Chapter 14: The Story behind everything.

9 1 0
                                    

14

Tanya's POV

Halos nalibot na ata namin ang buong Man Hole ngunit hindi parin namin sila nahahanap. Napapagod na ang mga paa ko at mas lalo pang humahapdi ang mga sugat ko. Muling dumugo ang sugat ko sa noo na dahilan upang balutin na naman ng dugo ang mukha ko pero hindi ko na ito ininda pa.

"Guys, maybe we should rest." giit naman ni Violet at hinila ako para maupo.

"Wth happened there?" tanong niya sabay turo sa sugat ko sa noo.

Umiling ako dahil ayaw ko ng maalala pang muli ang pasakit na naranasan ko sa loob ng mansyong iyon. Ngumiwi siya at naupo na lamang din sa tabi ko habang si Kuya ay alertong nagmamasid sa paligid.

"Hey! Magpahinga ka na rin! Wala namang demonyong nilalang dito kasi hindi naman sila kakasya sa maliit na butas ng Man Hole, idiot." sarkastikong sambit ni Violet dahilan upang matawa ako ng bahagya.

Ngayon ko lang din napansin ang sinabi niya. Hindi nga talaga kakasya ang mga dambuhalang payasong iyon sa butas ng Man Hole. That gives me chill pero nag-aalala parin ako para kina Arkie.

"What's your friends name again?" napalingon ako sa naging tanong sakin ni Violet.

"Arkie, bakit--" sagot ko ngunit bago pa man ako makapagtanong kung bakit ay agad siyang sumigaw na nagpalaki ng mata naming dalawa ni Kuya.

"ARKIEEEE!!! FUCKING ARKIE KUNG SINO KA MAN! WHERE THE HELL ARE YOU AND YOUR STUPID FRIENDS?!" ubod ng lakas niyang sigaw na agad namang nag-echo sa buong paligid ng Man Hole.

"What the fuck is that for?" iritang tanong ni Kuya ngunit nginisian lang siya ni Violet.

"Nakakapagod na silang hanapin kaya mas okay kung sila naman ang maghahanap satin. Like what I've said, it's okay if we just chill in here because those fucking clowns can't even fit a single toe in the entrance of this annoying Man Hole. Feel free to shout." nakangisi niyang sambit.

Natatawa ako sa kanya. Wala siyang takot sa kahit na anong pwedeng mangyari. Nagpapatayan na lahat-lahat pero nakachill parin ang mood niya. What a cool person.

Muling nanlaki ang mga mata ko ng may sumigaw ulit, this time hindi na si Violet kundi si Kuya Marko na.

"ARKIE! ASAN NA BA KAYO?! NANDITO LANG KAMI!! SUNDAN NIYO ANG BOSES KO!! ARKIE!!! CHURCH!! AT KUNG SINO PANG KASAMA NIYO!!!"

"ARKIE!! ASAN NA BA KAYO?!!!!!" nakigaya na rin ako sa ginawa nilang dalawa. Natatawa ako habang humahangos ngunit agad itong napalitan ng kaba ng bigla na lamang may tumama na isang bala ng pana sa paanan namin.

Mabuti na lamang at hindi ako natamaan o si Kuya dahil mabilis na nablock ito ni Violet.

"What the hell was that?" iritadong tanong ni Violet kasabay nito ay pagtayo niya at ang paghugot ng samuria na nakasukbit sa likod ni Kuya.

"Wait! Baka sina Arkie 'yun!" giit ko pero hindi niya ako pinansin. Tumayo na rin kami ni Kuya.

"Bobo! bakit mo tinara! paano kung natamaan natin sila!" nagulat ako ng biglang marinig ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan kaya hinawakan ko si Violet senyas na okay lang.

"Arkie?! Kayo ba yan?!" sigaw ko.

"Tanya!!" nagulat ako ng bigla na lamang siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh my god! Arkie you're safe!" iyak ko habang nakayakap rin sa kanya.

"You too! Akala ko kung ano nangyari sayo!" iyak niya rin. Kumawala ako sa yakap niya at tiningnan silang lahat.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon