Chapter 24

19 1 0
                                    

NAYAH's POV

Jusko! Ano nang gagawin ko sa anim na 'to?! Nandito lang naman sila sa living room ng bahay ng mga kambal. Nakauwi na kasi kami. At oo, nandito rin si Marvin. Diko alam bahay nila e. -.-

"Bakit ba kasi hindi ko pinasama sila Jennifer?" - sisi ko sa sarili ko.

Wala kasi akong katulong magbuhat sa kanila ngayon. T.T

Si manong, nagpapahinga na. Tinulungan nya lang ako sa pagbaba sa mga ito tapos umalis na. Si manang naman, ayoko nang gisingin. Medyo late na rin kasi e.

"Hay! Jusko! Panibagong pagsubok na naman!" - sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko muna sila isa-isa.

"Sabihin nyo, paano ko kayo ihahatid sa mga kwarto nyo kung hindi ko alam kung ano at sino ang katauhan nyo? Ha?! Ha?! Sabihin nyo nga?! Tss. Maglalasing kasi kayo ng ganyan, di nyo man lang iniintindi ang sitwasyon ko! Bala kayo dyan!" - panggagalaiti ko naman sa sitwasyon ko ngayon.

Tumalikod ako sa kanila at magpapalit na sana ako ng damit ko nang biglang may nagsalita.

"Ahh! Lamegg!" - sabi nung boses.

Nung tumingin ako sa kanila, nakita ko 'yung isa sa kanila na mukhang nilalamig nga.

"Aysh! Kailangan talaga konsensyahin ako?!" - sabi ko.

Napakamot naman ako sa ulo ko at nilapitan ang isa sa kambal na may kulay blonde ang buhok, si sir Angelo.

"Ikaw muna unahin ko, ikaw may palatandaan e." - sabi ko habang nakatingin sa buhok nya.

Kinuha ko ang kanang kamay nya at hinila para ilagay sa balikat ko.

"Mmmpp..." - ungol nya pero hindi naman sya nagising.

Inalalayan ko na sya sa pag-akyat.

"Jusko! Bakit ganto 'to kabigat? At isa pa lang 'to, lima pa ang naghihintay sa baba! Ayst! Lalo akong liliit nito e!" - reklamo ko pero wala naman akong magagawa.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat bitbit ang sleeping alien na 'to.

Pagdating sa taas, agad akong nagtungo sa harap ng kwarto nya.

"Teka, ito nga ba ang kwarto mo?" - tanong ko kay sir Angelo kahit alam kong hindi nya man ako sasagutin.

Bahala na nga. Binuksan ko na ang pinto saka agad ibinaba sya sa kama nya. Inalis ko rin ang sapatos nya at kinumutan sya.

"Hooo! Okay, one down, five more to go!" - sabi ko saka lumabas sa kwarto nya at bumaba na.

Sino ang isusunod ko?! A! 'Yung isa pang may kulay ang buhok.

"Tss. Monkey eating alien, you're next!" - sabi ko at lumapit ako sa kanya.

-----

Maaga akong nagising kinaumagahan. Nagluto agad ako ng almusal nung lima pati na rin si Marvin.

"Nayah, ang aga mo namang bumangon. Lingo naman ngayon." - sabi ni manang pagdating nya.

"E, manang, nasanay na rin naman ako na maaga gumising kaya okay lang po." - sagot ko naman.

"Anong oras pala kayo nakauwi kagabi? Hindi mo na ako ginising." - manang.

"Mga 11:30 na rin po siguro, hindi ko na po kayo inabala." - ako.

Tumango na lang si manang saka tinulungan ako sa paghanda sa kusina.

Maya-maya lang...

"YAH!!! NASAN AKO???" - malakas na sigaw ng isang alien mula sa taas.

Maid Of Five Alienated KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon