NAYAH's POV
Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa ginawa ni sir Peter kanina. Para syang sinapian ng kung anong klaseng nilalang e.
"Waaa~ ate Nayah! Paano mo naging close ang isa sa limang kambal?"
"Oo nga po! Ang swerte nyo!!!"
Nanghihila ng wala man lang dahilan.
"Ate Nayah? Ayos ka lang po?"
Akalain nyo 'yun?! Pati pala mga alien ay sinasapian din.
"Saan po ba kayo galing? Ang tagal nyo pong nawala."
"Kasama nyo po ba sya mula kanina?"
Pero ang tanong lang, bakit nya ginawa 'yun? Ang sungit nun uy!
"Bakit parang nawala sa sarili si ate Nayah?"
"Baka kasi hindi sya maka-get over sa nangyari!"
Kaya ayun! Magsasagawa ako ng research kung bakit biglang nagin---
"Ate Nayah!!!!!" - biglang sigaw nung dalawang nasa gilid ko.
"Aray! Ang sakit a!" - reklamo ko habang nakatakip sa magkabila kong tenga.
Kinunutan ko sila ng noo.
"Bakit ba kayo sumisigaw? Pwede naman magsalita nang mahinahon e." - sabi ko.
"Hay, nako! Ate, naka-tatlong try na po kami nyan pero hindi umubra kaya sumigaw na kami." - Sandy.
"Ganun? Hehehe." - ako.
"Pero, ate, saan ka po ba kasi galing? Kasama nyo pa po 'yung isa sa mga wafung Carrasco Brothers. At ano pong nangyari sa inyo?" - tanong ni Alexandra.
"Oo nga po. Para kasing nawala kayo sa katinuan e hahaha." - Elyn.
"Tss. Sinugat ako nung bwisit na 'yun!" - sabi ko habang hinahanap ang table number nung menopause alien na 'yun at tumingin ng masama.
"O, my! Sinugat? Where? Sa lips?" - pabulong na tili ni Ann.
Nanlaki naman ang mata ko saka ako kinilabutan. Feeling ko namula rin ako dahil sa sinabi nya.
"An-Ano ba 'y-'yung sinasabi mo?! Nasugat ako sa paa ko dahil sa suot kong sapatos gawa ng paghila nya sakin. Ang dudumi ng isip nyo!" - sabi ko naman sabay iwas sa mga tingin nilang nakakaloko.
Tumawa naman sila.
"Pero bakit ka po namumula? Ano pa po bang nangyari? Yiiie~"- tukso pa ni Jennifer.
Napakamot naman ako ng ulo ko.
"Aysh! Ang kukulit nyo talaga! Walang nangyari, okay? Tinopak lang siguro 'yung menopause alien na 'yun kaya nanghila na lang bigla." - ako.
"Teka, menopause alien po?" - gulat na tanong ni Kyla.
"You mean, 'yung alaga nyo pong alien?" - dugtong pa ni Elyn.
Napahinga naman ako ng malalim.
"I think it's about time." - seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga nakakunot nilang mukha.
Pinipigilan kong matawa kasi sobra silang naka-focus sa sinasabi ko.
"The Quintuplets, which is the Carrasco Brothers, sila 'yung tinutukoy kong mga alien, mga alaga kong alien." - seryosong-seryosong sabi ko.
Pffft! Teka, wait! Natatawa talaga ako hahaha! Pero, kailangan kong pigilan! Pano kasi, namutla kasi 'yung iba sa kanila, 'yung iba nanlaki ang mata. Ang bad ko ba? Hehehe.