Chapter 2

42 5 0
                                    

NAYAH's POV

Hingal na hingal akong dumating sa school nung limang out of this world na bata.

Pero hindi ako tumakbo o naglakad a? Nagtaxi ako.

Hello?! Porket ba sinabi nila na tumakbo ako e tatakbo na ako?! E, 'yung layo nung nilakbay ng taxi e halos sampung kilometro! Baliw na lang ang susunod sa kanila!

Tss. Ayun na nga, nandito na ako sa school nila at hingal na hingal na ako dahil sa dala kong mga bag. Bag nilang lima. -_-

Lumapit ako sa guard.

"Guard, saan po ang room ng limang magkakamukhang mokong--- este 'yung limang kambal? The Carrasco brothers, you know?!" - sabi ko pa.

"A, sila sir Michael po? Diretso po kayo rito tapos kumanan po kayo. Tapos may makikita po kayong hagdan, akyat po kayo ng 3rd floor tapos 'yun po, kanan po na room, 4th to the last." - sagot nya.

Muntik ko nang mabitawan ang mga bag nila.

"Seryoso, kuya? Aakyat pa ako ng 3rd floor? Pwede po bang tulungan nyo ako?" - sabi ko.

"Ay, pasensya na po, miss, wala po kasing magbabantay kapag sinamahan ko kayo." - guard.

Aysh! Ngumiti ako ng sarkastiko sa kanya.

"Hehehe. Sabi ko nga po ako na lang. Salamat, kuya!" - ako.

Nagsimula na akong maglakad.

"Bwisit talaga ang mga unggoy na gwapo na 'yun! Lagot talaga sakin 'yun!" - bulong ko habang naglalakad.

"Need help?" - ???

Napahinto naman ako at lumingon ako sa likuran ko kung nasan ang nagsalita.

Omo! Wafu nya~~~ pero, no! Control yourself, Nayah! Child abuse 'yan! Mas bata siya sayo!

"A, hindi na, salamat na lang." - tanggi ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kaso hindi pa ako nakakalayo, may kumuha na ng mga bag na dala ko.

Tumingin ulit ako sa kanya.

"Aysh! Ang kulit mo naman!" - nasabi ko na lang.

"Mukha kasing nahihirapan ka e." - sabi pa nya habang nakangiti ng malaki.

"Tss. Salamat." - nasabi ko na lang.

Ngumiti ulit sya sakin.

"Saan mo pala ito dadalhin?" - tanong nya.

"Sa 3rd floor. Sa limang lalaking pinaglihi sa alien!" - inis na sabi ko nang maalala ko 'yung mga batang 'yun.

"Hahaha! 'Yung mga kambal ba? Grabe, nung isang araw, iba ang nakita kong naghatid ng bag nila. Actually, almost every other day iba-iba ang may dala ng mga 'to." - kwento nya.

Napailing na lang ako.

"Ganun talaga pag may mga saltik ang inaalagaan mo! Nga pala, kaklase mo ba sila? Ilang taon ka na?" - usisa ko.

"Hindi, ahead ako sa kanila ng 2 years. I'm 20." - sabi nya.

Napataas ang dalawa kong kilay.

"Seryoso ka? Pero bakit ang bata ng hitsura mo? Hindi ka ba nai-stress sa college?" - ako.

Hindi sya sumagot. Tumawa lang sya.

"Tss. Ang unfair! Ako mukha nang manang. Lalo na siguro ngayon sa kakaisip dun sa lima na 'yun!" - sabi ko.

Tumingin sya sakin.

"Mmm... hindi naman a! Mukha ka ngang 12!" - sabi nya na may kasabay pang tawa.

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon