FRANCIS' POV
"A-Aa, haha! Haha! Haha! Hindi ka naman lasing diba? Pero ang lakas ata ng tama mo." - rinig kong sabi ni miss Nayah.
Magkasama sila ngayon ni kuya Marvin, nakahawak si kuya sa bewang nya tapos sya naman ay sa balikat ni kuya. Tss. What a scene?!
Natawa naman si kuya Marvin.
"Alam mo, gutom lang 'yan! Tara kain ulit tayo! Naku!" - sabi naman ni miss Nayah.
Bumitaw na sa kanya si duwende pero agad ding napakapit ulit.
"He-Hehehe, malalim pala rito no?" - sabi pa nya.
Tss. Palibhasa duwende kaya malalim para sa kanya 'yung hanggang dibdib samin.
Tumawa lang ulit si kuya tapos pinat pa ang ulo nya.
"Ikaw talaga!" - sabi pa nya habang malawak na nakangiti kay duwende.
"Yah! Hindi pa ba kayo matatapos? Gutom nako! Gusto kong sandwich at juice!" - singit ko sa dalawa.
Gulat na napatingin naman sila. Biglang napabitaw si miss Nayah kay kuya Marvin dahilan para muntik na syang malunod.
Agad ko naman syang nilapitan at hinawakan sa kanan nyang braso para iangat. Napansin kong ganun din ang ginawa ni kuya Marvin kaya napatingin ako sa kanya.
-----
NAYAH's POV
Naka-pagitan ako sa dalawang wafung alien at shokoy na 'to habang nasa pool.
Okay? Anong nangyayari? Bakit parang nagsusukatan sila ng tingin?
"E-Ehem! Sir Francis? Marvin? Tara ahon na tayo. Gutom ka na diba, sir Francis?" - pagitan ko na sa dalawa.
Parehas naman silang napatingin sakin kaya medyo natakot ako at napayuko.
Sabi ko nga hindi nako magsasalita. >…<
Bigla namang may bolang napadpad sa direksyon namin kaya kinuha ko.
"Bitawan nyo na ako. May salbabida na ako o." - sabi ko.
Pero wa-epek pa rin.
Bigla namang may kumuha ng bola sa kamay ko.
"Thank you po." - sabi nya lang tapos tumalikod na.
Agad naman akong bumitaw sa dalawa.
"W-Wait! Tangayin mo na rin ako kung sino ka man!" - sabi ko at kumapit na sa braso nya.
Nakatingin lang sya sakin. Walang emosyon.
Omo! Si sir Peter ba 'to? Pero sige! Wala na akong choice!
"Dali na bilis!!!" - sabi ko at tinulak sya kahit magkanda-lubog na ako sa tubig.
"Yah! Duwende! / Nayah!" - rinig ko pang sabi nung dalawa.
Pero hindi ko na sila nilingon.
-----
Hay! Juice ko! Salamat at nakatakas ako sa alien at shokoy na 'yun! Grabe, ganun na ba kahaba ang hair ko para pag-agawan nila?
"Assuming mo 'te!" - sabi nung isang side ng utak ko.
"Ay grabe sya! Hindi man lang ako suportahan! Minsan lang e!" - kontra ko naman sa utak ko.
"Sino pong kausap nyo?" - ???
Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Marlia.
"A-Aa, angel, ikaw pala. M-May iniisip lang ako." - palusot ko sabay ngiti ng malaki sa kanya.