Chapter 18: The Beggining of the End

1 0 0
                                    

18

Violet's POV

Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa ginagawa ni Tanya. Hindi parin siya nagbabago. Mahina parin siya at dahil sa kahinaan niya kaya siya mapapahamak. Akala ko pinatatag na siya ng panahon pero ganoon parin pala. Ang nakikita kong Tanya ay walang pinagkaiba sa nakilala kong Anthea. Iisa nga talaga sila.

Pero bilib parin ako sa dalawang ito. Pinaghiwalay man sila ng panahon, natagpuan parin nila ang isa't-isa. Lumalaban ulit sila at hindi ko maiwasang maging masaya. Napakaraming sekreto ang itinatago ko at hindi ko alam kung papaano ko iyon sasabihin kay Tanya. Alam kong kamumuhian niya rin ako tulad ng ginawa niya kay Lance pero sana sa huli ay mapatawad niya rin ako.

****

Lance's POV

"A-aray!" napasigaw ako dahil sa ginagawa ni Tanya sa akin.

"Ano ba! Wag ka kasing magulo! tiisin mo!" pagsusungit niya sa akin. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang gamutin ang mga sugat ko sa mukha.

Halata ang pagkailang niya dahil sa pamumula ng kanyang mga pisngi pero pilit niyang isinasawalang bahala ang kanyang nararamdaman. Lalo akong napangiti dahil sa naisip kong ideya. Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya dahilan para mabitawan niya ang hawak-hawak na pamunas. Nanlaki rin ang kanyang mga mata at mas lalong namula ang kanyang pisngi.

"A-anong gina-" inilapat ko ang hintuturo ko sa kanyang labi dahilan upang maputol ang kanyang sinasabi.

"shhh" tinitigan ko ang kanyang mga mata. Bakas dito ang lungkot at pag-aalala. Hindi ko man alam ang dahilan pero parang pinupunit ang puso ko.

"Tanya?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Naaalala mo pa ba ang mga sinabi ko sayo nung nasa loob tayo ng mansyon ni Papang?" tanong ko. Bigla siyang umuwis ng tingin at bumalak na umalis ngunit mabilis ko ring hinila ang kanyang kamay dahilan para mas lalo siyang mapalapit sakin.

"I told you to trust me. I told you that I love you so much. Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo. Walang halong kasinungalingan pero hindi kita masisisi kung mahirap ng paniwalaan 'yun dahil sa mga nalaman mo." giit ko.

"L-lance.." ngayon ay siya naman ang tumitig sa mga mata ko. Namumuo ang mga makikinang na luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"I'm sorry. Akala ko kaya kong tuparin ang pangako kong pagkakatiwalaan kita nong mga oras na 'yun. Akala ko hindi ko magagawang binatawan ang mga kamay mo. Pero nagsinungaling rin ako, dahil lumayo ako sayo at ipinakita sayong galit ako." umiiyak niyang sambit.

Dahan-dahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang lumandas dito. Ngumiti ako at tumango.

"Kahit kailan hindi mo kailangang humingi ng tawad. Kahit noon. Dahil wala kang kasalanan. Wala tayong kasalanan sa mga nangyari sa atin noon at ngayon." nakangiti ko paring sambit. Agad na rumehistro ang kunot sa kanyang noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko rin alam. Siguro sa ngayon hindi ko pa maipapaliwanag. Sana maintindihan mo Tanya." giit ko.

"Lance.."

"Hmm?"

"I love you. And yes I will understand whatever it is. Pagkakatiwalaan kita dahil mahal kita at alam kong mahal mo rin ako. Hinding-hindi na ako tatakbo palayo sayo. Hahawakan ko ang kamay mo, matapos man ang lahat ng ito." sunod-sunod na bumagsak sa kanyang mata ang mga luha at kasunod nito ang paglawak ng kanyang mga labi.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon