NAYAH's POV
"Nandito na naman sya." - sabi ni manang pagkaalis nina Marvin.
Tumingin ako sa kanya.
"Bakit po, manang? Hindi po ba sya ang totoong nanay ng kambals?" - tanong ko naman.
Nagbuntong-hininga si manang saka umupo sa may dining table. Sinundan ko sya.
"Mike! John! Gelo! Franz! Pete! Ano ba?! Nandito na ulit ako! Hindi nyo ba ako na-miss?!" - patuloy pa ring sigaw nya.
"Just get out of here! We don't need you." - sagot ng isa sa kanila.
Napailing naman si manang.
"Sa loob ng mahigit sampung taon, pabalik-balik sya rito para dalawin ang mga bata. Pero laging ganyan ang ganap, ni makita nga lang sya ay ayaw na ng kambal, makausap pa kaya?" - manang.
"Bakit naman po? Ano po bang nangyari?" - pag-uusisa ko.
Hindi naman sa chismosa ako, pero sige, parang ganun na rin. Gusto ko lang namang maintindihan ang pinagdadaanan ng kambals bago ko sila husgahan.
-----
THIRD PERSON's POV
(Flashback 10 years ago!)
"Mga anak, mama will go somewhere lang ha? Pero babalik ako. Don't worry, agad din naman akong babalik." - sabi ni Eleanore sa mga anak.
"Where are you going, mama? Pwede ba kaming sumama?" - tanong ni Franz.
"Oo nga po, mama. Please? Gusto ko pong sumama!" - dagdag pa ni Gelo.
Napayuko naman si Eleanore at pinigilan ang pagpatak ng luha sa mata.
"Sorry, baby, hindi kasi kayo pwedeng sumama e. I'm going to a vacation lang, just wait here, okay?" - sagot nya sa mga anak.
"No! Please, mama, let us join you!" - John.
"Sorry talag---" - putol na sabi nya dahil biglang bumukas ang pintuan.
"Ano pang ginagawa mo dito?! Diba pinili mo ang lalaking iyon?! Wala ka nang karapatan sa mga bata dahil nung nagdesisyon ka, pati sila ay inalis mo na rin sa buhay mo. Get out!" - galit na sabi ni Victor sa asawa.
"M-Mama, totoo p-po bang may iba kayong lalaki?" - mangiyak-ngiyak na sabi ni Mike.