Chapter 11: Confession? Not at all.

7 0 0
                                    

11

Tanya's POV

Napakasakit ng ulo't buong katawan ko. Para akong hinigaan ng higanti at nagkalasuglasog ang katawan. Mahapdi parin ang palapulsuhan ko pati na rin ang dalawa kong paa dahil na rin sa pagkakagapos nito sa alambre.

Nakapikit parin ako habang nakahiga. May katabi ako pero hindi ko kilala kung sino ito. Wala pa akong lakas para maimulat ang mga namumugto kong mata. Ang alam ko lang ay lalaki ang katabi ko at yakap-yakap niya ako ng mahigpit.

Kanina'y narinig ko siyang nagsalita habang umiiyak. Hindi ko lang maaninag ng maayos kung kaninong boses iyon dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong sistema ko.

Nakayakap siya sakin habang ako naman ay nakayap din sa kanya. It's as if he's going to protect me from those evil creatures. I feel so warm and safe. Parang walang sino man ang maaring manakit sa akin habang kasama ko siya, habang nasa tabi ko siya.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Lalong humigpit ang mga yakap na ibinibigay niya sa akin at ibinaon niya ang aking mukha sa dibdib niya. Halatang alam niya ang kanyang ginagawa.

Suminghap ako at naamoy ang pabango niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ko kung kaninong amoy ang nasa tabi ko.

Naalala ko ang mga oras habang karga-karga niya ako sa likuran niya dahil sa malaking sugat na natamo ko ng maaksidente kami sa daan.

Dali-dali kong iminulat ang mga mata ko at kumawala sa mga bisig niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang gulat na gulat.

"L-lance?" nagtataka kong tanong.

"Tanya.." pagtawag niya rin sa pangalan ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko habang binibigkas niya kanina ang pangalan ko.

"A-anong ginagawa mo dito? asan ako? nasaan na ang mga payasong kumidnap sa akin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Naupo ako ng maayos sa kama at ganon din siya. Hinarap niya ako at ang tanging nababasa ko sa mga mata niya ay pag-aalala at takot. Hindi ko maipinta ang nararamdaman niya habang tinititigan ko ang kanyang mga mata.

"Tanya, I'm sorry." nanlulumo niyang sambit na para bang may malaki siyang kasalanan sa akin. Agad na nakunot ang noo ko.

"Bakit? anong nangyari? s-sina Arkie?" patuloy parin ang pagtatanong ko.

"Tanya.. Tanya makinig ka sa akin," natataranta niyang sambit at dali-dali akong hinawakan sa magkabilaang braso.

"L-lance? o-okay ka lang?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya at agad akong niyakap, agad din naman siyang kumawala at muling nagsalita.

"Tanya, kapag ba may nalaman kang masama tungkol sa akin, mapapatawad mo parin ba ako?" nag-aalala niyang tanong. Nakunot naman ang noo ko dahil sa tinanong niya.

I feel something's not right. Nararamdaman ko ang sitwasyong masama. Na parang may mangyayari o mayroon akong malalaman na ikakasakit ng damdamin ko. Muli, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"H-hindi ko alam." tipid at nauutal kong sagot. Natatakot ako, pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin. pero ayoko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay mahal ko na siya?

"Tanya, may kailangan kang malaman. Kailangan ko ng ko-operasyon mo para maitakas kita dito. Nasa basement ang kapatid mo at buhay at maayos siya, hihintayin ka niya doon." maotoridad niyang sambit.

"S-si Kuya? basement? ako lang? p-pero paano ka?" tanong ko naman.

"Hindi ako pwedeng manatili sa tabi mo habang hindi pa tapos ang lahat ng ito. Tanya, gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko. At sana sa oras na may malaman ka ay magawa mo parin akong patawarin. Hayaan mo, babawi ako at tatapusin ko itong lahat. Ang kailangan ko lang ay ang tiwala mo." giit niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya sa aking mahal niya ako. Kailan pa? matagal na ba? nakukuryos ako pero mas nakukuryos ako sa mga bagay na malalaman ko sa oras na makaligtas ako rito. Pero kailangan ko siya, kailangan ko siya sa tabi ko dahil... dahil gusto ko rin siya. gustong-gusto.

"I trust you. Gagawin ko ang sinabi mo. Hindi ko inakalang may magmamahal pa pala sa akin sa ngayon. Lance, I think I like you too. and whatever you may mean about what I'm going to know, I'm pretty sure that I'll forgive you. " nakangiti kong sambit na agad naman niyang kinatuwa.

Dali-dali niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ito na ang huli naming pagkikita. Ayoko, gusto ko ulit siyang makasama. I want him to be with me.

"Kailangan na nating kumilos, ang kailangan mo lang gawin ay sakyan ang mga palabas na gagawin ko pag labas natin dito sa kwarto. Okay? " maotoridad niyang sambit. Agad naman akong tumango at tumayo pero bago ako tuluyang makahakbang ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Wear this. Nakaparumi na ng damit mo." giit niya habang hawak-hawak ang isang dress na kulay pula. Long sleeves ito at hanganng tuhod. Simply ngunit elegante.

Dali-dali ko namang kinuha ang dress at nagtungo sa cr ng kwartong kinaruruonan namin. Kahit na ang daming naglalarong tanong sa aking isipan ay hindi ko magawang makapagtanong dahil ang tanging nasa isip ko ay ang makalabas dito kasama siya at si Kuya. at ang makaligtas ng buhay mula sa Redwood kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Pagpasok ko ng cr ay agad na tumambad sa akin ang isang salamin. Madilim sa loob ng cr at tanging kandila lang ang meron dito sa loob, kahit naman sa labas ay ganoon din. Matagal na at mukhang inaamag na itong bahay.

Agad akong naghilamos ng mukha at inalis lahat ng dugong natitira sa katawan ko at matapos 'yun ay isinuot ko na ang dress na ibinigay sa akin ni Lance.

Perfect. It was a perfect fit. It was as if the dress was really made for me. Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napangiwi ako ng may makitang malaking hiwa sa aking noo at patuloy itong dumudugo. Agad kong pinunit ang bahagi ng dati kong suot na dress at agad ko itong pinaikot sa ulo ko, althought nagmumukha akong tanga ay hindi ko na ininda pa. Inayos ko na din ang pagkakatali ng buhok ko. Kung kanina ay halos mag mukha na akong aswang, ngayon naman ay halos magmukha na akong prinsesa.

Bago ako tuluyang lumabas ng banyo ay humugot muna ako ng malalim na hininga. Muli kong naalala ang kinuha kong maliit na kutsilyo ni Daddy, good thing I was still wearing my shoes. Agad ko itong kinapa at hindi naman ako nabigo dahil nandoon parin ito. Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at agad na tumambad sa akin ang mukha ni Lance. Nakabihis na rin siya at wala na ring bahid ng dugo ang mukha't damit niya.

Nakasuot siya ng kulay pulang long sleeves polo at may neck-tie na black. Partner kaming dalawa. Para kaming tinadhana. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti naman ako pabalik at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.
Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa kaba. Muli kong nilingon si Lance at saktong nakatingin din ito sa akin. Ngumiti siya at muling nagsalita.

"You ready?" tanong niya na agad ko namang tinanguan.

End

Thank You for Reading!

Vote & Comment :>

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon