NAYAH's POV
"Manang! Manang!" - agad kong tawag kay manang pagkauwi namin.
Nasa kwarto na kami.
"Bakit, hija? Anong nangyari sayo bakit parang kinakabahan ka?" - tanong naman ni manang.
"Ano kasi, manang, si Marvin, sabi nya isasama nya raw ako sa acquaintance party nila sa sabado." - sabi ko.
"Talaga? Mabuti naman para mas marami ka pang makilala." - manang Josie.
Napakamot naman ako ng ulo ko.
"E, manang, hindi naman po ako sanay sa ganun e. Mayayaman po diba ang schoolmates nila? Ano namang panama ko sa kanila?" - ako.
"Nako, Nayah, hindi naman nila tinitignan ang estado ng isang tao kapag may party. Iilan na lang siguro ang ganun, pero kasama mo naman 'yung anim kaya wala kang dapat ipag-alala. Saka 'wag kang matakot ipakita ang sarili mo, 'wag kang mahiya." - manang.
Napatango naman ako.
Tama si manang Josie. Sinabi ko sa isa sa kambal na 'be yourself' lang kapag nasa party, bakit parang hindi ko ata maisip na gawin sa sarili ko? Hay! Ang hirap naman kasi e! Bakit kasi biglaan?!
-----
Sabado. Inayos ko na ang damit nung lima. Plinantsa at inilagay sa hanger ang bawat isa. Bahala na lang silang kunin ang kanila. Malay ko ba kung alin ang kanila sa mga 'yan.
Inayos ko na rin ang isusuot ko. Hindi ko ito binili, hindi na ako bumili kasi marami naman akong blouse dito. Pants lang ang susuotin ko.
"Yah! Duwende, where's my clothes?" - tanong agad nung monkey eating alien na mahilig mag-'Yah!' pagdating nya.
"A, nandon na po. Kayo na lang po ang bahalang tumingin ng inyo." - sagot ko lang.
"Tss." - nasabi nya lang.
Napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.
Nagulat ako dahil sa nakita ko.
"Wow naman! So, kapag may party kailangan din palang magpakulay ng buhok? Di ako na-informed a!" - sabi ko naman.
Nagpakulay sya. Parang brown hahaha.
Tumingin naman sya sakin.
"Bakit? Kasama ka ba?" - inis na sabi nya.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya saka tumango.
"Aysh! Sinong nag-invite sayo? Bawal doon ang mga pader!" - sigaw pa nya.
Tinignan ko naman sya ng masama.
"Mas bawal doon ang mga unggoy!" - sabat ko naman.
"Tss. Dyan ka na nga! Tse!" - sabi nya sabay irap.
Lakas maka-bakla, te! Hahaha.
"Hello po, miss Nayah." - bati nung isang alien sa likod ko.
"Woah! Pati po kayo, sir, nagpakulay? Pero bakit po kayong tatlo hindi?" - ako.
May isa pang alien doon na medyo blonde ang kulay ng buhok. Pero 'yung tatlo ay black pa rin.
"A. Wala na po kasing time e. O, kasama ka po sa party diba? Magbihis ka na." - 'yung black ang buhok.
"Talaga? Kasama si babe sa party? Yes!" - tss, sir John na black pa rin ang buhok.
"A, s-sige po. Eto po pala ang mga damit nyo." - sabi ko lang.
Kinuha na nila ang mga damit nila at umakyat na sa kani-kanilang kwarto. Pumasok na rin ako sa kwarto namin ni manang at naligo na.
-----