1
Tanya's POV
"TANYA!!!!" napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw ng nag-iisang buang na bestfriend sa buhay ko. Langya talaga oh! Jusko Arkie kahit kailan talaga ikaw malas sa'ting dalawa.
Dumampot ako ng isang baby wipes para punasan ang lipstick na lumagpas sa mukha ko dahil sa gulat. "Tanya Marie Montenegro!" pag-uulit niya sa pagtawag sa pangalan ko. Aba't whole name pa talaga ah!
"Teka lang! Langya ka ang aga mo namang dumating! 9:28pm palang oi!" sigaw ko sa kanya pabalik habang nakadungaw sa bintana ko at nagsusuklay.
Pupunta kasi kami sa isang lugar dito sa Redwood dahil may halloween party doon at makikiparty kami. Kakaurat nga at kailangan pang may custome, pero syempre hindi ako nagcustome.
"Pa! Alis na po ako!" sigaw ko habang bumababa sa hagdan. Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate agad akong hinila ni arkie papuntang kotse niya.
"Hoy teka!" angal ko sa kanya.
"Bwesit kang babae ka!" sigaw niya sakin habang pinapaandar ang kotse niya.
"Oh ano na naman nagawa ko?" kunot-noo kong tanong habang nakataas ang isa kong kilay.
"Akala ko ba kasi magcucustome tayo!bwesit nauto mo na naman ako!" Pagwawala niya.
Napahalakhak ako ng sobra ng magrealize ko kung ano ang suot niya.
"Boba sa dinami-dami kasi ng pwedeng icustome bakit fairy pa?HAHAHAHAHAHA" Pang-aasar ko sa kanya. Bigla niya akong binatukan.
"Aray!" Iyak ko.
"Isa pang-asar hindi na talaga ako tutuloy!" Giit niya habang diretso lang ang tingin sa kalsada. Napakamot ako sa batok dahil sa sakit.
"Sorry na besh! Alam mo namang mahal na mahal kita diba? peace na tayo! sige ka pag hindi ka tumuloy ako lang makikinabang sa mga boylet don." Giit ko at bigla niya namang naihinto ang kotse sabay tingin sa'kin ng nakakunot ang noo.
"Aba! Hindi ako papayag noh! bruha ka ang ganda-ganda nitong custome ko!mang-aakit ako BWAHAHAHAHAHA" nabaliw na nga talaga hayst.
Bumalik naman siya kaagad sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan napakatahimik at walang kabahay-bahay at puro puno lang ang makikita.
"Hoy Arkie sure ka ba na dito yung venue? Mukhang walang tao e." takot kong sambit. Lintek baka murderin pa ako nito huhu.
"Ano ka ba Tanga ay este Tanya hehe, Oo naman sure na sure ako noh! tara na!" taas noo niyang sambit. Tse!Tinawag pa akong tanga.
----
Nakakainis naman kanina pa kami lakad ng lakad hindi parin kami makarating sa party. Nakakakilabot na nga ang lamig-lamig pa.
"Arkie saan na ba yung party? mukhang naliligaw na tayo e." nag-aalala kong tanong. Halos nakakapit na ako sa braso niya dahil sa kaba.
"Relax nandito na tayo" giit niya sabay hawi ng isang malaking kurtina at tumambad sa amin ang isang pinto na gawa sa metal.
Huh ngayon ko lang nakita 'to ah. Saan kaya nanggaling 'to?
Binuksan ni Arkie yung pinto at para akong nabingi dahil sa sobrang lakas ng tugtug na nanggagaling sa baba. Kaya pala hindi namin marinig yung music, underground pala at metal pa yung pinto.
"BESH!!" Halos pasigaw na ako kung magsalita.
"HOY ARKIETOT!" hinampas ko yung mukha ni arkie para lang mabaling sa'kin yung attensyon niya.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...