NAYAH's POV
Saan ba ako dadalhin ng isang alien na 'to? Tss. Sya na nga 'yung nanghila, sya pa 'yung nagsusungit!
Ang layo na ng nilakad namin, pero nasa loob pa rin kami ng venue. Pero kasi, ang sakit na ng paa ko! Hello? Naka-heels po ako!
"Teka, sir, kung sino ka man, wait lang po, please? Tatanggalin ko lang po ang sapatos ko, ang sakit na ng paa ko e. Parang awa nyo na po, please?" - sabi ko.
Napahinto naman sya kaya hinila ko na ang kamay ko bago pa sya kumontra.
Yumuko ako para tanggalin ang sapatos ko.
"Aw!" - ngiwi ko.
Napansin kong nagdugo na 'yung sa may likod ng sapatos, parehas pang may sugat! T.T
"Sir, may suga---" - putol kong sabi.
Bigla kasi syang umupo para tignan ang sugat.
Napahinga sya ng malalim bago tumayo.
"S-Saan po ba kasi tayo pupunta? Kanina pa po tayo naglalakad e." - tanong ko naman.
Pero hindi pa rin nya ako sinasagot. Tinignan nya lang ako. Ako naman e umiwas ng tingin.
Nagulat na lang ako nang bigla nya akong buhatin!
"Ay! T-Teka, sir!" - ako.
Ano bang ginagawa ng alien na 'to? Binuhat nya lang naman ako ng parang pambagong kasal! Enebe! Ang lapit ng mukha nya sakin! Nakakailang kaya! >.<
Naglakad sya ng kaunti tapos binaba nya ako sa may pwedeng maupuan yata, sa semento na nakapaikot sa puno. Nasa may parang garden kasi kami.
"Sit." - utos nya.
"Tss. Ano po ako? Aso?" - ako.
Tinignan nya lang ako.
"Sabi ko nga po uupo na." - ako.
Umupo na nga ako. Sya rin ay umupo, pero hindi sa inupuan ko. Umupo sya sa harap ko at tinignan ulit ang likod ng paa ko na may sugat.
"A-Ayos lang naman po 'yung s-sugat ko, hindi naman po masakit." - sabi ko.
Muli, hindi nya ako pinakinggan. Tss. Menopause alien, ikaw ba 'to?!
May kinuha sya sa bulsa nya.
"Wow naman, ready'ng-ready ka po a, sir. Alam nyo po bang masusugat ako kaya nagdala kayo ng band aid?" - sabi ko naman.
Kinunutan nya lang ako ng noo. Tss. Si sir Peter nga 'to, sungit e!
Kinuha nya ang paa ko at nilagay sa hita nya saka nilagyan ng band aid.
"Sir, ako na po ang maglalagay. Kaya ko naman po e." - ako.
"Can you just please keep quiet?" - masungit na sabi nya.
"Sabi ko nga po e, sir Peter!" - madiin kong sabi sa pangalan nya saka tumingin na lang sa gilid ko.
Pagkatapos nyang lagyan ng band aid 'yung dalawang sugat sa paa ko, umupo sya sa tabi ko. Tumingin naman ako sa kanya.
"Sir, nga pala, bakit nyo nga po ba ako hinila? Ano pong kailangan nyo?" - tanong ko.
Nakatingin lang sya sa harap nya. Pero maya-maya, nagsalita sya.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" - sabi nya.
Kumunot ang noo ko.
"Sir? E, ang pagkakaalam ko po, kayo po ang humila sakin dito, diba? Bakit po ako ang tinatanong nyo nyan?" - ako.