NAYAH's POV
"Hija, pakibigay mo nga ito sa mga bata." - utos ni manang.
Kinuha ko naman 'yung tray na inaabot nya. May laman iyong mga sandwich at limang juice.
"E, manang Josie, nasaan po ba sila?" - tanong ko naman.
"Nasa may court dyan sa labas, nagba-basketball." - sagot nya.
Tumango ako at naglakad na.
"Ay, sandali, Nayah, 'yung mga face towel pala ng mga 'yun, pakidala na rin." - manang.
Binalikan ko naman 'yun.
"Sige po, manang, punta na po ako dun." - sabi ko.
Hay nako! Napaka-spoiled talaga ng mga taga-ibang planeta na 'yun! Lalo pang nagiging spoiled dahil sinusunod ni manang ang mga gusto.
-----
Nilapag ko 'yung tray sa isa sa mga bench sa gilid ng court. Hinanap ko naman sila.
O.O
L-Lahat talaga silang lima naka-topless? Kailangan ba 'yun?! Required ba? Ha? Ha? Bakit 'yung kalaro nila may mga suot na damit? Ano 'yun? Ayun ang uniform nila? Tsk. Tsk.
Pero infairness a, ang ganda ng katawan nilang lima. Me mge ebs! Pero 'yung kay sir Peter lang ata ang marami, six pack abs mga bes! Naalala ko tuloy 'yung nangyari noon sa kusina. >///<
Okay! Tama na! Stop na! Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng mga nagbabasa. Hindi po ako maharot sa personal, sa mental lang po. XD
Ayun nga, umupo muna ako doon habang pinapanood silang maglaro. May nakita naman ang mata ko na pamilyar sa mga kalaban nung aliens.
"Teka, sya ba 'yun?!" - sabi ko sa sarili ko.
Bakit nandito sya? O baka kamukha lang? Ay, ewa---
*Bogsh!*
"Aray!" - sigaw ko naman.
Anong nangyare?! Tsk. Tumama lang naman sakin 'yung bola na pinaglalaruan nila. Tumingin ako ng masama sa mga naglalaro, lalo na doon sa tumatawa. Sino? Ayun, 'yung tatlo doon sa mga out of this world na mokong.
"Mag-ingat naman kayo." - sabi ko lang.
Kinuha ko ang bola. Ibabato ko sana pabalik sa kanila kaso biglang may kapre--- este matangkad na nilalang na lumapit sakin.
"Sorry, miss, hindi namin sinasadya." - sabi nung lumapit sakin.
Tumingala naman ako para makita ko sya.
O.O
Si... Si...
"Nayah? Hahaha. Ikaw pala 'yan." - bigla nyang sabi.
So, sya nga talaga 'to? Si Marvin?!
Ngumiti naman ako sa kanya tapos inabot ko 'yung bola.
"A-Aa, bakit ka nandito?" - tanong ko.
"A. Dito rin ako sa subdivision nakatira. Malapit lang sa bahay nung kambal haha." - sagot nya.
Napatango naman ako.
"Aa, sige." - nasabi ko lang.
"Mamaya na lang ha? Punta na ako doon." - sabi nya.
Tumakbo na sya papunta doon habang dala ang bola.
Napataas naman ang dalawa kong kilay.
Bakit sya nagpaalam? Hindi naman na nya kailangang gawin 'yun e.