NAYAH's POV
Aysh! Ang hirap naman maging maganda, charot! Ngayong gabi lang naman, pagbigyan nyo na ako. XD
Tinignan ko sila isa-isa ng masama.
"Teka nga muna!" - nakakunot ang noo at matigas kong sabi sa kanila.
Agad ko namang hinatak ang kamay at braso ko mula sa pagkakahawak nila.
"Bakit ba ako lang ang inaaya nyong lima? Ha? Ang da---" - putol kong sabi.
"Ehem! Correction, anim!" - singit ni Marvin.
Tinignan ko sya ng may pagtataka habang sya ay nakangiti sakin na para bang nagpapa-cute.
Ihh~ di mo na kailangang magpa-cute, cute ka naman talaga e, heheh--- aysh! Ano bang iniisip mo, Nayah? Baliw ka talaga e.
"Pati ba naman ikaw, Marvin? Aysh!" - sabi ko.
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Dali na, babe, piliin mo na ako!!!" - pilit ni sir John.
"Aba, lakas mo din e, no, sir John? Tss. Manahimik ka dyan!" - sabi ko.
Bigla naman syang nag-pout.
"Hahaha! Tumahimik ka na lang kasi dyan." - sir Michael.
May naisip naman ako.
"Okay, ganto na lang. Gusto nyong sumayaw diba?" - paninigurado ko.
Tumango silang lahat, pati si sir Peter. Marunong din pala syang sumunod no? XD
"Tara dito." - ako.
Hinila ko ang dalawa sa kanila. Diko alam kung sino. Bahala sila, basta ako may naisip na na paraan para makasayaw sila.
Inayos ko ang posisyon nilang anim sa gitna.
"Excuse me po, saglit lang po a." - sabi ko sa mga nagsu-sweet dance sa gitna ng dance floor.
"Ano bang ginagawa mo?!" - tanong ni sir Francis.
"Basta. Hintayin nyo, makakasayaw din kayo." - sabi ko lang.
Nung natapos na ako, hinarap ko sila.
"Ayan, okay na!" - ako.
Kumunot naman ang mga noo nila.
"Bakit naka-formation kami na parang dance group?" - takang tanong ni Marvin.
"Hintayin nyo nga lang, trust me, okay?" - sabi ko pa.
Tumango ulit sila.
"Wait a, kausapin ko lang 'yung DJ." - ako.
Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan nung DJ.
"Yow! Hello?" - bati ko.
"O? Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito?" - sabi pa nya.
"Ummm... pwede bang mag-suggest ng kanta? Medyo boring kasi 'yung pinapatugtog mo." - ako.
Natawa naman sya.
"Bitter ka ba, miss? Hahaha!" - tanong nya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Tss. Di ako bitter no! Inaantok lang talaga ako." - sagot ko naman.
"Hahaha! Slow/sweet song ito para sa mga gustong maisayaw ang girlfriend o crush nila, ganun talaga." - paliwanag niya.
Tumingin naman ako sa anim.
"Ano kasi, nakikita mo ba 'yung anim na 'yun? Kaibigan sila ng may-ari ng school na 'to." - ako.