Chapter 6: Captured

9 0 0
                                    

6

Tanya's POV

"Dito! bilis!" sigaw ko sa mga kasamahan ko habang patuloy na tumatakbo sa maliit at madilim na iskinita.

Napakarami na nilang humahabol sa amin ngayon matapos ang nagawang ingay ni Bianca kanina. Halos lahat sila ay armado ng kung ano-anong patalim habang kami ay tanging baril lamang ang hawak. Sinubukang paputukan ni Lance ang isa sa kanila, tinamaan ito sa ulo ngunit mukhang walang- wala sa kanya ito dahil nanatili itong tumatakbo habang may malaking ngisi sa kanyang dumudugong labi.

"Pakshet!" mura ko at patuloy parin sa pagtakbo.

Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang hingal at hirap na rin akong makaaninag ng maayos dahil sa mga pawis at luhang naghalo-halo na sa mukha ko. Nanlalamig at nanginginig na lahat ng bahagi ng katawan ko dahil sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko ngayon. Buong akala ko ay kaya ko, pero hindi. Dahil hindi ko parin matanggap na mag-isa na lang ako, wala ng Papa at Kuya na magtatanggol sa akin sa ganitong sitwasyon. Hindi ako pwedeng dumipende na lamang habang buhay kay Lance, dahil hindi niya ako responsibilidad.

Halos mapasigaw ako ng sobrang lakas ng bigla akong matisod at madapa sa daan. Hindi ko maramdaman ang paa kong namimilipit sa sakit. Napansin ko ring may dugo umaagos sa tuhod ko at siko.

"Puta, aray!" sigaw ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ako makatayo, Hindi ko maigalaw ang paa ko.

Nabalot ako ng sobrang takot ng marinig ko ang isang hagikhik na papalapit sa akin. Lalo akong nagmumura ng mapagtantong malapit na nila akong maabutan.

"LANCE!!" ubod ng lakas kong sigaw kaya agad namang napalingon sa direksyon ko ang tumatakbong si Lance.

"Tanya!" agad siyang natigil at dali-daling tumakbo pabalik ngunit huli na dahil naabutan na ako ng isa sa mga bayulenteng payaso.

"Oh my god!" sigaw ko ng tuluyang makita ang kahindik-hindik nitong itsura.

May hawak itong malaking kadena habang sa kabila naman nitong kamay ay isang napakalaking kutsilyo na akala mo'y hiniram niya pa kay satanas.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Lance nang makita niyang naabutan na ako nilang lahat. Umiiyak akong nakahandusay parin sa kalsada habang pinapalibutan ng limang nababaliw ng mga payaso. Sabik na sabik silang pagpipirasuhin ang katawan ko. Hindi sila nagsasalita at panay lang ang hagikhik na tila ba nawalan na ng katinuan.

"Kuya! kuya!" iyak ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni kuya.

Kahit na alam kong hindi siya dadating dito upang iligtas ako, hindi parin ako nawawalan ng pag-asang magkikita parin kami bago ako lagutan ng hininga.

Nahihirapan na akong huminga at napakalabo na rin ng paningin ko, hindi ko na nga maaninag ang mga nakapaligid sakin. Halos maihi na rin ako sa sobrang takot nang bigla na lamang akong hawakan sa balikat ng isa sa kanila. Bigla itong tumawa ng napakalakas na akala mo'y nanalo sa lotto. Ang boses nito'y napakalalim at para bang galing pa sa kinailaliman ng lupa.

"Please, parang-awa niyo na wag niyo akong sasaktan!" pagmamakaawa ko sa kanila kahit na alam kong malabong maintindihan nila ang sinasabi ko.

Hagik-hik lamang ang natanggap ko bilang sagot sa mga pagmamakaawa na binitawan ako. Lalo akong napatili ng bigla na lamang hawakan ng isa pang payaso ang dalawa kong kamay.

"Noo!! Tulong! Lance tulungan mo ako!" sigaw ako ng sigaw at pilit na lumalaban sa mahigpit niyang pagkakahawak.

Nakakadiri at pakiramdam ko'y masusugatan ako ng napakagaspang niyang kamay. Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong nagpumiglas ng itali niya sa mga kamay ko ang isang barbwire. Napahiyaw ako sa sobrang sakit ng dumikit sa balat ko ang matalim na alambre.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak ng walang ano-ano'y hinila nila ako papalayo sa mga kasamahan ko. Tila bang may plano pa itong ibihag ako.

"Tanya!" narinig kong sigaw nilang lahat ng makitang unti-unti akong inilalayo ng mga nakakatakot na mga payasong ito.

"Lance! tulong!" halos hangin na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pag-iyak at sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.

Kuya! Papa! Tulungan niyo ako!

******

Third Person's POV

Marahas na napabagsak sa malamig na kalsada ang umiiyak na si Arkie habang  pinagmamasdan ang kaninang pwesto ng nagmamakaawang si Tanya.

Halos wala silang nagawa nang walang ano ma'y dalhin si Tanya ng naglalakihang mga bayolenteng payaso. Kahit na si Lance na may hawak pang baril ay wala ring nagawa.

Napaangat ng tingin ang umiiyak ring si Lance nang mapansin nito ang nahulog na baril ni Tanya. Dali-dali niya itong nilapitan at kinuha. 'I should've saved you when I have the chance.' Nanlulumong bulong nito sa sarili.

Ano pa nga ba ang magagawa niya? wala na. Dahil huli na siya. Huli na siyang mailigtas pa ang kaibigan sa mga kamay ng mga iyon. Hindi niya alam kung saan nito idinala si Tanya. Wala siyang clue kung saang lugar nanggaling ang mga ito pero sa kabila nito ay pursigido parin siyang mabawi ng buhay si Tanya. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa dalaga dahil hindi niya alam kung mapapatawad pa ba niya ang kanyang sarili.

"I have to go back and find her." mariin na sambit ni Lance ng makabalik sa pwesto ng kanyang mga natirang kaibigan.

"At saan mo namang balak na bumalik? Hindi natin alam kung--" hindi niya pinatapos pa ang sinasabi ni Arkie.

"I know! pero hindi naman pwedeng tumunga-nga na lamang tayo dito habang pinapahirapan si Tanya! we have to find her kahit na hindi natin alam kung saan tayo magsisimula! You're her bestfriend right? you should do the same thing tho, hindi 'yung mag-iinarte ka pa." matigas at punong-puno ng sinseridad na sambit ng binatang si Lance kaya't agad na napaatras si Arkie at umiwas ng tingin.

"I'm sorry. Natatakot ako Lance, natatakot rin ako sa pupwedeng mangyari sa buhay ko pero kung 'yan ang gusto mo, sige pumapayag na akong hanapin natin siya pero sana naman kahit papaano ay isipin mo ring hindi lang si Tanya ang kasama mo, kundi kami rin." malamig na sambit ni Arkie at naglakad palayo.

Bumuntong-hininga na lamang si Lance dahil sa frustration na kanyang nararamdaman. Hindi pa nga tumatagal itong mga nangyayari ay lubos na silang nahihirapan, paano pa kaya kung magtagal pa sila dito sa lugar na ito? tiyak na mas lalo silang magkakahiwa-hiwalay at mahihirapan.

End

Thank You for Reading!

Vote & Comment.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon