NAYAH's POV
Nasa may garden ako ngayon, nagdidilig ng halaman. 'Yung lima, nandun sa loob. Wala kasi silang pasok ngayon kaya nagdidilikado na naman ang trabaho ko. >,<
"MISS NAYAAAAAAH~~~" - sigaw nung isa sa loob.
"Tss. Ayan na, nagsimula na sila!" - bulong ko lang.
Pinatay ko muna 'yung gripo tapos nagsimula na akong tumakbo papunta sa loob.
Nasa sala sila, lahat nakatingin sa tv. Nanonood ng... Spongebob? Waaa~ favorite ko rin 'yan!!!
Pero, wait! Okay? Sino sa kanila ang sumigaw? Bakit ang tahimik nila ngayon?
"Ehem! Bakit po?" - naiilang na tanong ko sa kanila.
Oo, naiilang ako. E, malay ko ba kung sino sa kanila si sir Peter. Naalala ko na naman 'yung kagabi. ><
Wala namang sumagot sakin. Problema ng mga 'to?
"Tss." - ako.
Huminga lang ako nang malalim tapos tumalikod na ako sa kanila. Maglalakad na sana ako pabalik sa garden kaso bigla namang may nagsalita.
"Paabot ng remote!" - biglang sabi nung isa sa kanila.
Inis na lumingon ulit ako sa kanila.
"Kung kailan paalis ako dun nagsalita. Tss. May topak talaga." - bulong ko lang.
"Anong sabi mo?!" - sigaw naman nya.
"Wala po. Sabi ko kukunin ko na nga po!" - sagot ko lang.
Lumapit na ako sa tv para kunin na sana 'yung remote kaso bigla akong napahinto dahil sa tawa ni Spongebob.
"Tahahahahahaha!" - Spongebob.
Natawa rin ako at napatulala sa tv. Umupo ako sa harap mismo ng tv. Nawala na sa isip ko 'yung utos nung isang alien, basta ako nanonood kay Spongebob. ^_^
"Oy! 'Wag kang humarang!"
Hahaha! Ang cute talaga ni Spongebob.
"Ano bang ginagawa mo dyan?!"
Waaa~ kapag talaga sumahod ako, bibili ako ng stuff toy na Spongebob!
"'Yung remote pinapakuha ko sayo, hindi ko sinabing manood ka!"
Tss. Ang ingay naman noon! Kitang nano---
*Blag!*
"Aray! Sinong nambato sakin ng unan?" - sigaw ko sa kanila.
Tinamaan lang naman ako sa likod ng ulo ko ng unan.
Nagulat naman sila sakin at parang medyo natakot.
"Tss. Kitang busy 'yung tao sa panonood e." - inis sa sabi ko sa kanila sabay balik ulit sa panonood.
Nabalik na naman ang good mood ko dahil kay Spongebob.
May napansin akong lumapit sa gilid ko at parang may kinuha pero wala akong pake, busy ako kay Spong---
"Bakit mo nilipat?!" - tanong ko naman.
Napatayo naman ako at hinarap sya.
"Tabi dyan." - mahinang sabi nya.
"Tss. Lipat mo muna!" - utos ko naman.
"Tabi sabi!" - sya na naging parang bata na.
Bigla nya naman akong tinulak palayo.
"Ano bang problema mo?" - sigaw ko naman.