[A/N] A little reminder that this story could contain mature/gruesome scenes and themes. It is important to know that the scenes in this chapter could be very disturbing for younger audiences or for the faint of heart. Thank You.
****
5
Tanya's POV
Mag-iilang lakad pa ang ginawa namin matapos kaming magpahinga kanina-kanina lamang. Halos masuka ako sa mga nakikita kong napakaruming paligid dito sa loob nitong Man Hole ng paandarin ni Church ang kanyang flashlight kanina.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa pagpasyahan ni Lance na umakyat na ulit sa itaas upang macheck kung nasaan na kami.
"Lance, are you sure you want to go up there, again?" tanong ni Church sabay turo sa itaas.
"We have to, ayoko nang manatili dito sa loob. We can't survive here althought kanina lang tayo bumaba dito, we still need to know what's going on." giit nito at sabay na umakyat papuntang itaas.
Hindi na umangal pa si Church at hinayaan na lamang ito sa gusto nitong mangyari dahil may point nga naman ito. Pinakiramdaman muna ni Lance ang paligid, at nang masiguro ngang walang tao sa itaas ay agad niyang binuksan ang takip ng Man Hole at doon ay agad siyang lumabas. Dali-dali naman kaming sumunod sa kanya. Pag-akyat ko ay agad na bumungad sa akin ang langit na linalamon parin ng kadiliman.
"Saan tayo?" tanong ni Church nang makalabas ito.
"I think we're in Redwood. Nasa tapat tayo ng bahay namin." paniniguro ko naman at unti-unting naglakad papasok ng bahay namin.
Kinakabahan ako sa pupwede kong madatnan roon, hindi ko alam kung ano ang kalagayan ni Kuya at Papa pero lagi kong ipinagdarasal na sana ay maayos sila at nakapagtago ng mabuti.
Dali-dali nila akong sinundan. Unti-unti kong pinihit ang doorknob at napabuntong-hininga ako nang tumambad sa akin ang napakasangsang na amoy at ang napakagulong paligid.
Kahit na madilim at hindi ko parin makita ng maayos ang buong bahay, sinisigurado kong may nangyari ngang hindi maganda dito dahil sa iilang dugo na kumalat sa sahig at ding-ding.
"Lance, pahiram." agad kong hinablot ang flashlight na hawak ni Lance kahit na hindi pa ito pumapayag.
Parang mga kabayong nag-uunahan ang mga luha ko nang makakita ng isang bangkay na nakabulagta sa may kusina. Agad akong lumapit dito at lalo akong naiyak nang makita ko kung sino ito.
"Papa!" halos mawalan ako ng balanse sa katawan nang makita ang lupaypay ng katawan ng Papa ko at halos mabali na ang leeg nito dahil sa sobrang pagkapilipit. May malaking hiwa din ito sa katawan dahilan upang magsilabasan ang maliliit na laman at napakaraming dugo.
"No! Hindi maaari! Papa!" sigaw ako ng sigaw at hindi ko alintana ang panganib na maaaring dumating dahil sa ginagawa kong ingay.
"Tanya, sshh." agad akong nilapitan ni Lance at niyakap ako ng mahigpit.
Inilayo niya ang tingin ko sa Papa kong patay at halos hindi na mamukhaan. Hindi ko maiwasang manlumo at malungkot dahil sa nasaksihan.
"Lance, a-ang Papa ko." nauutal kong sambit habang humahagulhol.
"Shhh, tama na. Kailangan na nating tanggapin ang lahat. Wala na tayong magagawa." mahinahon niyang sambit.
"How could you say that?! samantalang hindi mo Tatay ang nakikita mo ngayon!" hindi ko mapigilang mapabulyaw sa kanya.
Alam kong wala siyang kasalanan sa mga nangyayari pero hindi niya alam ang nararamdaman ko habang tinitingnan ang sinapit ng Papa ko kanina. Napakasakit at nakapasikip sa dibdib. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga nangyayari. Seeing my Father like that was a hell.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...