung isa kong katabi.
Babae rin sya, pero parang may pagka-lesvian. Parang si duwende--- nevermind!
Nagpakilala na nga sila isa-isa. Ako, nakatingin pa rin sa mga pagkain.
"Tss. Hindi daw ako tinitignan, tunaw na nga ako kanina pa e! 'Wag ka na kasing pabebe, babe!" - sabi nung kaharap ko kaya napatingin ako sa kanya.
Inirapan ko lang sya.
Aysh! Hindi ko na talaga mapigilan!
Sabay kaming napatayo nung kaharap ko pero hindi ko sya pinansin.
"Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi nya ako matitiis." - maarteng sabi nung babae.
Sinalubong nya ako. Pero nilampasan ko lang sya. Dumiretso ako sa mga pagkain.
"Hahahahaha! Ano na, bes? Two points ka na! Hahahahaha." - rinig ko pang sabi nung mga nasa table.
"Arrrrrgh!" - inis na sabi nung babae.
Hindi ko na lang pinansin.
Kumuha ulit ako ng plato at nilagyan ng mga matatamis na pagkain. Nung napuno na 'yung plato, bumalik ako sa upuan ko.
"Hahaha! Assuming mo nga, friend! E, sa pagkain naman pala sya nakatingin e, hindi sayo! Hahaha!" - sabi nung isang bakla na katabi nung katabi ko sa kaliwa.
"Tss. Shut up!" - sabi lang nung kaharap ko.
"By the way, ano palang pangalan m---" - putol na sabi nung lesvian na katabi ko.
"Sir Francis, may tumatawag." - biglang sabi ni miss Nayah.
Hinarap nya sakin 'yung cellphone.
"Answer it." - utos ko.
Tinignan nya naman ako ng masama pero sinagot din naman.
"Hello? Sino po sila?... A, okay po, sige. Bye!" - miss Nayah.
"Sino raw? Ano sabi?" - ako.
"Tss. Bakit kasi di pa sya 'yung sumagot!" - bulong niya.
"Ano kamo?" - ako.