22
Tanya's POV
Patuloy na nanginginig ang mga kamay ko. Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit na alam kong kahit na anong oras ngayon ay maaari akong bumagsak sa lupa dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Tatlo nalang kaming nandito. Hindi nila sa akin masabi kung nasaan ba sina Arkie at Church. Ayaw nilang sabihin! Dahil alam nilang may hindi magandang nangyari sa kanila! Pakiramdam ko ay pare-parehas nila akong pinapatay!
"Tanya, kausapin mo naman ako." narinig kong pakiusap ni Lance na nasa likuran ko lang at naglalakad rin. Hindi ako kumibo. Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kalsada at nanatiling tikom ang nanginginig kong bibig.
Ayokong magsalita. Pakiramdam ko kapag ibinuka ko ang bibig ko ay hindi ko na mapipigilan pa ang mga emosyong nagwawala dito sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay masasaktan lang sila kapag pinilit kong ibuka ang bibig ko.
"Tanya.." muling pagtawag sa akin ni Lance. Huminto ako sa paglalakad. Hinarap ko siya ngunit nanatiling nakatingin ang mata ko sa malayo.
"L-lance, h-hindi kita kayang kausapin. H-hindi ko na masikmura ang konsensya. H-hindi ko kayang makita ka." giit ko dahilan upang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at kasabay nito ang pagkagat ko sa ibabaw ng labi ko.
"A-ano bang sinasabi mo? Bakit ka nakokonsensya? Tanya, sabihin mo sa akin.. pakiusap!" giit niya at hinawakan ako sa kamay. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.
"Naaalala ko na ang lahat, Lance. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo! A-ako ang dahilan kung bakit ka namatay! K-kung bakit lahat ng tao dito sa Redwood ay namatay!" unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos at parang may kung anong nilalang ang may hawak sa leeg ko para ganto ang maramdaman ko.
"Wala kang kasalanan, Tanya! Huwag mong isisi sa sarili mo ang lahat!" aniya.
"Sa tingin mo, Lance? Bakit naghihiganti ang Papang mo? Diba dahil namatay ang Nanang mo ng walang kalaban-laban dahil sa mga mamamayan ng Bayan ng Sawquin noon? Diba kaya kayo namatay ay dahil sa utos ng Ama ko?! Sabihin mo sa akin Lance! Paano kita mahaharap?! P-paano?!"
Parang isang bagsakang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa akin. Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat niya. Sorry...
"Hindi kita maintindihan Tanya. Ang labo ng mga sinasabi mo! Ilang beses ko bang sasabihin na wala kang kasalanan?! Pero bakit pilit mong inaako ang mga kasalanang hindi mo naman ginawa?!"
"D-dahil 'yun ang totoo. Yun ang nararamdaman ko." wala sa sarili kong tugon sa mga salitang binitawan niya. Ayokong mag-away kami sa mga oras na ganito. Dahil walang lugar dito ang pag-aaway. Dapat kumikilos na kami ngayon ngunit inuna na naman namin ang nararamdaman namin! Ang nararamdaman namin na naglagay sa kapahamakan ng lahat.
"Kung hindi mo kayang patawarin ang sarili mo, ibig sabihin ay hindi mo rin ako kayang patawarin. Tandaan mo Tanya, ang Papang ko ang may dulot ng lahat ng ito. Kung ano man ang nangyari noon, wala na 'yun sa akin! Tapos na yun! Nandito na tayo! Hindi mo na kailangang ibalik ang nakaraan!"
Naiwan akong nakatingin sa kaninang kinatatayuan ni Lance. Umalis siya. Naglakad palayo. Tulad ng ginawa ko noon.
Lance's POV
Nagagalit ako. Nasasaktan! Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ni Tanya. Bakit ba kailangan niyang isisi ang lahat sa kanya?! Bakit?!
Napapadyak ako sa pader at kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na semento. Napapagod na ako. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Gusto kong ipaglaban ang babaing minahal ko noon pa man! Kaso paano? kung siya mismo ay hindi ako kayang ipaglaban! Masyado siyang nagpapaapekto sa mga nangyayari. Masyado na siyang nasasaktan!
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...