Chapter 25: Remember me.

5 0 0
                                    

25

Nagising ako nang maramdaman ko ang init ng araw na dumadampi sa aking mukha. Agad kong iminulat ang aking mga mata at dali-daling napalingon sa orasan. 7:20 am na!

Dali-dali akong bumangon sa higaan ko at agad na tumakbo palabas ng kawarto at pababa. Naabutan ko naman si Ate Violet na nanonood ng Tv at hindi ko na rin makita si Arkie sa paligid.

Agad na napalingon sa akin si Ate Violet. "Oh? Akala ko pumasok ka na?" natatawa niyang sambit dahilan para mapa-pout ako. Bwesit na arkie! Lagi niya akong ginaganito!

"Bakit hindi mo manlang ako nagawang silipin sa kwarto, Ate?!" inis kong reklamo sa kanya. Halos tatlong araw na rin akong nalalate sa klase dahil lagi akong pinagtitripan ni Arkie. Lagi niyang sinasabi kay ate na nauna na raw ako at maaga daw ako laging nagigising kung kaya't hindi na pinansin ni Ate kung nandon pa ba ako sa kwarto o wala na. Tch! Hindi niya ba nahalata 'yun? Ugh!

"Sorry! Napasarap kasi 'yung panonood ko e kaya nawala sa isip ko na baka pinagtripan ka na naman ni Arkie." giit niya pero napairap na lamang ako sa kanya at sabay tawa. Yung tawang pangmangkukulam dahil may naisip akong paraan para makaganti kay Arkie. She won't get away with this!

Nagmadali akong maligo at kumain ng almusal dahil late na late na talaga ako para sa first subject ko. Terror pa naman 'tong prof. namin sa biology. 2 years na ang lumipas simula ng mangyari ang masaklap na trahedyang iyon sa Redwood. Meron ng trabaho si Ate Violet sa isang resto at ipinasok niya rin ako doon para makadagdag pa sa mga gastusin namin. Habang kami naman ni Arkie ay nasa 2nd year college na. Hindi na namin pinagtrabaho pa si Arkie upang siya nalang ang maiwan dito sa bahay kapag sabay kaming may pasok ni Ate. Since working student ako, laging half day lang ang pasok ko sa resto na 'yun.

Nagmamadali akong pumedal sa bike ko at halos lumipad na ako sa bilis. Hindi naman ako nabigo dahil agad rin naman akong nakarating sa school. Wala ng katao-tao sa labas at napakatahimik na rin ng paligid. Agad kong inilock 'yung bike ko sa loob ng gate at agad na nagpakita ng ID sa guard.

Patakbo kong tinungo ang classroom ko ngayon sa biology na nasa fourth floor pa! Mukha naman akong tangang hingal na hingal at muntik pang madulas ng makaabot sa pinto ng classroom namin. Buti nalang at nakahawak ako sa balikat nong lalaking nakatayo sa mismong--.

Natigil ako sa paghangos at napalingon don sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Agad na nanlaki at nanlamig ang mga mata ko. Hindi ko maialis sa kanya ang aking tingin at alam ko rin na nakatitig na sa amin ang lahat ng classmate ko pati na rin si Prof. na natigil pa sa pagsasalita niya ng bigla akong sumulpot.

"Miss Montenegro! Kung hindi ka late ay lagi ka namang gumagawa ng eksena dito!" inis na sigaw ni Prof. sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at patuloy paring nakatitig sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Nakahawak parin ako sa balikat niya at hawak niya rin ang braso ko. Siguro ay inalalayan niya rin ako kanina ng muntik na akong madulas.

Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Narinig ko namang biglang napatayo si Arkie na nakaupo kanina sa dulo ng classroom. Lumapit ito kay Prof. at may ibinulong at tsaka lumapit sa amin. Nakatingin parin kami sa isa't-isa ni Lance at hindi ako makapaniwalang nandito na muli siya sa harapan ko. I waited 2 long years for this day to happen! I waited so long para lang masilayan kong muli ang mukha niya.

"Uh—Miss are you okay?" tanong nito na naging dahilan ng pagbagsak ng balikat ko at ang pagkadurog ng puso ko. Miss?

"T-tanya..." rinig kong tawag sakin ni Arkie na ngayo'y nakatayo na rin sa harapan namin. Ang buong class at pati si Prof. Kelvin ay nakatingin sa amin ay curious din sa mga nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon