ANGELO's POV
A, I'm so sleepy. Tapos ang tahimik pa sa table namin. z.z
"Guys, bakit walang nagsasalita sa inyo? Haha. This is an activity, kailangan nating mag-participate." - sabi nung isang babae.
"Tss. Boring kaya." - 'yung isang lalaki.
"Wala tayong magagawa, ito ang gusto nila." - isa pang babae.
"Basta ako okay na ang view ko rito." - sabi nung isa pa.
Tumingin naman ako sa kanya. Kaharap ko sya, nakapangalumbaba sya, dalawang kamay pa habang nakangiti at nagpa-puppy eyes na nakatingin sakin.
Ngumiti lang ako na sya namang pagpula ng pisngi nya at pagngiti nya ng malaki.
"Okay, okay! Ganto na lang, introduce na lang natin ang mga sarili natin, okay? Tapos bahala na kayo kung sino ang gusto nyong kausapin sa table na 'to." - isa pang lalaki.
"Okay! Ako na ang mauuna!" - 'yung kaharap ko.
Nagpakilala na nga sila isa-isa. Habang nagpapakilala sila, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Zzzzz.
"Waaa~ ang cute nya~~~"
*Click!*
"Shet! Bakit ganto sya ka-perfect? O, my sleepy head~"
"Parang ang sarap i-kiss ng lips nya!"
"Tss. 'Wag ka nga!"
Sino ba 'yung maiingay na 'yun?
"'Yung ilong nya, parang hihiwalay na sa mukha nya sa sobrang tangos!"
"Oo nga e, pati nga 'yung pilikmata, parang false eyelashes!"
Tsk. Ano ba 'yun?! Hindi ba nila alam na may natutulog?
"Sino kaya sya sa lima? Pero pare-parehas lang naman silang gwapo for sure."
Lima? Kaming lima ba ang tinutukoy nila?
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Pagmulat ko, kumunot ang noo ko kasi lahat ng babae sa table namin, pinalibutan ako.
"Anong meron?" - takang tanong ko.
Nakita kong medyo nagulat sila at agad na bumalik sa mga pwesto nila.
"A-A, ano, hehehe, ikaw na kasi ang magpapakilala." - nahihiyang sabi nung isa.
Tumango naman ako.
"A, I'm Angelo Dramid. Sorry pala kung nakatulog ako." - sabi ko lang.
"A, it's okay, Gelo. You don't have to say sorry."
"Oo nga. Dun ka kaya kilala, sanay na kami sayo haha."
Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya sa kanila.
Tumingin ako sa paligid ko at saktong si miss Nayah ang nakita ko. Bigla naman akong napangiti ng malaki ng hindi ko alam na dahilan ng lalong pagsingkit ng mata ko. Nagulat na lang ako sa biglang pagtili ng mga kasama ko sa table.
-----
MICHAEL's POV
Paupo palang ako sa bakanteng upuan sa table nang biglang may isang babaeng kumapit sa braso ko.
"Hi, babe! I'm happy kasi parehas tayo ng table number." - sabi nya at yumakap pa.
Kumunot naman ang noo ko.
Babe? Babae ba 'to ni John? At teka, mukha ba akong babaero?!
"Hey! Back off, b*tch! Hindi sya si John mo, he's my Gelo!" - 'yung isa pang babae.