Chapter 6

41 4 0
                                    

NAYAH's POV

Naglakad na ako papunta sa court kung saan kami magkikita ni Marvin. Nakita ko sya sa bench na inupuan namin kanina, nakaupo sya. Lumapit ako at umupo rin ako doon.

"O, tara na?" - sabi nya.

Matamlay lang akong tumango sa kanya.

"Hey! Bakit parang wala kang gana? May sakit ka ba?" - tanong nya sabay hawak sa noo ko.

Inalis ko naman iyon.

"Wala, wala akong lagnat, sakit lang 'to dahil sa mga pasaway kong amo. Akalain mo 'yun, padalhan ba naman ako ng listahan ng sang-katerbang pagkain na bibilhin ko raw sa grocery bago ako umuwi? Lakas ng tama diba?" - sabi ko naman.

Natawa naman sya.

"Hahaha! Kay Francis galing 'yan no?!" - sabi naman nya.

"Aysh! May iba pa ba? May isan-daang alien din yatang inaalagaan sa tyan  'yung unggoy na 'yun e!" - sabi ko dahilan para lalo syang matawa.

"Hahahahaha! Hayaan mo na. Ganito na lang, pagkatapos nating kumain, dumaan tayo sa grocery tapos bilhin natin lahat ng nasa listahan." - Marvin.

Umiling naman ako.

"Hindi na, kaya ko na 'to. 'Wag ka nang mag-abala, hindi ka naman nila katulong kaya kaya ko na 'yun." - sabi ko lang.

"Okay, sige. Kung 'yan ang gusto mo. Pero, saan mo ba gustong pumunta ngayon?" - sabi nya.

"Mmm... hindi ko alam. Kahit saan na lang." - sagot ko.

"Sige, tara!" - Marvin.

Hinawakan nya ang wrist ko at hinila na paalis.

Sumakay kami sa kotse nya at nagsimula nang bumiyahe.

-----

Tumingin ako sa paligid at kisame ng restaurant na pinuntahan namin. Ang ganda ng chandelier, pati 'yung mga design sa loob ang ganda rin.

Tinignan ko rin si Marvin habang nakatingin sa menu. So, dito talaga kami kakain?

Huminga naman ako ng malalim bago tumingin din sa menu.

"Ay, juice ko!" - bigla kong sabi kaya napatakip ako ng bibig.

"Nayah? Ayos ka lang?" - biglang tanong ni Marvin.

"A, o-oo, ayos lang ako." - sagot ko at hinarang 'yung menu sa mukha ko.

Waaa~ nakakahiya! Pano ba naman kasi? Ang mahal ng presyo ng mga pagkain dito.

'Yung sa mga inumin, pinakamura na bukod sa tubig 'yung orange juice, 149 pesos mga bes! 'Yung tubig 59 pesos! May dyamante bang makukuha sa inumin kapag ininom mo kaya ganun na lang kamahal ang pagpresyo nila?

Tss. Kung sa inumin pa lang ang mahal na, paano pa kaya 'yung main course nila? E, ang problema kasi, malakas akong uminom.

Yah! Don't get me wrong! Hindi alak ang tinutukoy ko. Malakas akong uminom ng tubig o juice lalo kapag kumakain ako. Hindi sapat sakin 'yung isang baso lang kaya kung dito kami kakain ni Marvin ngayon, siguradong mamumulubi ako. Ang masama pa nyan, hindi pa ako sumusweldo!

Binaba ko ng kaunti 'yung menu para makita ko si Marvin na busy pa rin sa pagtingin sa menu.

Okay! Hinga ng malalim!

"A, M-Marvin, ano, pwede bang sa iba na lang tayo kumain?" - lakas-loob at mahina kong sabi sa kanya.

Napatingin naman sya tapos tumaas ang dalawa nyang kilay.

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon