Chapter 23

13 1 0
                                    

NAYAH's POV

"Saan na naman kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap." - agad na tanong ni Marvin pagdating namin.

"At saka bakit suot ni miss Nayah ang sapatos mo, Pete?" - isa sa mga kambal.

"A, ano kasi, su---" - paliwanag ko sana kaso inunahan ako nung menopause alien na 'yun.

"She's hurting because of this sh*t." - sabi ni sir Peter at pinakita pa 'yung sapatos na suot ko kanina na hawak na nya.

Nagulat ako kasi bigla syang nagmura. Oo given na masungit sya, pero diko alam na nagsasabi din sya ng mga ganung word. Iba pala kapag narinig mo mula sa kanya 'yun no? Ang weird lang.

"Oo nga pala. Sorry, miss Nayah, nalimutan ko 'yun kaninang sumayaw tayo." - sabi nung isa sa kanila.

Tumango lang ako.

"Kung nakalimutan mo po, ako si Mike." - ngiting-ngiting sabi nya habang kinakamot pa ang batok.

Medyo natawa naman ako.

"Hahaha! Ano ka ba? Ayos lang 'yun." - sabi ko at pinat pa ang ulo nya.

Napansin ko namang namula ang tenga nya.

"O? Bakit namumula ang tenga mo?" - taka kong tanong sa kanya.

"A-Ano po, ang init po kasi e kaya ganun. A-Aa, upo muna tayo, miss Nayah." - sabi lang nya.

Tumango naman ako at umupo sa inaalok nyang upuan saka tumingin ako sa lima pa.

Teka, bakit sila nakatingin kay sir Michael?

"Uy? Para namang mangangain kayo ng tao sa mga tingin nyo." - puna ko sa kanila.

Hindi sila tuminag. Nung may dumaan na waiter na may dalang tray ng juice, nag-unahan pa sila sa pagkuha.

"Ako muna! Pahingi!" - sir Francis???

"Ako nauna!" - sir John???

"Ako tumawag sa kanya!" - sali naman ni Marvin.

"Bala kayo dyan!" - sir Angelo saka umupo na rin.

Kinuha naman nung isa pang alien 'yung tray saka nilagay sa lamesa. Sir Peter? Statue este is that you???

Napakamot na lang sa batok nya 'yung waiter saka umalis.

Lumingon samin 'yung tatlo na nangaka-pout saka umupo.

"Para naman kayong mga bata! Pahingi ng juice." - sabi ko at akmang kukuha na ng isang baso.

"No!" - sabay-sabay nilang pigil sakin kaya nagulat ako.

Kunot-noo ko silang tinignan.

"Problema nyo, aber?! Parang iinom lang ng juice e." - sabi ko naman.

"Hindi po juice 'to, miss Nayah, beer 'to."

"Ha? E, bakit kulay blue? Kayo a, 'wag nyo akong pinaglololoko." - kunot-noo kong sabi sabay pilit kumuha ng isa.

"Yah! Ang kulit mo!" - sir Francis.

Bigla naman nyang inagaw sakin 'yung baso at ininom ng straight!!!

"Oy! Sakin 'yan e!!!" - reklamo ko naman.

Nakita ko 'yung paglukot ng mukha nya.

"Teka, mapait din ba 'yan?" - tanong ko.

"Tss. Syempre beer 'to." - sagot naman nya.

"Hay! Nalimutan na nya nga." - pailing-iling pang sabi ni Marvin habang nakangiti.

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon