Chapter 23: The Demons Downfall.

4 0 0
                                    

Lance's POV

Napasigaw ako ng makita kong hawak-hawak na ni Papang si Tanya sa leeg. Nanghihina siya at nahihirapang huminga ngunit wala akong magawa para matulungan manlang siya dahil hindi ko maigalaw ang kaliwa kong paa na naipit ng isang malaking parte ng building na gumuho kanina.

"Agh!" halos mapaos na ako kakasigaw  ng paulit-ulit kong hinihila ang aking paa. Napakasakit at kahit anong pilit ay hindi ko makaya. Napalingon ako sa paligid at nakita kong walang malay si Violet habang katabi si Arkie na panay ang iyak at halos natataranta na.

Hinawakan ko ang kamay ni Arkie at tinulungan itong kumalma. "Arkie, puntahan mong muli ang mga labi ni Papang at gawin mo ang sinabi ko sayo! Ako na ang bahala dito! Bilisan mo!" maotoridad kong sambit sa kanya habang hawak-hawak siya sa balikat. Nakawala na rin ang paa kong naipit kanina dahil sa tulong niya.

Wala ng malay si Tanya habang nakahandusay na sa sahig. Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Papang ngunit hindi ako nagpatinag dito. Nang tuluyang makalayo si Arkie ay hinarap ko si Papang habang hawak ang isang Bakal na nanggaling sa gumuhong building. Nanginginig ang kamay ko ngunit binalewala ko ito.

"Sinabi ko na sayong itigil mo na 'to! Ngunit ayaw mo akong pakinggan kahit bilang anak mo manlang!" ubod ng lakas kong sigaw. Sobrang nanginginig ang buong sistema ko. Walang pagdadalawang isip kong isinaksak sa dibdib niya ang hawak-hawak ko. Agad namang dumanak ang kung anong likido ang nasa loob niya.

Alam kong sa sarili ko na hindi na siya ang Papang ko. Ngunit alam kong sa kaloob-looban ng demonyong ito ay nakakubli parin ang kaluluwa ng nakilala kong ama. Napatakip ako sa aking tenga ng humalakhak ito ng ubod ng lakas. Yung boses niya ay napakabilog at napakalaki na akala mo'y nagmula sa kailalim-laliman ng impyerno.

"Wala na ang Papang mo, Lewis. Matagal na siyang patay at susunod ka na rin sa kanya!" isang nakakabinging tunog ang aking narinig at kasabay nito ay ang muli kong pagtilamon sa ere at parang lantang gulay na bumagsak sa lupa. Bumibigat ang mga talukap ng aking mata at ramdam ko ang paghihina ng aking katawan. Paubo-ubo akong nakahandusay doon hanggang sa tuluyan na akong mapapikit at lamunin ng dilim.

Arkie's POV

"King ina naman! Bakit ba ang dulas-dulas dito sa sementeryo!" mura ko ng magsunod-sunod ang pagkakadapa ko dahil sa maputik na daang tinatahak ko habang tumatakbo. Oo, tumatakbo ako at feeling ko'y nasa isa akong race. Paunahan kumbaga! Baka kasi mamaya ay bigla na namang sumulpot ang demonyong iyon at hindi ko na naman magawa ang pinapagawa sa akin ni Lance.

Wala akong kasiguraduhan kong tama nga si Lance na kapag sinunog ang bangkay ng kanyang Ama ay matitigil ang kademonyuhan ng kaluluwa nito. Pero bakit parang hindi lang kaluluwa ang nasa harapan namin kanina? Pakiramdam ko ay demonyo—matagal na palang demonyo ang Cleon Sawquin na iyon.

Paulit-ulit akong humahangos habang nakatungkod ang dalawa kong kamay sa aking tuhod. Mabilis kong narating ang puntod ni Cleon. Kung paano namin naiwan ang bangkay ni Cleon kanina ay ganito parin ang posisyon nito hanggang ngayon. Walang takip at umaalingasaw ang nakakasukang amoy nito. Nakakapagtaka nga dahil medjo buo pa ang kanyang katawan. Napakatagal ng panahon kaya ng mamatay ang taong 'to!

Natataranta kong hinanap ang gallon ng gasolina. Nang makita ko ito ay laking  panlulumo ko ng makitang kakaonti na lamang ang natitira ngunit hindi na ako nagdalawang isip pang umisip ng paraan. Namulot ako ng mga baling sanga sa paligid at ng mga tuyong dahon at inilagay iyon sa loob ng kabaong ni Cleon. Katabi ng kanyang bangkay. Tipid kong ibinuhos ang natitirang gasolina doon. Hoping that this would work.

Sinindihan ko ang hawak kong lighter at agad na itinapon sa bangkay. Lumagablab ang naglalakihang apoy na nagmumula sa nasusunog ng bangkay ni Cleon Sawquin. Sana lang talaga ay ito na ang katapusan niya. Sana lang ay mamatay na siya ng tuluyan!

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon