15
Tanya's POV
Magmula ng malaman namin ang lahat, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Bakit nga ba ako? Bakit hindi pwedeng iba nalang?
Akala ko kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit nangyayari ito ay mas magiging maayos ang nararamdaman ko, ngunit nagkamali pala ako. Dahil mas lalo akong naguguluhan at mas lalo lang ako nasaktan. Kung totoo man ang sinasabi ni Violet, magiging handa ako sa mangyayari.
"Tanya, kumain ka muna." giit ni Kuya sabay abot ng biscuit at isang bote ng tubig. Nginitian ko siya at tinanggap ang alok niya.
Kanina pa kami nakaupo dito sa madumi at masangsang na lugar ng Man Hole. Kailangan naming paghandaan ang paglabas namin sa itaas. Kailangan naming pagplanuhan kung paano namin matatalo si Cleon. Alam kong masasaktan si Lance kapag napatay namin ang Papang niya, pero wala akong magagawa kung 'yun lang ang tanging paraan para magbalik sa dati ang lahat. Although hindi lahat, at least wala ng patayan ang nagaganap.
"Teka, wag kayong maingay." seryosong sambit ni Violet na agad naman naming sinunod. Muling nabalot ng kaba ang sistema naming lahat dahil sa biglaang pagpapatahimik ni Violet.
"B-bakit?" nauutal na tanong ng isa sa mga kasamahan namin.
"I think I heard something." aniya Violet.
Nanlaki ang mga mata naming lahat ng makarinig ng mga yapak na unti-unting lumalapit sa kinaruruonan namin. Agad kaming napatayo at naging alerto.
"It's okay, it's just me." halos sumabog ang dibdib ko dahil sa narinig.
Ang boses na 'yun.
Unti-unti naming nasilayan ang mukha niya. Ang mukha ng nag-iisang lalaking iniisip ko ngayon.
"Lance?" tinig ni Violet.
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na sambit ni Kuya at agad akong hinila papalapit sa kanya.
Humarang din sa harapan ko si Violet na hawak-hawak parin ang samuria ni Kuya. Nag-atrasan naman lahat ng mga kasamahan namin.
"Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo sasaktan." malamig at seryosong giit ni Lance.
His voice. It's so cold. Para bang ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Ano bang ginagawa niya dito?
"Umalis ka na kung ayaw mong mamatay." banta naman ni Violet sabay tutok ng samuria na hawak niya sa leeg ni Lance.
Agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang tinitignan siya sa mata.
"I just want to talk to Tanya." tipid niyang giit at saka ako tinignan sa mga mata. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil sobra ng kalabog ng dibdib ko.
"Ayaw ka niyang makausap Lance. Pwede ba, bumalik ka nalang ulit doon sa demonyo mong tatay." inis na sambit ni Arkie na ngayon ko lang narinig na nag-ingay ulit matapos ang mga kuwenento ni Violet.
They know. Naikwento na rin namin ang tungkol sa Papa ni Lance. At si Violet na rin ang nagpaliwanag kanina.
"I'm sorry. Please, Tanya! Talk to me! Let me explain!" nagulat ako sa biglaang pagluhod ni Lance at pagsigaw.
Hindi niya alintana ang ingay na ginagawa niya. Paano kung malaman ng mga bayolenteng payasong iyon na nandito kami. Hindi parin sapat na hindi sila kasya sa Man Hole.
"Umalis ka na Lance." wala sa sarili kong sambit.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko kasabay nito ang paglapit ko sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko at ganon din ako. I want to hug him pero mas nananaig ang galit na nararamdaman ko sa sistema ko.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...