Chapter 8: Lead us not into Temptations

6 0 0
                                    

8

Lance's POV

Wala akong kasiguraduhan kung naroroon nga si Tanya pero hindi parin kami tumigil sa paglalakad kahit na alam namin ang panganib na naghihintay sa amin.

Umiiyak parin si Arkie at si Bianca. Halos hindi na rin sila mapakali dahil sa sobrang takot, lalo na si Arkie na labis na ang pag-aalala sa matalik na kaibigan.

"I think it's a good idea kung ako nalang ang tutuloy, magtago nalang kayo." natigil ako sa paglalakad at sinenyasan silang lahat na mag tago na lamang at ako nalang ang papasok dahil masyadong mapanganib.

"H-huh? e.." sasabat pa sana si Arkie ng pigilan siya ni Church.

"Tama siya Arkie, mag tago nalang tayo. Siya na ang bahalang magligtas kay Tanya." giit ni Church na agad namang sinang-ayunan ng iba pa naming mga kasamahan.

Magsasalita pa sana siya pero agad ko na silang sinenyasang manahimik na at magtago. Ito lang ang tanging paraan na alam ko para mailigtas ng maayos at walang nasasaktan si Tanya. It's my fault tho.

Pinatago ko ulit silang lahat sa ibaba ng kalsada dahil 'yun lang ang lugar na hindi pupuntahan ng mga payasong iyon. Habang ako naman ay patuloy na naglalakad patungo sa malaking bahay na iyon. Sa pagkakaalam ko, matagal ng abandunado ang bahay na iyon. Matagal na ring panahon ang nakalilipas ng pumanaw ang may-ari ni'yan.

Kaba, 'yan lamang ang tanging nararamdaman ko sa aking sistema. Madilim at napakasangsang ng paligid, kahit saan ko ata itutok ang dala kong flashlight ay may nakikita akong bangkay ng mamamayan dito sa Redwood.

Agad na naging alerto ang diwa ko ng makarinig ng isang kaluskos mula sa kahoy. Kahit na alam kong hindi nila ako sasaktan, kinakailangan ko paring maging maingat dahil madilim ang paligid.

"Sinong nandyan?!" sigaw ko upang malaman nila na ako lang naman ang naririto.

Mahigpit ang hawak ko sa aking baril habang nakapaibabaw naman dito ang flashlight ko. Muli akong nakarinig ng mga kaluskos ngunit may kasabay ng mga yapak ng paa. Nasisigurado akong may tao o nilalang na nakatingin sa akin.

"Sino ka?! magpakita ka kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!" mayabang kong sigaw habang mahigpit parin ang kapit sa baril.

Unti-unti kong naririnig na papalapit sa kinatatayuan ko ang mga yapak. Nakahanda na sana akong kalabitin ang gatilyo ng bigla na lamang itong magsalita.

"A-ako lang 'to, Lance." nanghihinang niyang sambit. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng matamaan ng liwanag ng flashlight ko ang kung sino mang nakatayo sa harapan ko— si Marko, ang Kuya ni Tanya.

"Pwe! akala ko naman kung sino." napahinga ako ng malalim ng makita ang mukha niya.

May mga galos na ito sa mukha at halos maging kulay pula na ang suot niyang kulay puting v-neck t-shirt. May hawak itong baril at sa kabilang kamay naman ay flashlight na naka-off. Napansin ko rin ang isang malaking patalim na nakasukbit sa kanyang likuran— isang samurai.

"Bakit ka nandito? alam mo bang mapanganib dito?" nagtataka nitong tanong. Halatang hindi niya pa alam ang kinahinatnan ng kanyang bunsong kapatid.

"Kailangan kong iligtas si... si Tanya." nanlulumo kong sambit habang nakayuko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya at napahawak ng mahigpit sa kanyang baril.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?! bakit siya nandiyan?! ha!" nagulat ako ng bigla na lamang niya akong hawakan sa kuwelyo at tutukan ng baril sa ulo.

Dali-dali akong napataas ng dalawang kamay habang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. "W-wala akong kinalaman! pare, h-huminahon ka! pasensya na at h-hindi ko siya natulungan ng kidnapin siya ng mga bayolenteng payasong iyon!" giit ko naman habang nanlalaki parin ang mga mata.

Agad niyang nabitawan ang kuwelyo ko at napaupo na lamang habang nakasapu sa ulo. Mukhang nagsisisi itong hindi kaagad niya hinanap ang kapatid. Napansin kong may luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata.

"Dapat hinanap ko kaagad siya, kasalanan ko 'to! masyado akong nagpabaya, nawalan na nga ako ng Papa mawawalan pa ba ako ng kapatid?!" umiiyak nitong sambit habang umiiling-iling.

Parang kinurot ang puso ko ng marinig ko ang huli niyang sinabi. Hindi naman siguro nila sinaktan si Tanya diba? sana lang at hindi.

Nagsquat ako upang maging magkapantay kami. Kahit hindi ako sanay na makakita ng lalaking umiiyak, ginawa ko paring patahanin siya at palakasin ang kanyang loob.

"Pare, walang magagawa ang pag-iyak mo dito! Kailangan nating mailigtas si Tanya bago mahuli ang lahat! Stop being a dramatic brother and get your ass in there with me and save her! Halika ka na!" pasigaw kong bulong.

Natauhan naman siya sa sinabi ko at dali-daling tumayo kaya napaatras ako ng bahagya. Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi at agad na binunot ang samuria na nakasukbit sa kanyang likod.

"Tara na." matigas at punong-puno ng pag-asa niyang sambit at nagpatuloy sa paglalakad.

Dali-dali naman akong sumunod habang hawak-hawak ko parin ang baril ko. Nang malapit na kami sa tapat ng pinto ay agad ko siyang hinigit papuntang gilid upang magtago ng makita ko ang isang bantay. May hawak itong itak at mukhang alerto ito sa pupwedeng mangyari. Mukhang mahihirapan kami dahil sa laki nito.

Bigla akong nakaisip ng ideya at agad ko itong binulong kay Marko, agad niya naman akong sinang-ayunan. Mabilisan siyang nagtungo sa gilid ng bahay para patayin ang nagbabantay. Habang hawak ang samuria, mabilis niyang inihampas ang talim nito sa leeg ng payaso ng makalapit dito. Agad namang nagsitalsikan ang mga malilit na peraso ng dugo't laman. Agad akong napamura sa nasaksihan.

"Lance!" pasigaw na bulong ni Marko na handa ng pumasok sa loob. Agad na napukaw ang diwa ko at agad na sumunod sa kanya.

Kung papasok kami sa pintong ito, paniguradong napakarami nila sa loob. Ang kailangan namin ngayon ay ang makahanap ng pupwedeng mapasukan, gaya ng basement! Naalala ko na! noong mga bata pa kami, lagi akong napapadpad dito at lagi akong nagtatago sa basement nito!

"Doon tayo sa likod! may hagdan doon pababa ng basement, nasisigurado kong walang ni anong nilalang doon!" maotoridad kong sambit at dali-daling nagtungo sa likod ng bahay kasunod si Marko.

Agad akong nabuhayan ng pag-asa ng makita ang isang maliit na hagdan na tinatakpan ng doubled door. Ito ang daan papuntang ibaba.

Dali-dali ko itong binuksan at agad na bumaba roon. Napakasangsang ng amoy na tanteya ko ay galing sa itaas. Maraming alikabok din sa paligid at halatang matagal na talagang napabayaan. Naririnig ko ang mga nakakatakot nilang hagikhikan na animo'y masayang-masaya sa ginagawa. Napabalikwas kaming dalawa ni Marko ng bigla kaming makarinig ng sigaw ng babae.

Tanya!!

End

note: sorry for the short update :((

Thank You for Reading!

Vote & Comment :)

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon