13
Tanya's POV
The cold of the night suites the feeling that my heart is bearing right now. Hindi ako makapag-isip ng maayos habang naglalakad kami ni kuya patungo kung saan niya iniwan ang mga kaibigan namin. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko ng mahigpit, at alam kong nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.
I want to know the truth. Pero paano? kung kusang lumalayo ang sarili ko kapag kaharap ko siya. Paano ko malalaman ang mga bagay na gustong-gusto kong maintindihan kung mismong puso ko ay ayaw? Napakahirap. Akala ko magagawa kong intindihin ang lahat. Akala ko magagawa ko siyang pagkatiwalaan. Pero akala ko lang pala 'yun dahil kung nagawa ko ang mga bagay na pinangako ko sa kanya, hindi sana ako nandito sa labas at tumatakas ng hindi siya kasama.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni kuya at kasabay nito ang pagtigil niya sa paglalakad.
"Bakit--"
"shh. Don't move." maotoridad na sambit ni kuya habang pinapakiramdaman ng maigi ang paligid na agad ko namang sinunod.
Wala naman akong naririnig na kakaiba at tanging nakakabinging katahimikan lamang ng bayan ng Redwood ang siyang bumabalot sa buong paligid.
"Ahhhhhhhhhh!" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang nakabibinging sigaw ng isang babae.
Agad na pumasok sa isipan ko ang mga kaibigan kong iniwan ni kuya. Sina Arkie! shit!
"Dito!" pabulong na sigaw sakin ni Kuya habang hinihila ako papasok sa isang abandonadong building.
Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa hila niya. Kahit na gustohin kong tumakbo palalapit dun sa boses na narinig namin ay hindi ko magawa dahil natatakot din ako para sa kaligtasam namin.
May tiwala ako kay kuya, hindi niya iiwan sila Arkie kung alam niyang hindi ligtas sa lugar na iyon. Kahit na hindi ko alam kung saan iyon, alam kong okay sila.
"Kuya." pagtawag ko sa kanya at agad naman siyang huminto sa paghila sakin papasok.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong at binitawan ang pagkakahawak niya sa aking kamay at saka humarap para tignan ako.
"Nasaan sila Arkie?" nag-aalala ko paring tanong.
"Sa ibaba."
"huh?"
"I mean nasa baba sila ng kalsada. Hindi ko alam kung saang parte pero nasisiguro kong ligtas sila doon." paglilinaw niya. Tumango ako at ngumiti.
"Thank you Kuya." sambit ko at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"For what?"
"Dahil binalikan mo ako. Hindi mo ako hinayaang mastuck sa lugar na iyon." kumalas ako sa yakap naming dalawa at ngumiti.
"Wala 'yun. Ayaw kong mapahamak ka. Pero.. sa totoo lang wala naman akong ginawa para iligtas ka. Si Lance parin ang nagligtas sayo pero hindi dahil doon ay kailangan na natin siyang pagkatiwalaan ulit." giit niya na nagpaalala sa mga salitang binitawan ko kay Lance.
Ang pagpapangako ko sa kanya na magtitiwala ako at hahawakan ko ang kamay niya kahit anong mangyari.
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Kuya dahil wala na akong alam pang tamang sagot dun. Nalulungkot ako and at the same time natatakot. Hindi ko alam pero mahal ko na siya. Mahal ko siya. Ayokong malayo sa kanya pero hindi ko na magawa pang lumapit. Kusang lumalayo ang mga paa ko.
"Ahhhhhhhh!" muli kaming nabahala ng makarinig ulit ng nakakakilabot na sigaw ng babae.
"Kuya!" pabulong kong sigaw.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...