Chapter 21: Death

2 0 0
                                    

Tanya's POV

"Ama! Ama! Maawa ka sa kanila! Pakiusap wag mo silang patayin!" sigaw ako ng sigaw habang pilit na nilalapitan si Ama ngunit pilit rin akong inilalayo ng kanyang mga kawal. Hindi ko na mawari pa ang dapat kong maramdaman ng mabalitaan ang iniutos ni Ama.

"Wala na akong magagawa pa, Anthea! Ito ang makakabuti sa mga mamamayan! At hindi na magbabago ang desisyong nabuo na!" sigaw din sa akin pabalik ni Ama. Siya ang hari ng Fordox Townsville, kung saan kami nakatira at kung saan ko nakilala ang taong minahal ko ng buong puso.

Simula ng maghiganti ang Ama ni Lewis ay nagkagulo na ang mga tao sa bayan. Hindi namin alam kung paano nagawa ng Ama ni Lewis iyon. Dahil sa sobrang galit ng mamatay ang asawa niya. Lahat ng tao ay nagpapatayan at hindi na macontrol pa ang kanilang mga sarili. Nakakatakot. Nakakahilo ang mga nangyayari. Simula ng magtagumpay siya sa kanyang binabalak ay tinawag niyang Bayan ng Sawquin ang Fordox Townsville. Walang awa niyang pinatay ang mga taong wala namang labas. Ilang araw na kaming hindi lumalabas ng palasyo upang maging ligtas. At sa kasamaang palad ay ngayon ko lang nalaman ang binabalak ni Amang Hari.

Ipinag-utos niya sa kanyang mga kawal na patayin ang natitirang kamag-anak ni Cleon sawquin at kasama na rin siya doon. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Lewis. Nag-aalala ako at hindi ko mapigilang umiyak. Mahal na mahal ko siya ngunit wala akong magawa upang iligtas siya. Wala siyang kasalanan sa mga nagawang kasalanan ng kanyang Ama. Hindi niya kasalanan... pero bakit? Bakit kailangan niyang madamay!

Nabalik ako sa realidad ng biglang magbukas ang malaking pinto dito sa loob ng kwarto kung saan nakalagay ang mga trono namin. At kung saan nagtitipon-tipon ang lahat.

Lumuhod ang kawal na iyon bago muling naglakad papalapit at nagsalita. "Paumanhi kamahalan kung kinakailangan kong istorbohin ang pag-uusap ninyo." giit niya at tanging isang tango lang ang kanyang natanggap kay Ama at bago magsalita ay isang tingin muna ang itinapon niya sa akin.

"Nag-uumpisa na po ang parusa sa mag-amang demonyo at kinakailangan niyo pong makita iyon." giit nito na nagpatigil sa tibok ng puso ko. Para akong mawawala sa ulirat ng marinig ang mga sinabi niya. Wala na ba talaga akong magagawa?

"Ama! Pakiusap wag niyong idamay si Lewis! Ama! Pakinggan niyo ako! Pakiusap!" sigaw ako ng sigaw pero hindi manlang niyang ako magawang lingonin. Lumapit sa kanya ang isang kawal at may sinabi siya doon na hindi ko narinig. Lumapit sa akin ang kawal na iyon at muli akong hinawakan sa braso at sapilitang hinihila palabas ngunit hindi ako nagpatinig. Siniko ko ang tiyan ng isang kawal at ang isa naman ay tinadyakan ko sa paa dahilan para mabitawan nila ako at dali-dali akong tumakbo papalapit kay Ama.

"Ama! Maawa ka sa akin! Nakikiusap ako wag niyong papatayin si Lewis!" sigaw ako ng sigaw habang nagmamakaawa sa paanan ni Ama ngunit naging matigas ang kanyang puso. Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin at kasabay nito ang pagsampal niya sa pisngi ko.

"Haring Fabio! Tama na iyan! Anak niyo ang sinampal ninyo!" narinig ko ang boses ni Ina at kasabay nito ang paglapit niya sa akin. Tinignan niya ako sa mata at hinawakan ang pisnging nasampal ni Ama.

"Ayos ka lang ba anak?" malambing niyang sambit ngunit hindi ko siya tinugon. "Ano bang nangyayari dito, Haring Fabio?" matigas na sambit ni Ina na ngayo'y nakatayo na at nakaharap kay Ama.

"Wag ka ng makialam dito Reyna Valerie. Ikulong niyo na si Prisesa Anthea sa pinakamataas na bahagi ng palasyo." narinig kong utos ng Hari. Naramdaman ko na naman ang pagkakahawak ng mga kawal na iyon sa mga braso ko. Hinawakan din nila si Ina na nagpupumilit na pakawalan ako.

"Ama maawa ka! Pakiusap! Maawa ka!" paulit-ulit kong sigaw ngunit kahit isang tingin ay hindi na niya maibigay sa akin.

Naiintindihan ko ang galit ni Ama kay Cleon Sawquin. Pero hindi 'yon sapat para pati si Lewis ay idamay niya! Nag-aalala ako kay Lewis! Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Mag-isa ako ngayon dito sa kwartong madilim at maalikabok. Nakaupo sa malamig na sahig na gawa sa kahoy at hindi ko na alam pa ang dapat kong maramdaman.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon