2
Tanya's POV
"A-arkie?" Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa dahil sa sobrang usok na nalalanghap ko na nagpapasakit sa mga talukap ng mata ko.
Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung kotseng nakabanggaan namin. Bigla nalang itong sumulpot kaya hindi nakailag si Lance at nawalan siya ng control. Tumaob 'yung kotse namin at hindi ko maigalaw ang isa kong paa.
"Tanya?" bigla kong narinig ang boses ni Lance na katabi ko lang.
"Tanya ayos ka lang ba?" hinawakan niya ang ulo ko at pinahidan ang dugo na tumulo mula sa noo ko.
"O-oo ayos lang ako. Lance s-si arkie." nauutal kong sambit. Napakasakit ng mata ko at ramdam na ramdam ko ang sugat na nagmumula sa hita ko.
"Teka lang lalabas ako at hihilain ko kayo palabas." giit niya at agad na itinulak ang yuping pinto. Nakataob àà@parin ang kotse kaya pahirapang lumabas si Lance. Ako naman ay nakabitin parin patiwarik at si Arkie ay nakahandusay na sa bubong ng kotse kasi hindi siya nakasuot ng seatbelt.
"Ugh. T-tanya? Holy m-mother of--" narinig kong napamura si arkie kaya dali-dali ko siyang nilingon kahit pa hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko.
"Arkie! Omg b-buhay ka!" nag-aalala kong sambit.
"A-anong nangyari? a-aray ang sakit ng ulo ko huhuhu" iyak niya.
"Tanya.." napalingon naman ako sa may pintuan at nakita si Lance na nakadapa at pilit na tinatanggal ang pinto sa gilid ko.
"Lance get arkie f-first. I-i can't move my legs. Get help" Maotoridad kong sambit at agad naman siyang tumango.
"Arkie, Lance is gonna get you out." Giit ko kay arkie at hinawakan ang kamay niya.
"E pano ka?" kunot-noo niyang tanong.
"Ano kaba ilalabas niya rin ako pakatapos mo, tss" giit ko at pabiro siyang inirapan.
"Arkie bilis kamay mo!" Iniabot ni Lance ang kamay niya papunta kay Arkie kaya agad naman itong hinawakan ni arkie at hinila siya palabas.
Mukhang hindi nga madaling makalabas sa isang yuping kotse pero kahit ganon pa man ay nailabas niya parin kaming dalawa.
"Lance asan na 'yung kotseng nakabanggaan natin? Don't tell me nahulog siya--" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng mapagtantong wala palang bangin dito sa kalsadang dinaanan namin. Puro puno at talahiban lang ang nakikita ko.Walang kabahay-bahay pero may mga street lights namang nagpapaliwanag sa paligid.
"Hindi ko nga rin alam kung saan napunta e. Pagkalabas ko kanina wala akong nakitang kotseng nakataob rin gaya ng sa atin." Giit niya at napakamot na lamang sa kanyang batok.
Nakakapagtaka. Kanina kitang-kita ko kung paano ni Lance pilit na iniwasan 'yung kotseng sumalpok sa gilid ng kotse namin. Paanong wala dito sa lugar na 'to?
-----
The dawn is breaking at hindi parin kami makaalis dito sa lugar na'to. The car is still at it's position earlier. Ang mga damit namin ay ganon parin at may bahid pa ng dugo. Mas masaklap pa ay hindi ako makapaglakad dahil sa isang malaking hiwa na natamo ng sobrang perfect kong legs.
Naku talaga! Nasira pa cellphone ko pati narin 'yung kila Arkie at Lance kaya hindi ko manlang masabihan sila Daddy. Baka nag-aalala na 'yun ng sobra.
"Tanya" napalingon ako kay Lance ng tawagin niya ang pangalan ko. Nakita ko siyang may hawak-hawak na isang clothe na mukhang pununit niya mula sa jacket niya.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...