Chapter 10: Save her from evil

6 0 0
                                    

10

Lance' POV

Hindi parin ako makapaniwalang nasilayan kong muli ang mukha niya. Ang mukha ng nag-iisang taong tumulong sa akin. Ang taong kinalala ko bilang ama.

Kahit na matagal ng panahon ang nakalilipas ng mamatay siya. Alam kong babalikan niya parin ako. At natatakot ako ngayong bumalik siya dahil baka pati ako ay ipapatay niya sa oras na malaman niyang pinagtaksilan ko siya.

Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon, pero kailangan ko paring iligtas si Tanya. Dahil si Tanya lang ang kauna-unahang babaing minahal ko. Noon pa man. Matagal ko ng lihim na iniibig si Tanya. Dahil kapag nakikita ko siya ay may kung anong bagay na nagsasabi sa akin na matagal ko na siyang mahal at parang nakalimutan lang ng puso't isip ko iyon. Kaya ngayong nasa piligro ang buhay niya, hindi ko maiwasang pagsisisihang kumampi ako kay Papang.

"Lance, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay." maotoridad na sambit ni Marko.

Napansin kong biglang nagkaliwanag dito sa basement. Nang-i-angat ko ang tingin ay nakita kong unti-unti siyang bumababa dito habang may kasamang dalawang armadong payaso.

Hindi ako natatakot sa kanila, natatakot akong madissapoint si Papang. Pero ano nga ba ang magagawa ko? mas pinili kong tulungan ang taong mahal ko at ang mga nakapaligid na tao sa kaniya. Ayoko siyang makitang magdusa. Kanina habang pinagmamasdan siyang mahirapan dahil sa kanyang nakikita, parang kinukurot ang puso ko. Habang naririnig ko ang mga pagmamakaawa at palahaw niya, gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin 'magiging maayos din ang lahat' pero hindi ko magawa dahil natatakot rin ako na baka magalit sila lalong-lalo na siya kapag nalaman niyang kasabwat ako ng mga nilalang na ito. Kahit pa ipaliwanag kong nagsisisi na ako, hindi parin 'yun sapat para patawarin niya ako, dahil alam ko.

Napansin kong humigpit ang hawak ni Marko sa kanyang patalim at halatang tensyonado ang buo niyang sistema. Maging ako ay tensyonado rin.

Pinagmasdan ko ang bawat galaw nila. Ni- katiting na ingay ay hindi namin magawa dahil sa takot na baka mabisto kami. Habang hawak-hawak ang malaking bote na kinuha ni Papang, tumigil siya sa paglalakad at luminga-linga. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mapansing hinahanap niya kami. Sigurado akong napansin niyang may tao rito.

Lumapit siya sa dalawang kasamahan at may ibinulong, agad namang tumungo ang dalawa bilang pagsang-ayon sa kung anong sinabi niya. Tanteya ko ay pinapahanap niya kami. Kahit na hindi niya pa alam kung sino nga ang pumasok sa kanyang pamamahay ng walang paalam, alam kong alam niyang may tao.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan silang lumabas ng basement. Nilock din nila ito. Naramdaman ko ang pagpapawis ng noo ko kaya gamit ang kamay kong may hawak na baril, pinunasan ko ito at lumabas mula sa likod ng naglalakihang aparador. Sumunod naman sakin ang tensyonado paring si Marko. Halata sa mukha niya ang pag-aalala para sa nakababatang kapatid, kahit ako ay sobra din ang pag-aalala.

Bigla akong tinamaan ng kaba ng marinig kong umalingawngaw ang nakakarinding sigaw ni Tanya. Pakiramdam ko ay labis na ang paghihirap niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang iligtas pero wala akong ibang maisip na paraan kundi ang lumabas doon ng hindi kasama si Marko. Alam ko kasing hindi nila ako sasaktan, pero kinakabahan parin ako sa magiging reaksyon nila. Pero wala ng oras, buo na ang desisyon ko. Tsaka na ang pagpapaliwanag, kailangan ko munang iligtas ang taong mahal ko.

"Aakyat ako, Marko." giit ko at aalis na sana ng bigla niya akong hinila sa braso.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? marami sila sa itaas! hindi mo sila kaya!" pabulong na sigaw niya sakin.

"Hindi nila ako sasaktan! maniwala ka sakin! ililigtas ko si Tanya bago pa mahuli ang lahat!" bulalas ko sa kanya. Bahagya siyang napaatras at napabitaw sa aking braso.

"Paano mo nasisiguradong hindi ka nila sasaktan?!" nagsisimula na siyang mainis.

Bumuntong-hininga ako at tiningnan siya sa mga mata. "Dahil isa ako sa kanila, alam kong mahirap paniwalaan pero totoo. Papang ko ang nakita mo kaninang bumaba dito. Isa ako sa dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. pero sa ngayon, kailangan ko munang iligtas si Tanya." kalmado kong giit at agad na umiwas ng tingin.

Napansin kong lalo siyang lumayo sakin habang may hindi makapanipaniwalang reaksyon.

"Naiitindihan ko ang reaksyon mo, tanggap ko rin kung magagalit kayo sa akin pagkatapos ng lahat ng ito. Pero sana hayaan mo akong iligtas ang kapatid mo. Magtago ka nalang muna habang hinihintay ang pagbalik ko, pangako at ililigtas ko siya." giit ko at dali-daling umakyat sa hagdan.

Humugot muna ako ng malalim na hininga at saka dahan-dahang inikot ang doorknob. Bago tuluyang lumabas ay muli akong nagsalita.

"Keep safe and don't get caught." maotoridad kong bilin kay Marko. Napansin kong nagtago na ulit siya sa likod ng mga naglalakihang aparador.

Nang tuluyan akong makalabas ay agad silang natigil sa kanilang ginagawa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kalagayan ni Tanya. Gusto kong magmura at pagsasapakin silang lahat.

Itinali nila si Tanya sa magkabilaang poste ng silid pati na rin ang kanyang mga paa. Halos mag kulay pula na ang kanyang damit pati na rin ang kanyang balat dahil sa mga dumanak na dugo. Nakayuko siya habang umiiyak at humihingi ng awa. Halos madurog ang puso ko sa nasasaksihan pero kailangan kong magmaang-maangan upang mailabas siya rito.

Lumapit ako ng kaonti sa kaniya. Hindi niya parin alam na nandito ako sa harapan niya dahil sa nakayuko parin siya. Nakita ko rin si Papang na nakaupo na sa dating inuupuan ni Tanya kanina. May ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Pumeke ako ng ngiti at lumapit sa kanya ng tuluyan.

"Papang, I want her." bulong ko sa kanya.

"Ganyan ba ang mga tipo mong babae ngayon, Lance?" nakangisi niyang tanong. Agad naman akong tumango at ngumiti. Alam niyang naghahanap ako ng pwedeng paglipasan ng gabi ngayon kaya imbis na umangal pa sa hiling ko, ay dali-dali niyang inutusan ang mga tauhan niya para ibaba si Tanya at idala sa silid ko.

Para akong nabuhayan ng pag-asa ng walang kahirap-hirap kong naialis si Tanya sa sitwasyong iyon. Pero nanatili akong tensyonado dahil hindi pa ito tapos.

"Iwan niyo na kami!" sigaw ko sa dalawang naglalakihang tauhan ni Papang. Agad silang tumango at lumuhod saka tuluyan kaming iniwan.

Agad kong nilapitan si Tanya na nakahiga sa kama ko. Labis siyang nanghihina. Nakapikit ang kanyang mga mata habang humihikbi. Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahang hinawakan ang pisngi niyang punong-puno ng dugo.

"Shhh. I got you." malambing kong sambit.

Nagtungo ako sa banyo at kumuha ng basang face towel. Bumalik ako sa tabi niya at dahan-dahang pinunasan ko ang mukha niya.

Umiiyak parin siya kahit na nakapikit. Alam kong natatakot siyang imulat ang kanyang mga mata. Nang matapos siyang punasan ay agad na tumambad sa akin ang malaking hiwa sa kanyang noo. Ito pala ang dahilan kung bakit halos maligo na siya sa sariling dugo.

Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko ngunit agaran ko itong pinunasan.

"Stop crying, Tanya. I won't let them hurt you anymore." giit ko at hinalikan siya sa noo. Hinagkan ko siya ng mahigpit at muling nagsalita.

"You can open your eyes now. You're safe and I'm here to protect you."

End

Thank You for Reading!

Vote & Commeng <3

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon