MARVIN's POV
"Michael, Peter, Angelo, John, Francis..." - pag-isa-isa ko sa kanilang lima.
Tumingin naman sila sakin, tapos sa kamay namin.
Ngumiti lang ako.
"... Pwede ko bang mahiram si Nayah ngayong gabi?" - Marvin.
Halata na medyo nabigla ang lima sa sinabi ko, maliban kay Peter na walang pakialam sa mundo.
"Okay lang!" - Michael.
"No!" - Francis.
"Why?" - John.
"Ikaw bahala." - Angelo.
"..." - Peter.
Natawa naman ako kasi iba-iba silang lahat ng sagot.
"Okay, ganto na lang. Tatanungin ko kayo isa-isa ha? Ikaw muna, Michael." - ako.
"Sakin ayos lang. As long as okay kay miss Nayah, ayos lang sakin. At saka gabi naman na iyon. Pwede naman na agad na syang magluto bago sya umalis para hindi na sya mag-alala." - paliwanag ni Michael.
Ngumiti naman ako. Napaka-bait talaga ng batang ito.
"No!!! You can't go outside! Pag natapos kaming kumain sinong magliligpit sa pinagkainan namin? Si manang? At saka gabi na, delikado sa labas tapos lalaki pa kasama mo." - kontra ni Francis.
Napatingin naman sa kanya 'yung tatlo, maliban kay Peter. Parang nabigla sila sa binulong nya.
"Ano 'yung huli mong sinabi?" - tanong ko naman.
Pabulong kasi nyang sinabi 'yung last part kaya hindi ko narinig.
"Wala, sabi ko hindi pwede! Kapag humingi ako ng pagkain walang magdadala." - sabi nya habang naka-pout.
Tss. Para talaga syang bata.
Napatango na lang ako.
"John?" - ako.
Tumayo naman sya at lumapit sakin.
"Bakit mo sya hihiramin? She's not even a thing." - John.
Bigla nyang inakbayan si Nayah at nilayo ng konti dahilan para mabitawan ko sya.
Medyo natawa naman ako.
"She's not a thing? But based on how you treat her, she's one of those." - sabi ko naman.
Napayuko lang si Nayah.
"Yes, we did that. But that's how we treat our gem, maybe harsh, but gentle." - sabi pa ni John.
Nakita ko naman na napatingin si Nayah sa kanya.
"G-Gem?" - gulat na tanong ni Nayah.
Tumingin din si John sa kanya sabay ngiti.
"Yes, precious Nayah." - John sabay kindat kay Nayah.
Agad namang umiwas si Nayah sa tingin ni John at inalis 'yung pagkakaakbay nito sa kanya.
"Tss. 'Wag mo ulit akong inuuto, hindi pa rin 'yan uubra!" - sabi lang ni Nayah.
Nag-pout lang si John.
Napatawa na lang ako. Iba talaga ang galawang hokage nitong batang ito hahaha.
"Ummm... okay, if you say so, John." - ako.
Tumingin naman ako sa nakahiga sa katabing bench, si Angelo.
"Angelo, ayos lang ba?" - tanong ko.