Chapter 22

30 2 2
                                    

NAYAH's POV

Nakaupo lang ako dito sa table ng mag-isa. Buti naman at walang tao dito. Gusto ko muna kasi ng tahimik na buhay. T.T

"Kuya! Pahingi naman ako." - tawag ko sa waiter nang makita ko syang padaan sa table na inuupuan ko.

"Sigurado po kayo, ma'am?" - tanong naman nya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Oo, kuya. Kanina pa ako nauuhaw e. Dali na!" - sagot ko.

Tumango na lang sya saka inabutan ako ng juice.

"Salamat." - ako.

Hay! Makakapag-relax na rin sa wakas!

Unang lagok.

"Pwe! Bakit ang pait? Pero 'yaan na. Pwede na 'to." - ako.

Tumingin ako sa paligid. Okay, payapa pa rin ang buhay ko.

Sumandal na ako sa sandalan ng upuan at nagpatuloy na sa pag-inom ng juice.

Maya-maya lang ng konti, medyo nakaramdam ako na para bang nahihilo ako.

"Bakit ganun? Ngayon pa lang ba ako tinamaan ng after shock dahil sa sayaw? In fairness, medyo late sya." - sabi ko.

"Nayah, sino ang kausap mo?" - rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Nagtataka akong tinignan 'yung basong hawak ko.

"Nakakapagsalita ka???" - manghang tanong ko sa baso.

"Ano bang nangyayari sayo?" - tanong ulit nung boses.

"Hala sya! Akala ko alien lang ang meron dito sa Earth, pati pala nagsasalitang bagay meron din. Ibang klase!" - sabi ko habang titig na titig pa rin sa baso.

Bigla namang may kumalabit sakin mula sa likuran kaya napatingin ako sa kanya.

"Mukha na ba akong baso?" - tanong naman nya.

"O, Marvin, ikaw pala. Kanina ka pa dyan?" - tanong ko rin.

"Hay! Para ka namang lasing, Nayah! Ano bang iniinom mo?!" - Marvin.

Kinuha nya ang basong hawak ko na may laman pang kalahating juice saka inamoy.

"Aysh! Bakit uminom ka ng beer?! Sinong nagsabing pwede mong inumin 'to?!" - tanong nya pagkatapos nyang amuyin 'yung baso.

"B-Beer? Hahaha! Nagpapatawa ka ne, Marvs? Kulay blue 'yan, panong naging beer 'yan? Ikaw a, loloko mo Nayah!" - ako habang tinuturo pa sya.

Napakamot naman sya sa batok nya.

"Aysh! Hintayin mo ako dito." - sabi nya saka nagmadaling umalis dala 'yung juice ko.

"Oy! 'Yung juice ko! Oy!" - habol ko pero hindi na sya lumingon.

Ewan ko sayo! Makasayaw na nga lang!

Pa-gewang-gewang akong tumayo at naglakad papunta sa dance floor.

"Ganto ba talaga kalakas ang tama ng after shock sakin?!" - tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako.

Nung nakarating na ako sa gitna, bigla namang nag-iba ang mood ng music. Naging sweet song ulit!!!

Kumunot ang noo ko saka tinignan ng masama ang kinaroroonan ng DJ.

"HOY! KUYANG DJ! KANINA KA PA A! PINAGTITRIPAN MO BA AKO???" - inis na sigaw ko mula dito sa baba.

"Anong problema nya?"

"Sino kaya 'yun?"

Ngayon masusugod ko na siya. Kainis e!

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon