12
Tanya's POV
Pag labas namin ng kwarto ay agad na tumambad sa amin ang isang mahabang pasilyong tanging mga kandila lang ang nagpapaliwanag sa paligid. Mahigpit parin ang kapit namin sa isa't-isa. Walang ni isa sa amin ay nagsasalita, tanging malakas na kabog lamang ng dibdib ko ang siyang naririnig ng sarili kong tenga.
Sa pinakadulo ng pasilyo ay may isang malaking doubled door na nagsisilbing labasan papuntang main room. Ang kwartong pinagdalhan sa akin kanina at ang kwarto kung saan ko nasaksihan ang iba't-ibang uri ng pagkamatay ng tao.
Bago kami tuluyang lumabas ay muling nagsalita si Lance. Pinaharap niya ako sa kanya habang hawak-hawak sa magkabilaang braso ko.
"Trust me okay? don't be scared, hindi ka nila sasaktang muli. Just hold my hand and you'll be fine, okay?" malambing niyang sambit. Agad akong tumango at agad siyang niyakap.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Natatakot ako na baka ito na ang huling pagkakataong mayakap ko siya, pero hindi dapat! hindi dapat ako matakot dahil may tiwala ako sa kanya. Naniniwala akong makakaligtas kami dito na kasama siya. Naniniwala akong babalikan niya ako.
Kumawala ako sa yakap niya at bumuntong-hininga. Unti-unti niyang inikot ang doorknob at saka tumambad sa amin ang napakaraming payaso na naghihintay sa paglabas namin
Lalong humigpit ang kapit ko sa kamay niya, nanginginig ang mga tuhod ko at para akong masusuka dahil sa kaba na nararamdaman ko. Halos lahat sila ay tahimik kaming pinagmamasdan habang naglalakad sa isang red carpet. Para kaming Hari't Reyna at sila ang mga tagahanga namin.
Kung kanina ay madumi at maingay ang paligid dahil sa nangyayaring patayan, ngayon naman ay napaka elegante at malinis na. Wala ng bahid ng karahasan ang makikita mo kundi isang natural na kwarto. May mga kandila na siyang nagpapaliwanag sa paligid at may malaking chandelier sa gitna ng kwarto na may mga kandila din.
Pero hindi ko parin maiaalis sa sistema ko ang takot. Paano ba naman kasi napakaganda na ng paligid pero nagpasira dito ang mga nakakatakot na payasong handang-handang pumatay sa oras na may mapansin silang mali.
Nang marating namin ang dulo ng kwarto ay mayroon doong isang upuan, ang upuang ginamit upang maitali ako kanina. Isang trono kung baga. Nakaupo rito ang isang matandang lalaki. Siguro naglalaro sa 40-50 ang edad niya. Nakapormal din ang kanyang kasuotan.
"Lance, anak ko." pagbati niya. Tumango siya at agad na nilapitan si Lance upang yakapin.
Kahit na nanlalaki ang mga mata ko dahil sa narinig, hindi parin ako nagpahalata. Nabitawan ko ang kamay niya at nagsimulang manginig ang akin. Kitang-kita ko sa mga mata niyang totoo nga ang sinabi nong matandang lalaki.
"siya na ba anak? siya na ba ang kukumpleto--" natigil sa pagsasalita ang matandang lalaki na tumawag ng anak kay Lance ng pigilan siya nito.
"Opo...opo siya na nga po Papang." sagot naman ni Lance sa hindi natapos na tanong ng matandang lalaki.
Papang...
Papang...
Papang...
Paulit-ulit na naririnig ko sa aking utak. So totoo nga. Totoo ngang ama siya ni Lance. Ito na ba ang sinasabi niyang malalaman ko? ito na ba? pero bakit ganon? Feeling ko nadurog ang puso ko sa mga nalaman ko. Nasasaktan ako.
Napansin kong unti-unting lumalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha na nagbabadyang tumulo. Agad akong umiwas ng tingin kay Lance ng mahagip ng mata niya ang akin. Pumikit-pikit ako para mawala ang kaninang luha. Sobrang nanginginig ang mga tuhod ko na para bang kahit anong oras ay pwede na itong bumigay. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
رعب"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...