Tanya's POV
"Violet! Anong nangyayari sa kanya?!" pagwawala ko habang hawak-hawak na ngayon si Lance sa dalawa kong bisig. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, parang pinupunit ang puso ko habang pinagmamasdan na unti-unting naglalaho si Lance.
"H-hindi ko rin alam Tanya." katulad ko ay panay rin ang iyak ni Violet na wala ring magawa sa tabi ko.
Labis na takot ang nararamdaman ko. Akala ko wala ng mangyayaring masama dahil tuluyan na naming napatay ang demonyong iyon! Ngunit, hindi ko inaasahan na kasabay ng pagkawala ni Cleon Sawquin ay ang unti-unti ring paglaho ng taong mahal ko.
"Lance! Pakiusap, wag mo akong iwan!" walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang mataranta habang nakikita siyang naglalaho sa kamay ko.
"Lance! Wag! Pakiusap wag!" paulit-ulit akong nagmamakaawa at paulit-ulit kong pilit na niyayakap ang katawan niya ngunit sa isang iglap ay wala na akong katawang nararamdaman pa. Tanging malamig na hangin ang naiwan at bumalot sa mga kamay ko at kasabay nito ang pagtigil ng tibok ng puso ko.
Hindi ko matanggap na kung saan namang malaya na kaming makakaalis ng ligtas at buhay sa lugar na ito ay tsaka naman siya mawawala. Nanlalamig ang mga kamay ko at walang tigil ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko.
"Guys, anong nangyari--" hindi na natuloy pa ni Arkie ang kanyang sasabihin nang makita ang sitwasyon namin dito. Hindi ko rin siya malingon. Natatakot akong tumingin sa kanya dahil alam kong hindi ko matatago ang tunay na nararamdaman ng puso ko.
Sa maikling panahon na nakasama ko si Lance ay masasabi kong napamahal nga talag ako sa kanya at nang maalala ko ang nakaraan sa amin, lubos akong sumaya at nakaramdam ng pag-asang magkakatulyan kaming muli. Ngunit ngayong wala na siya ay gumuho rin ang pag-asang iyon.
"T-tanya.." narinig kong tawag sa akin ni Arkie at kasabay nito ang paglabas ng mga mahihinang hikbi sa aking bibig na kanina ko pa pinipigilan.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Arkie at kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay sigurado akong tulad ko ay umiiyak din siya.
"Tanya I'm so sorry." umiiyak na sambit ni Arkie. Kumunot ang noo ko kung kaya't agad akong kumawala sa yakap niya at agad siyang hinarap. Nakita ko naman si Violet na nakaupo lang din sa tabi namin at malayo ang tingin.
"Bakit ka nagsosorry?" nagtataka kong tanong. Magsasalita na sana siya nang biglang kumirot ang ulo ko at kasabay nito ang pagpasok ng isang alaala sa isipan ko.
Si Olivia ang matalik kong kaibigan. Halos sabay na rin kaming lumaki at lagi din siyang bumibisita sa palasyo. Siya ay anak ng isang noble family na malapit sa pamilya namin.
Ngunit nagbago ang lahat ng makilala ko si Lewis. Simula ng makilala ko siya at naging malapit kami sa isa't-isa ay palaging si Lewis ang bukang bibig ko kay Olivia. Hindi ko inaasahang sa mga kwentong sinasabi ko sa kanya ay mahuhulog siya kay Lewis kahit pa'y hindi pa niya ito nakakasama o nakikita sa personal.
Huli na rin ng malaman ko iyon dahil kami na noon ni Lewis. Nagalit at lumayo ang loob sa akin si Olivia at alam ko ring siya ang dahilan kung bakit nalaman ng Hari ang sekretong relasyon namin ng anak ng payaso.
Noong pinapagalitan at halos patayin na ako ni Ama ay nakita ko si Olivia na nagtatago sa gilid ng pintuan at masayanga-masaya siya habang pinagmamasdan akong mahirapan.
Nang dahil sa kanya ay ikinulong ako ng Hari sa loob ng palasyo at pinabantayan sa napakadaming gwardya ng palasyo. At nalaman ko ring gustong ipapatay ni Ama ang buong pamilya ni Lewis sa pamamagitan ng pagsuhol at pag-utos niya sa mga kasamahan ni Cleon Sawquin. Habang nagkakagulo sa bayan ay nandito ako sa palasyo at walang magawa. Sobrang natatakot at kinakabahan kung kaya't ng hindi ako makatiis ay pinuntahan ko si Ama at nagmakaawa sa kanya. Ngunit naging matigas ang kanyang puso at muli akong pinakulong sa kwarto. Ngunit sa tulong ng aking kapatid na si Durothy ay nagawa kong makatakas sa palasyo at pinuntahan si Lewis sa kanilang tahanan. Pagdating ko doon ay napakagulo at walang katao-tao ngunit ng akmang aalis na ako ay biglang may tumawag sa pangalan ko. "Anthea? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Lewis.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...